Tuesday, January 30, 2024

20240130 Buko (Young Coconut) Pie





 

Dessert People

In a way, in the Philippines, people already speak Spanish and English, as these languages, or really their words, are integrated or imbedded in native languages, not just Tagalog.  Spanish is chocolate or coffee, whilst English is a fizzy pink lemonade soda. The Philippine society is mostly an amalgam of Malay, Chinese, and Spanish elements, with unmentioned various more minor ones.  There is Philippine Creole Spanish, Chabacano or Chavacano, spoken scatteringly in the magical archipelago.  The feature of the Philippines is more like the Caribbean, the crossroads of different peoples.  I can categorize the people of the Philippines in several desserts:  Many are like "ube halaya" or the dark mash of sweet purple yam.  Some are more like "halo-halo" or ice dessert with leche flan, ube yam, kaong, nata de coco, young coconut strips, agar-agar jelly, sago, beans, fruits like jackfruit, et cetera.  Some are more like "maíz con hielo" or ice dessert with corn kernels, sugar, and milk.  A striking difference of Filipinos from Mainland Asia is their love of the creative purple colour, maybe because of the ube yam delicacy.  In Okinawa in Japan, people call it "beniimo."  They use it also in Okinawan desserts and other cooking.

20240130 Mia Sonĝo pri Antikva Tigra Urbo (Bing AI)








 

Saturday, January 27, 2024

Religious Space

The idea of travelling through the universe astrally has intrigued me, as well as others, for some time. The Cluster series of novels by Piers Anthony and Star Maker by Olaf Stapledon are examples of astral travelling. Do Tibetan monks travel astrally? At least for a decade or more, I have been pondering about the fragility of the human body for deep space travel. Would transhumanism at least be necessary, the technological augmentation of the human body and mind? Or, would wholly mechanical entities with artificial general intelligence, or even uploaded human minds, do the job?

Religion in future outer space is a subject of some sci-fi. The Dune franchise is a great example. Frank Herbert created the thousands-of-years-from-now Dune series, focusing on an Arab-like culture and language group of the Fremen on the desert planet Arrakis in a galactic imperium in which the language Galach is spoken, a derivative of ancient English and Slavic languages. I have read another book, The Jesus Incident, by Frank Herbert and Bill Ransom, about a spaceship that is like a god to its human crew, looking to colonize another planet.

Thursday, January 25, 2024

Azteca at Pinlandes

Maganda rin ang Klasikong Nahuatl o Azteca ng Mehiko. Maganda ang tunog. May "omnipredikatibidad" ang mga salita. Sumiklab ang imahinasyon ko noong pinag-aaralan ko itong wika. Parang may mahika.

Maganda rin ang Pinlandes ng Pinlandiya. Ang mga salita sa akin ay may alusyon sa Hapones. Panatiko ako sa mga sulat na pantasya ni Tove Jansson, isang manunulat na Suwekang Pinlandesa tungkol sa mga Moomintroll.

Wednesday, January 24, 2024

Turko

Maganda rin ang Turko, isa sa mga Tursikong wikang parteng ninuno ng mga Tsino. Letrang Romano ang ginagamit ngayon sa Turko. Masasarap ang mga pagkain nila. Guwapo ang mga tao. Magaganda ang mga antigong gusali sa Turkiya. Narating ko na ang Kuşadası sa Turkiya.

Monday, January 22, 2024

Farsi

Maganda rin ang lengguwaheng Farsi, o Iranyano, o Persa, nang may iba-ibang tawag. Kursibo ang sulat. Maganda ang tunog. Marami akong mga natagpong Iranyano sa unibersidad. Masasarap ang mga pagkain nila. Magaganda ang mga antigong gusali sa Iran. Makulay-kulay ang kultura nila.

Marcus Aurelius


 

Koreano

Maganda rin ang Koreano.  Parang overrated ang Hapones at Tsino kung gusto lamang ng Tagakanluran iakses ang Oryente.  Sikat na sa Pilipinas ang Koreano.  Mas gamit ng Koreano ang Hangeul, ponograma, nila kaysa sa Hanja, sinograma, na nirereserba nila sa mas akademikong literatura.  Pero, madalas na sa mga Koreanong magasin at nobela, Hangeul ang gamit.  Mas mabilis pag-aralin ang Koreano kaysa sa Hapones at Tsino.  Kung babalikan ko ang unibersidad ko noong pasado, sana'y parehong Hapones at Koreano ang pinag-aralan ko.  Kinuha ko ang Hapones, at saka Kastila at Pranses noon.  Sa UBC noong dekadang 1980, hindi yata may Taylandes at Byetnames na mga gusto ko rin sana.

Saturday, January 20, 2024

Bunga, Pua

Malaput-lapot at maputik na ang niyebe sa lupa rito sa Isla Lulu nitong ika-20 ng Enero ng 2024. Lakad ako papuntang pizzeria. Sa daan, nakita ko si Michael L. J. Sabi niyang Pransesa raw ang ina niya, at Danes ang ama niya. Sa dating lugar niya raw sa malapit sa Atlantiko, hinahalo nila ang Ingles at Pranses. Sabi ko namang sa Estados Unidos, may Spanglish. Alam niyang marunong ako ng Kastila at Pranses. Usapan din namin tungkol sa wikang pamilyang Awstronesyo, yaong mga wikang kumalat pasilangan sa Pasipiko, patimog sa Bagong Silandiya, at pakanluran sa Madagascar. Ang Hawayano at aking Tagalog ay mga miyembro nitong pamilya. Sa Tagalog, ang prutas ay "bunga," at ang "pua" sa Hawayano ay bulaklak, sabi kong may relasyon. Ang orihen daw ng Awstronesyo ay Taiwan ayon sa mga dalubwika. Usapan din namin tungkol kay Marvin na Marsiyano ng Looney Tunes. Marunong ni Michael gayahin ang boses niya. Sa pizzeria, naroon ang Indiyanang tinderang si Lavjot. May Deluxe na pizza ako, at may kolang pangdiyeta ako. Sa mesa ko, binabasa ko ang baon kong Pranses na librong L'Empire romain ni Pierre Grimal. Narinig ko sa radyo sa pizzeria, "Mas gusto mong maglakad sa gubat."

Wednesday, January 17, 2024

Niyebe II

Ang lakas ng niyebe sa hapon nang ika-17 ng Enero ng 2024, dito sa Isla Lulu. Lakad ako sa makapal na niyebe papuntang pizzeria. Sa daan, nakita ko si Sandrang nakapulang nagsyosyobel ng niyebe. Taga-Fiji ang pamilya ni Sandra. May lahing Tsino at Indiyano. Mamaya pa, binati ako ni Leo at ni Cathy, mag-asawang Pilipinong bago pa rito sa norteng bansa. Natutuwa sila sa niyebe. Sa pizzeria, naroon si Sachet na Indiyanong tindero at si Rose na Pilipinang tindera. Nagkokolang pangdiyeta ako sa mesa ko, habang nagbabasa ako ng Pranses na librong L'Empire romain ni Pierre Grimal. May nagpipizzang guwapong nakaahit ang ulong may bigoteng itim. Itim ang suot niya. May dumalaw na pamilyang Ruso. Dumalaw ako sa tsaahang Istarbak, pero nagsasara sila nang 15:00, dahil kaunti raw ang staff. Di na ako pumasok. Miyerkoles ngayon. Pag-uwi ko, sa daan, may kapitbahay na Pilipinong sumigaw na, "Syort pa rin!" Naka syorts pa rin ako sa niyebe. Sigaw ko, "Sanay na ako!" Kumaway sa akin ang kapitbahay kong Taga-Cambodiang nakapula ang suot. Nasa Guadalajara pa ang kuya ngayon. Nagpapadala siya ng mga magagandang bidyo at litrato.

Niyebe

Nagniyeniyebe nang malakas nang makapal nang maraming sentimentro na ngayon dito sa Isla Lulu nang ika-17 ng Enero ng 2024. Nasa loob ng bahay ako sa umaga. Puting-puti sa labas. Handa na sa loob ng bolsa ng berdeng militar na dyaket ko ang Pranses na librong L'Empire romain ni Pierre Grimal. Balak kong basahin kung nasa pizzeria o Istarbak ako. Sa tema ng araw, ang numerong 17 ay naging simbolo ng Tagalog.

Tuesday, January 16, 2024

Salmon

Sa malamig na gabi nang ika-16 ng Enero ng 2024, bumalik nang lakad ako sa pizzeria rito sa Isla Lulu para uminom ng kolang pangdiyeta. May nakaupo sa mesa sa regular na sulok ko: isang matangkad na puting may balbas na nakasuot na retrong militar na ang tema ay kulay ng kayumanggi. Nagpipizza siya. May dumalaw pang isang Tsinong mabalahibo. Mamaya pa, nasa tindahan ako sa norteng parte. Nakita ko si Hans na Olandes na nakaitim sa kanyang silyang de-gulong sa seksiyon ng mga magasin. Nagbabasa siya ng magasin ng mga litrato ng mga hayop sa bansang ito. May magaling na mata si Hans talaga. Potograpo siya. Pinakita niya mula sa magasin ang oso, lumba-lumba, hamingberd, salmon, uwak, at iba pa. Nang pinakikita niya ang salmon sa akin, sabi niya, "Parang ganito ka!" Kumuha ako ng isang kahon ng mga malamig na éclair. Baon kong binabasa ang Pranses na librong Le Golem ni Gustav Meyrink na may alusyon sa Hudyong poklore. Nasa Guadalajara ang kuya ko ngayon. Madalas siya sa Mehiko nitong mga buwan. Napupuna kong magaganda ang mga kalesa at gusali roon sa mga bidyo niya.

20240116 Sushi Aria












 

Golem II

Nang malamig at maulap na ika-16 ng Enero ng 2024, sa umaga, pumuntang lakad ako sa pizzeria at sa Istarbak. Baon kong binabasa ang Pranses na librong Le Golem ni Gustav Meyrink. Ang orihinal ay sa wikang Aleman. Ang "golem" ay alusyon sa Hudyong poklore. Sa pizzeria, may kolang pangdiyeta ako. Sa Istarbak, may mainit na abenang matchang latte akong iniinom. Talagang nalalasahan ko ang "matcha," yaong berdeng tsaang Hapones. Naroon ang mga baristang si Tanya at si Sarah, parehong Inglesa, at saka si Chris na mestisong Hapones-Ingles. Naroon din ang manedyer na Pilipinang si Gina. Dumalaw si Layna, yaong Byetnamesang may-ari ng restawrang Pho Khang sa malapit. Sabi kong gusto ko ang kanilang lumpiyang ensaladang may hipon. May kaibigan siyang Byetnamesang kasama niya. Pag-uwi ko, sa daan, nakita ko si Michael L. J. na ufolohistang Danes-Pranses. Kuwento ko sa kanya ang sinabi ni Frank na Olandes sa Istarbak tungkol sa UFO, isang lumilipad na metalikong asul na soser, na nakita niya lampas sa piyer sa Isla Galiano, sa ibang islang kabundukan, sa gabi noong 1979. Gradong 12 raw si Frank noon. Nag-iba ang usapan namin ni Michael. Sabi kong noong Gradong 6 ako, pumunta ang klase ko sa Isla Galiano para isang linggo roon. 1977 o 1978 yata noon. Nangolekta ang mga lalaki ng mga harding ahas na iba-ibang kulay na nakikita sa damo. Dala nila sa mga kahon sa ferry papuntang balik sa Isla Lulu rito. May mga terrarium sila, kasi. May nakita raw si Michael na cougar at wolverine sa bukid.

Golem

Nang madaling-araw na menos 4 Celsius sa labas nitong ika-16 ng Enero ng 2024, nasa silid-kainan ng bahay dito sa Isla Lulu ako, sa ilalim ng chandelier, aranya, para kumain ng nilutong saba, isdang tokwang rolyo, at kulay-rosas na bayabas na atole, yaong inuming Mehikano. Handa ko na sa bolsa ng berdeng militar na dyaket ko ang Pranses na librong Le Golem ni Gustav Meyrink. Balak kong basahin pagka nasa pizzeria o tsaahan ako. Tungkol ang libro sa pokloreng Hudyo. Sa tema ng araw, ang numerong 16 ay naging simbolo ng lengguwaheng Esperanto dahil may 16 na regla ang basikong gramatika sa Esperanto. Ang Esperanto ay inimbento ng Hudyong Doktor L. L. Zamenhof noong 1887 sa Polonya ng Rusong Imperyo.

20240116 Saba Bananas, Fish Tofu Rolls, Guava Atole