Friday, May 31, 2024

Kahon

Bago pa mag-alas-nuwebe nang gabi, bumalik ako sa pizzeria, at naroon ang mga Indiyanang tinderang si Jeevanjot at si Navjot. Nagpizzang karne akong may kasamang kolang pangdiyeta mula sa makinang puwenteng naubusan ng sirup nang mahigit nang isang linggo, at kamakalawa lamang naayos. Dumalaw ako sa tindahang PresKo para isang dilaw na kahon ng rasmalai na manggang markang Nanak. Tiningnan ko sa labas ang mga Tsinong poster na adbertisment tungkol sa mga berdeng prutas na inumin sa mga gumagawa ng tsaang mabula. Pagdaan ko sa bangkô sa tabi ng serbeseriya, may mga taong nagsama-sama, at isang lalaki'y gumagawa ng mga bula sa hangin nang gamit ang laruang sirkulo. Naroon yaong Kolombiyano. Sa bahay, nilagay ko ang dilaw na kahon sa nebera. Ika-31 ng Mayo ng 2024 ngayon.

No comments:

Post a Comment