Bago pa magtanghali, lakad ako papuntang pizzeria. Maaraw. Bumili ako ng isang dalawang litrong malaking bote ng kolang pangdiyeta roon, at uminom ako. Sa kapihan, may mga nagkokoreano sa isang mesa, at may mga naghahapones sa iba namang mesa. May dumalaw na may kargang tatlong bilog na kayumangging kahong ang laman ay Hawayanong poke at kaning may gulay. Sa mesa ko, kumakain ako ng tsokolateng croissant. Pag-uwi ko, daan ako sa madamong larang. May mga halamang dilaw ang bulaklak at lima ang petalo. May mga dilaw na bulaklak na dandelayong nagkalat. Ika-19 ng Mayo ng 2024, sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment