Maulap na kaunting maaraw sa umaga. Lakad ako hanggang kapihang Istarbak. May anim na bisiklista roong nagkakape. Naroon si Mike na pandak na Turkong matagal ko nang di nakikita. Iniinom ko ang isang tasa ng Americano, yaong walang gatas na may yelo naman. Sa Kastila, ang "americano" ay tao sa Hilagang Amerika o Timog Amerika. Sa Kastila, ang Mehikano ay "americano," ang Boliviano ay "americano," at ang Chileño ay "americano" rin. Ika-19 ng Mayo ng 2024 ngayong Linggo sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment