Tuesday, May 21, 2024

Luya

Bago pa mag-alas-tres nang gabing umaga, umiinom ako sa salas ng bahay ng Old Jamaica Ginger Beer, yaong luyang inumin mula sa kulay-gintong lata. Ngayon ay ika-21 ng Mayo ng 2024. Sa hayskul ko rito sa Isla Lulu, may dating kaibigan akong Jamaican, yaong ina ay mulata at puti ang ama. Tiyo niya yaong mang-aawit na si Phil Collins. Natatandaan ko rin noong bata akong nakikinig sa mga Karibeng kanta ni Harry Belafonte. May mga musikang plaka ang tatay ko sa Lungsod Quezon noong dekadang 1970. Nakalatag ako sa malamig na puting marmol na sahig sa salas ng Hispanik na bahay namin, dahil mainit noon.

No comments:

Post a Comment