Wednesday, November 29, 2023

20231129 La birria, los camarones y las tortillas





 

Klase

Binabasa ko ang librong Chavacano de Zamboanga: Un poquito Español ni Gefilloyd Lim de Castro nitong ika-29 ng Nobyembre ng 2023 sa Pizzeria Y dito sa Isla Lulu. Naroon ang mga tinderong si Bal at si Sachet at isa pang babae; lahat ay mga Taga-Indiya. Asul na ang maaraw na langit nitong huli nang umaga. May dumaan sa harap nang bintanang naglalakad na buong klase ng mga batang puro na Intsik, at may isa lamang puting lalaki. Ang mga guro ay mga babaeng puti at Intsik. Sa mesa ko sa isang sulok sa loob, kumakain ako ng inihurnong mga tsip na patatas. May baso ako ng kolang pangdiyeta. Ang Chabacano, yaong Pilipinong Kreyol na Kastila, ay malapit sa iniisip kong pantasyang super na guni-guning wika.

Chavacano

Sa makulap na umaga nang ika-29 ng Nobyembre ng 2023, nasa Istarbak akong nag-aaral ng gramatika ng Chabacano sa librong Chavacano de Zamboanga: Un poquito Español. May sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. May tsaang itim na may yelo ako. Tapos, pumunta ako sa malaking tindahang F para bumili ng isang bote ng lasang manggang kolang Jarritos, produkto ng Mehiko. Tapos, bumalik ako sa Istarbak para mayelong abenang gatas. Dumalaw si Greg, at binili niya ako ng mga tsip na mansanas. May mocha siya sa seramikang tasa. At may sanwits na Gouda, beykon, at itlog siya. Sa labas ng bintana ay makulap pa. Sa ibang mesa ay may guwapong Budistang mongheng nagsasalita ng Tibetano, Monggolyano, o parang ganoon sa kanyang ismartpon. Siyempre, marami kaming pinag-usapan ni Greg. Nakita niya ang libro ko. Sabi kong ang Chabacano ay mas simpleng Kastilang parang ang gramatika ay Intsik. Kreyol kasi ang lengguwahe. Sabi niyang ilang dekada na niyang pinag-aaralan ang Ingles, pero nahihirapan pa siya sa pagbigkas at gramatika. Tipikong Pilipino ay ganoon nga. Ang karamihan ng Pilipino ay hindi mabigkas nang tama ang Ingles. Pinaliwanag ko sa kanyang ginagamit ng mga Hapones na estudyante ang Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto sa pag-aaral ng pagbigkas ng Ingles dahil malabo ang ispeling talaga.

Tuesday, November 28, 2023

Kometo III

Sa hapon nitong ika-27 ng Nobyembre ng 2023, naroon na naman ako sa pizzeria. Dumalaw si Khathie (pagbigkas na parang "Hachi"), yaong itim na Taga-Senegal na may dalawang anak na babaeng mulata. Pinag-usapan namin ang orihen ng lengguwaheng Esperanto dahil nakita niya ang librong baon kong Kometo en Muminvalo ni Tove Jansson. Nalaman niya sa ismartpon niyang may mga Esperantisto sa buong mundo. Halimbawa ang Brasil, Hapon, at Tsina. Sabi kong marami akong kaibigang Esperantisto mula sa Congo-Kinshasa, sa Sosyal na Media ko. Alam ng mga Aprikanong mahusay ang Esperanto talaga! Ang pangalan daw ni Khathie sa lengguwaheng Wolof ay nagmula sa maharlika sa Senegal. Ang paunang wika ni Khathie ay Pranses. Nag-unibersidad siya sa Senegal. Sa pizzeria, may malaking Oryental namang lalaking may bigoteng may anak na kalahating itim mula sa Kanlurang Aprika.

Kometo II

Sa tanghalian sa bahay nitong ika-27 ng Nobyembre ng 2023, kumain ako ng lasanyang may kasamang tinapay. May baso ng mainit na chai ako. Tapos, kumain ako ng kending Mehikanong malambot na puting may lasang guyabano. Tinikman ko pa ang Alfajor de Coco galing sa Mehiko. Mamaya pa, paikot-ikot akong lakad sa kapitbahayang cul-de-sac na may kastilyo para meditasyon at ehersisyo.

Kometo I

Nitong ika-27 ng Nobyembre ng 2023, nasa Istarbak ako sa umaga at nasa pizzeria sa huli nang umaga. Siyempreng lakad ako. May tsaang itim na mayelo ako, at may sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog ako. Binabasa ko ang baong libro sa Esperanto kong Kometo en Muminvalo ni Tove Jansson. Dumalaw si Greg, at binili niya ako ng mga tsip na mansanas. Siya naman ay may kape at tinapay, croissant yata o sanwits na Gouda, beykon, at itlog, o parang ganoon. May dala siyang mga diyaryo at magasin. Marami kaming pinag-usapan. Sa Espanya, sabi kong marami nang taong Taga-Amerikang Latino, kaya sanay doon sa taong may kulay. Sa Portugal, sa Lisbon, maraming mga itim galing sa mga kolonya ng Aprika at sa Brasil, at saka mga Tsinong galing sa Macau. Sabi kong maganda sa Macau. Ang mga senyas ay sa Tsino at sa Portuges. May mga kasino. Sa Brasil din ay nagpuntahan ang mga Taga-Macau. Binabasa ni Greg sa tahanan niya ang Koran na ibinigay ko sa kanya. Sabi kong kung interesado siya sa bagay na di-Abrahamiko, maganda rin ang Dàodéjīng, ang Eskritura sa Taoismo o Daoismo. Baptistang Protestante kasi si Greg. Sa Istarbak, may dalawang guwapong Hispaniko sa isang mesang nagkakastila. Pag-uwi ko, sa daan, nakita ko si Michael na Danes-Pranses, at pinag-usapan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanyang isip ay ebidensiya ng ekstraterestre. May mga bagong litrato siya sa ismartpon niya.

20231128 Alfajor, Dulce de Coco, Dolĉa Kokosaĵo