Sa maaraw pero maulap na hapon, naroon ako sa kapihan para itim na kapeng may yelo. Binigyan ako ni Hans na Olandes na nasa silyang de-gulong ng isang pulang sako ng mga tsip na Doritos. Sa isang mesa ay si Barb at si Ken, yaong nakatangke nang oksiheno; sila'y mga kapitbahay ko sa malapit na cul-de-sac. Tuloy ang lakad ko papuntang tindahan. Bumili ako ng bote ng markang TepTip na pulang inuming granadang may mga buto ng basil. Tuloy naman ako sa tindahan ng halal na karne at barbikyu. Bagong bukas. Bumili ako ng puting yogurt na sodang markang Abali. Ang tindera ay isang Tsinang Muslim na may tela sa ulo. Yaong ibang tao roon ay mga Muslim din, pero hindi mukhang Tsino o Tsina. May mga logograma sa harap ng tindahan. Aywan ko ba, pero baka Taga-Xīnjiāng sila. Ngayon ay ika-17 ng Mayo ng 2024.
No comments:
Post a Comment