Tuesday, May 7, 2024

Iskon

Bago pa mag-alas-tres nang gabing umaga, kumakain ako sa silid-kainan ng bahay ng kanelang iskon, yaong dala kahapon nina Tito Bert at kanyang kamag-anak. May tsaang manggustin-mansanas-malunggay na may yelo ako. Sa itaas ay umiilaw ang aranya sa silid. May pangarap nga ang iba'y mag-ingles na lamang ang Pilipinas, Europa, Tsina, Hapon, at iba pang parang maging Irlanda o Eskosya. Sa iba nama'y parang "fad" lamang ang Ingles. May mga Hapones ngang iniisip na ang Ingles ay para lamang noong Shōwa Jidai o Era nang ika-25 ng Disyembre ng 1926 hanggang ika-07 ng Enero ng 1989, dahil simula nang una ng Mayo ng 2019 ay Reiwa Jidai na. Ang Heisei Jidai ang pagitan. Ngayon ay ang ika-7 ng Mayo ng 2024.

No comments:

Post a Comment