Friday, May 31, 2024

Hardin

Maulap na maaraw naman sa umaga nang lumakad ako papuntang kapihang Istarbak. Doon, may kapeng itim na may yelo ako. Kumain ako ng hopyang ube, yaong markang Maynila's Choice. May dala akong libro sa Esperanto. Sa kabilang mesa ay si Aling Maureen, yaong Inglesa, umiinom ng malamig na cappuccino. Wala raw siyang resepsiyon sa telebisyon nang isang linggo na. Mamaya pa, nagbus ako papuntang sentro ng bayan para sa Kantones na doktor ko at Pilipinong asistenteng nars niya. Kumain ako ng barbikyung baboy na may pansit at gulay sa tindahang Presyong Ismart. May inuming Hapones na Istrobering Calpico ako roon. Tumuloy ako sa Kapihang Blenz para isang Pulut-pukyutang Abenang Latteng Hojicha. Sabi ng doktor na ang mga aerobika ang importante, katulad ng paglalakad ko. Maaraw ngayon. At sa tapat ng mga bagong kondo ay may magandang harding may mga morado at asul na bulaklak. Ika-31 ng Mayo ng 2024 ngayon.

No comments:

Post a Comment