Friday, May 24, 2024

Moderasyon

"Moderasyon" ang isang motto sa Budismo, kaya husto lamang dapat ang kain ko. Dumalaw ako sa pizzeria sa gabi para isang delatang kolang pangdiyeta. Nang mga alas-siyete, nasa kapihang Istarbak na ako para dalawang inuming deskuwentong apat na dolyar ang bawat isa: abelyanang abenang kinalog na espresso at limonadang istrobering açaí. Parehong may yelo. Naroon ang mga baristang si Sohanang Indiyana at si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti. Suwabe ang mga kostumer sa gabi. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan ang mga puting kapitbahay kong si Al at si pulang buhok na Rochelle na parehong napansin ang bago kong mga harding sapatos na Crocs na Berdeng Kiwi ang kulay. Dati, may pareho ako noon, pero Berdeng Militar ang kulay naman. Dati pa, mayroon akong Bolt na Asul. Ika-23 ng Mayo ng 2024 ngayon. Sa tema ng araw, 23 anyos na gulang akong nagtapos sa unibersidad.

No comments:

Post a Comment