Wednesday, May 22, 2024

Atay at Rinyon

Sa kapihan, binabasa ko ang libro sa Esperanto: Kometo en Muminvalo, ni Tove Jansson. Mamaya pa, bumalik ako sa kapihan para isang tsokolateng croissant. Tuloy ako sa pizzeria para kolang pangdiyeta. Binati ako sa labas ni Simon na tagaluto sa Byetnamitang restawrang Pho Khang ni Layla. Kanina, sabi ko kay Greg na Baptistang Pilipino'y noong bata pa ako sa Pilipinas ay natutuwa na ako sa mga poon ng Buda, at alam ko noon pang hindi ako talagang Katoliko. Noong bata raw si Greg ay Katolikong "altar boy" siya sa Nueva Ecija. Mula sa pizzeria, tuloy ako sa tindahan ng mga halal na karne at barbikyu. May nagtanong na mag-asawang Ruso kung may atay doon. Sabi ng tinderong wala raw, pero may rinyon daw sila. Pag-uwi ko, daan ako sa larang sa maaraw. Ika-22 ng Mayo ng 2024 ngayon.

No comments:

Post a Comment