Saturday, September 30, 2023

Kuwento II

Nang maasul na langit pero nalamig na hapon nang ika-30 ng Setyembre ng 2023, nasa Isla Lulung pizzeria ako na naman sa ika-3 lakad ko sa araw. Naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Navjot at si Simar. Dumalaw at kumain si John-Paul, ang adolesenteng anak ni Rose na tinderang Pilipina. Umiinom ako roon ng isang plastikong bote ng asul na enerhiyang inumin. Naririnig ko sa radyo sa likuran ang kuwento ng mga Amerindiyo. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan ang mga kapitbahay ko: si Lolo John na Anglo-Sahon at ang asawa niyang si Lola Marit na Noruwega, si George na Tsipreng Griyego at ang nanay niyang si Lola Nikki, at si Mr. Chiu, yaong lolong Kantones. Kababalik daw ni George at ni Lola Nikki galing sa tindahan. Binanggit ko ang masarap na barbikyung baboy at katelpis, yaong parang malaking pusit, sa ibang tindahan. Sa bahay, nagtelekomperensiya kami ng kuya ko dahil nag-aaral kami ng Kastila. Natututo naman kami. Bibisita sa Mehiko ang mga kapatid ko.

Kuwento

Sa huli nang umaga nang ika-30 ng Setyembre ng 2023, sa ika-2 lakad ko, pumunta ako sa pizzeria rito sa Isla Lulu. Naroon ang tinderong Taga-Indiyang si Simar. Sabi niya habang binabayaran ko ang isang kahon ng katas na mansanas: "Kumusta ang gerlpren mo?" Sagot ko, "Wala naman, e. Ikaw ba?" "Parang wala rin nga, e!" biro niya. "Walang pizza ngayon?" "Hindi na dahil tumataba ako." "Pizza ang kinakain mo?" "Pizza nga at pagkain sa bahay." "Nagluluto ka?" "Ang nanay ko. Ikaw ba nasa mga magulang ka pa?" Binulong niya ang sagot niya, at di ko masyadong naintindihan sa punto niya. "Magaling ang pagkain sa bahay," dagdag niyang positibo. Sa isang mesa sa sulok, nagpipizza si Michael na mestisong Tsino-Ingles. Sa radyo sa likuran, pakinig ko ang kuwento ng mga Amerindiyo. Maaraw sa labas, pero lumalamig na. Sa bahay, gamit ang tablet ko, nagbiyabiyahe akong birtuwal nang Istritbyu sa mga iba-ibang lugar sa mundo, at itong mga araw, nasa Bucharest sa Romania ako.

Motorsiklisto

Sa maaraw na umaga nang ika-30 ng Setyembre ng 2023, naroon ako sa Istarbak para uminom ng tsaang itim na may yelo at kumain ng sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog. Ang mga barista ngayon ay si Taryn, yaong matangkad na Anglo-Sahona, si Karina, yaong matabang Rusa, at si Francis, yaong payatot na mestisong Amerindiyong Cree at Anglo-Sahon. Nakanaranghang tisyort ngayon si Francis. Ako naman ay nakaberdeng madilaw na tisyort at mapulang dyaket. Pagdating ko, nakaupo sa labas ang mga regular sa Sabado: isang Mediteraneo, isang Kantones, at dalawang Anglo-Sahon. Sa loob, sa isang mesa sa sulok ay si Dennis, yaong mestisong Tsino-Aleman. Sa loob din, may kostumer na malaking lalaking motorsiklistong nakaahit ang ulo. Nakaitim at berdeng madilaw na dyaket siya, at nakaasul na pantalon siya. May maputing bigote. Pag-alis ko, dumating naman si Marlin, yaong Pilipina, si Les, yaong Haponesa, at isang kaibigan nilang Tsina. Umupo sila sa labas, at may araw na, kahit malamig-lamig na. Dala ni Les ang aso niyang nakatali. Dumaan ako sa pruteriya. Iniisip kong bumili ng pakwang dilaw ang laman, pero hindi na lamang.

Friday, September 29, 2023

Balita

Sa maaraw na hapon nang ika-29 ng Setyembre ng 2023, suot ko ang pulang dyaket ko, kulay-lilang tisyort, maitim na asul na korto, maitim na kulay-abong touque, at berdeng Crocs na harding sapatos. Nakaupo ako sa labas ng pizzeriang umiinom sa isang plastikong bote ng moradong enerhiyang inumin. Naroon sa loob ang may-aring si Tharsan, yaong may lahing Taga-Sri Lanka, pero pinanganak sa Hilagang Amerika. Naroon ang tinderong si Sachet na Taga-Indiya. May mga bago silang mga trabahador na Taga-Indiya rin malamang.

Yemen

Sa huli nang umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria ako. Maulap ang langit. May isang platong papel ako ng mga tsip na inihurnonng patatas na nilagyan ko ng ketsap. At may isang plastikong bote ng enerhiyang naranghang inumin ako. Sa isang sulok ay si Michael na Tsino-Ingles na mestiso. May dumalaw na dalawang magandang lalaking may dalang mga kulay-pilak na maletang may kasamang unan para sa leeg na pang-eroplano. Sa suot, ang isa ay nakaitim, at ang isa ay nakanarangha. May mga balbas. Akala ko'y Taga-Iran sila, pero Taga-Yemen daw sila. Pero yaong nakanarangha ay pinanganak sa Saudi Arabia raw. Sabi kong alam ko ang Isla Socotra sa Yemen. Alam ko ang mga mahiwagang halaman doon. Paunang dating nila sa Isla Lulu, at imigrante sila sa bansa. May gera raw sa Yemen. Pag-alis ko, sabi ko, "Enjoy!"

20230929 Bikunesia (Midjourney AI)






















 

Amerasian

Nang kaunting maulap na maaraw na umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2023, nasa Isla Lulung Istarbak ako para uminom ng tsaang itim na may yelo. Maraming taong may tisyort na naranghang may disenyong Amerindiyo. Pag-uwi ko, nakita ko ang nanay ni Kiara, at bitbit niya ang tali sa mahal na pusa nilang mukhang leopardo. Taga-Cambodia pala ang nanay daw ni Kiara, at itim na Amerikanong militar ang tatay niya. Sabi ko sa nanay na marami ngang naiwanang mga anak ang itim na sundalo sa mga lugar tulad ng Byetnam at Pilipinas: mga "Amerasian."

20230929 Binary Sunset (Midjourney AI)





 

Thursday, September 28, 2023

Buwan

Nang maulap na ika-28 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria ako sa umaga at sa hapon, at nasa Istarbak din sa hapon. Dalawang beses ako naglakad. Sa pizzeria, naubusan na sa puwenteng makina ang kolang pangdiyeta. Nagboteng plastiko ng kolang pangdiyeta na lamang ako sa umaga nang may kesong pizza, at nagkatas na mansanas ako sa hapon. Sa Istarbak, nagsanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. Dumalaw si Hans na Olandes sa kanyang silyang de-gulong. Pinag-usapan namin ang mga rover sa Luna, dahil binanggit kong may rover na din ang Indiya at Tsina roon. Sabi raw ni Hans na may tubig na yelo raw sa timog na polo sa Luna. Gustong magtayo ng base sa Luna para mas maiging paliparin ang mga raket papuntang Marte. Mas magaan sa grabedad sa Luna. Sa bahay, tapos ng hapunan ko ng hamon, kumain ako ng Physalis peruviana, o Inka Berries. Pinatikim ko si Joanne na Ukranyana noong isang araw. Kompleks ang nomenklatura para sa mga prutas ang pinag-usapan namin. Noong isang araw, sabi ko kay Greg na sayang at hindi tinuloy ang Kastila sa Pilipinas tapos ng gera ng 1898. Tinuloy sa Puerto Rico, naman. Iba ang polisiya. Namasyal kami ni Michael na Danes-Pranses sa umaga sa kapitbahayan para makita ang mga ebidensiya ng ekstraterestre sa kanya. Mga ilaw-ilaw. Noong isang araw nga, nakita ko muli yaong ilaw na mukhang diyamante. Sabi kong di mutuwal na eksklusibo kung espiritwal o ekstraterestre, kung iniisip niya.

20230928 Ursula Le Guin's Always Coming Home (Midjourney AI)














 

20230928 Ursula Le Guin's Earthsea Inhabitants (Midjourney AI)





 

20230928 Uchuvas, Physalis peruviana, Inka Berries