Thursday, December 28, 2023

Beynte Otso

Pasado nang hatinggabi nang ika-28 ng Disyembre ng 2023, nasa kusina ng bahay ako. Kumakain ako ng markang Stik-O na lasang istrobering parang barkilyos, ng Turkong lokum, at ng pistachio. Umiinom ako ng espesyang mansanas na tsaang may yelo. May mga bisitang kamag-anak kaming darating daw dito sa Isla Lulu sa ngayong umaga galing sa estadong Georgia at Republika ng Pilipinas. Ang huling tigil nila bago rito ay sa Seattle sa estadong Washington. Noong isang linggo, bumisita ang tiyo at tiya ko galing naman sa Portland sa estadong Oregon. Papunta sila sa Pilipinas dahil may bagong bahay doon sila. Pabalik-balik sila sa dalawang bansa. Nasa bolsa ng berdeng militar na dyaket ko naman ang minidiksiyonaryong Esperanto-Ingles ng Fluo Editions mula sa Granada sa Espanya. Babasahin ko kung nasa tsaahan o pizzeria ako nitong mga araw na daraan. Sa tema ng araw, ang numerong 28 ay naging simbolo ng Esperanto dahil may 28 letra sa alpabeto nitong lengguwahe.

Wednesday, December 27, 2023

20231227 Tripod




 

Magbabago

Nang maulap na umaga nang ika-27 ng Disyembre ng 2023, lumakad ako papuntang Istarbak para itim na tsaang may yelo. Naroon ang mga baristang si Chelsea, yaong Mandaring Tsina, at yaong mga Inglesang si Tanya at si Sarah. Naroon na si Greg P. sa bar noong dumating akong bago pa 8:00, dahil maaga raw siyang nagising nang mga 6:14 o 6:15 daw. Sa isang mesa, pinag-usapan namin tungkol sa mga party at pamilya. At sabi kong kami ng kuya ay nag-aaral ng Kastila. Tapos, nagbati na kami nang "Manigong Bagong Taon." Binabasa ko roon ang Pranses na librong Akhénaton le renégat ni Naguib Mahfouz. Naroon sa ibang mesa si Dennis na mestisong Tsino-Aleman at isang may itsurang Tsinong regular. Pag-uwi ko, nakita kong nakaupo sa bangko sa tabi ng mga puno at tindahan si Michael L. J. na Danes-Pranses na naglalaro ng krosword. Usapan namin ang tungkol sa mga UFO at mga teoretikong sasakyang pangkalawakang mas mabilis sa ilaw. Sabi kong puwedeng maging armas ang sasakyan kung tumama sa isang planeta. Sabi ni Michael na may mga maliliit na debris nga raw sa espasyong baka danyoso man sa ganoong sasakyan. Di ko pa naisip iyon. Marunong siya. Kailangan ng puwersang eskudo. Sa huling umaga, lumakad ako papuntang pizzeria. Naroon si Sachet na tindero. Mamaya pa, pumunta ulit ako. Naroon ang mga tinderong si Rose na Pilipina at si Sachet na Indiyano, at ang may-aring si Tharsan, lahing Srilangkano. Dala ko naman ang minidiksiyonaryong Esperanto-Ingles ng Fluo Editions mula sa Granada sa Espanya.

Tuesday, December 26, 2023

20231226 El mexicanismo





 

Hawaii

Sa maulap na may kaunting araw na hapon nang ika-26 ng Disyembre ng 2023, lakad ako papuntang tindahan para bumili ng tutpeyst. Sa daan, nakita ko si Michael L. J. na Danes-Pranses, at binati ko siya nang Hawayanong "Mele Kalikimaka" para sa Pasko. Ufolohista siya, at hindi siya relihiyoso. Sabi kong pinag-aralan ko dati ang kultura at wika ng Hawaii. Sabi kong may mga ebidensiyang narating ang mga aplaya ng mga Amerika ng mga Malayo-Polinesyo o Awstronesyo noong antigong panahon. Mamaya pa, nasa pizzeria muli ako. May kolang pangdiyeta ako. Nagbabasa ako ng baong libro kong Pranses. Naroon ang mga tinderong Taga-Indiyang si Sachet at si Jot. Sa labas ng bintana, nasa silyang de-gulong si Lolo Hans, yaong Olandes. Pag-uwi ko, nakita ko sa malapit sa serbeseriya si Lola Květa, yaong Tseka, at nagbati siya sa akin para sa bagong taon. Sa kapitbahay na dupleks, may Pilipinong may itsura roong palaging kumakaway sa akin. Madalas siyang magbarbikyu sa draybwey niya.

Interlingua

Nang madaling-araw nang ika-26 ng Disyembre ng 2023, nasa silid-kainan ng bahay ako para kumain ng kutsinta at Turkong lokum mula sa magandang latang kahong pasalubong ng kuya ko. May espesyang mansanas na tsaang may yelo ako. Sa umagang medyo maulap pero maaraw, lumakad ako papuntang pizzeria. Naroon ang Taga-Indiyang tinderang si Jot. May kolang pangdiyeta ako. Nasa bolsa ng militar na berdeng dyaket ko ang Pranses na librong Akhénaton le renégat ni Naguib Mahfouz. Binabasa ko sa mesa ko. Sa ibang tema, ang numerong 8 at 26 at kulay ng asul ay naging mga simbolo ng lengguwaheng Interlingua. Ang kapatid ko ay may dating puting maliit na asong ang pangalan ay Portia. Mukha siyang matabang pusa o kuneho man. Mamaya pa sa araw, maglalakad akong paikot-ikot sa kabitbahayang cul-de-sac na may kastilyo para meditasyon at ehersisyo.

20231226 Kutsintâ, Türk Lokumu, Cantuccini, Glacia Spica Pomteo