Tuesday, May 7, 2024

Sana Nga

Maaraw sa hapon. Lakad ako. Mamaya, nasa Pizzeriang Yami na ako. Kumakain ako ng isang pirasong pizzang may karne, kabute, at pepperoni. May kolang pangdiyeta ako. Naroon ang mga Indiyanong tinderong si Sachet at si Navjot. Tuloy ako sa kapihang Istarbak para magkapeng itim na may yelo. May croissant na tsokolate ako sa platito. Si Ross na Pilipinong manedyer ang tindero ko. Dumating din ang mga Pilipinang baristang si Denise at si Mary. Iniisip ko'y sana'y mas parang Indonesia ang Pilipinas. Sa Indonesia, maraming libro sa Indones na Siyensiya at Arte. Hindi parang Pilipinas na masyadong dependiyente sa Ingles. Ngayon ay ang ika-7 ng Mayo ng 2024, sa Isla Lulu rito.

No comments:

Post a Comment