Maganda sa Tatooine; dalawa ang araw sa langit. Dito namang Biyernes sa Isla Lulu'y umaambon. Sa kapihang Istarbak, may kapeng itim na may yelo ako, at may sanwits na salsitsas, tsedar, at itlog. May mga malalaking lalaki roon: May nakaahit ang ulo, may ponytail, o may mga tato. Naroon sa ibang mesa si Don, yaong nakaahit ang ulong puti. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan si Gay-Marie, yaong puting kapitbahay. Ika-24 ng Mayo ng 2024 ngayon.
No comments:
Post a Comment