Sa hapong mga alas-sais at mga alas-siyete, palibut-libot ako sa kapitbahayan para uminom ng kolang pangdiyeta at kumain ng tsip na jalapeño; pizzang karne at kabute; at sanwits na salsitsas, tsedar, at itlog. Dumalaw ako sa malaking tindahan. Nakita ko roon yaong guwapong Brasilyanong palaging nakasyorts. Tuloy ako sa tindahan ng halal na karne at barbikyu para tingnan ang mga produktong binebenta roon. Sa akin, hindi mukhang dayuhan ang mga pagkaing mula sa Gitnang Silangan, Sentral na Asya, Mehiko, at mga ganoon. Ika-22 ng Mayo ng 2024 ngayon.
No comments:
Post a Comment