Monday, May 20, 2024

Griyego

Medyo maulap sa umagang maaraw naman. Nasa kapihang Istarbak ako. Sa labas, nakaupo si Marlin na Pilipina at si Les na Haponesa. May mga bisiklista rin. Sa loob, may itim na kape akong may yelo at tsokolateng croissant sa platito. Sa ibang mesa, may mag-asawang Griyegong naggriyegriyego. Sabi ko sa lalaki'y parteng Griyego ako. Ang mga ansestro ko sa Gresya ay mga Hudyong parteng Griyego. Dumalaw ako sa tindahan para bumili ng dalawang bote ng inuming may binhi ng basil, isang istroberi at isang bluberi: Taylandes na markang TepTip. Sa daan, binati ko si Rod na nakasuot ng abstraktong arteng kamiseta. Dumaan akong lakad sa larang. Kita ang mga punong seresong morado ang mga dahon. Ika-20 ng Mayo ng 2024 ngayong Lunes, sa Isla Lulu rito.

No comments:

Post a Comment