Wednesday, May 29, 2024

Sirup na Istroberi

Umaraw ngayon. Sa umaga at hapon, naroon ako sa kapihang Istarbak. Yaong malaking Tsinong Taga-Hunang si Leou sa umaga at yaong mestisang Haponesa at Gitnang Silangang si Maya sa hapon ang mga barista ko. Itim na kapeng may yelo ako sa umaga, at itim na kapeng may yelong may sirup na istroberi ako sa hapon. May mga Pilipinong barista roon: si Ross, si Jam, si Denise, at si Maria. Ika-29 ng Mayo ng 2024 ngayon. Maraming aburidong babae: Sabi nga ni Peter noong isang umaga, "Ayaw nilang pag-usapan ang kalawakan." Hindi mga lalaki, kasi. Nawala na si Jason, yaong panatiko ng siyensiyang piksiyon, katulad ko. Marami namang relihiyosa roon.

No comments:

Post a Comment