Thursday, May 23, 2024

Nordiko at Mediteraneo

Nagtatlong beses ako sa kapihang Istarbak ngayon: isang itim na kapeng may yelo, isang Summer Skies na may gata ng niyog, at isang may yelong Matchang Abenang Latte. Nakita ko sa daan yaong guwapong mukhang Hudyo sa kapitbahayan. Nakita ko rin yaong magandang si Kiara, yaong may itim na Amerikanong militar na tatay at Khmer ang nanay. May mahal siyang pusang mukhang leopardong may tali. Kinausap ko si Greg sa kapihan: ang diperensiya ng Nordiko at Mediteraneo, yaong tumira ako sa Bangkuber, ang mga hayop sa kalikasan, ang pagsiyesiyesta, at iba pa. Binigyan niya ako ng tsokolateng croissant. Nagsanwits siyang may bacon, Gouda, at itlog. May kape siya. Ika-23 ng Mayo ng 2024.

No comments:

Post a Comment