Thursday, August 31, 2023
Paradoha
Dalawang beses ako pumuntang pizzeria rito sa Isla Lulu ngayong maulap na ika-31 ng Agosto ng 2023, sa umaga at sa hapon. May mga magagandang lalaki at babaeng makisig ngayon. Sa hapon, nakita ko sa daan si Michael na Danes-Pranses. May nakita siyang mga bagong mahiwagang ilaw-ilaw sa likod ng gusali ng gasolinahan. Iniisip niyang ekstraterestre ang dahilan. Biro kong baka sinusundan na siya. Si multibilyonaryong Elon Musk naman ay talagang nagdududa sa mga ekstraterestre. Nasaan daw sila? Alam na may matematikong probabilidad daw na dapat may mga intelihenteng ekstraterestre. Ganoon ang Paradoha ni Fermi. Talagang naniniwala si Elon Musk sa humanidad, kung ano ay dapat iprotekta. Importante kay Elon Musk na maging kolonya ng sangkatauhan ang planetang Marte. Kung matamaan ang Tiyera ng asteroyd o kometa, baka ang kapalaran ng sangkatauhan ay maging katulad ng dinosawro.
Azteca
Mga 7:15 nang umaga nitong maulap na ika-31 ng Agosto ng 2023, nasa Istarbak akong kumakain ng sanwits na terki, kesong cheddar, at puti ng itlog habang may tsaang itim na mayelo ako. Dumating si Greg nang mga 8:00 nitong umaga. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip. Nagkakape siyang may kasamang sanwits na Gouda. Sa ibang mesa, nagbabasa yaong Pilipinang si Marlin. Pinag-usapan namin ni Greg na may lahing puti ang maraming Tsino mula sa mga taong Turkic o mula sa mga marinero katulad ng mga Portuges. Noong antigong panahon sa Tsina, ang isang obhetibo ng mga Taoista ay imortalidad dito sa pisikal na Tiyera. Malamang na masarap ang buhay ng mga piling tao noong antigong panahon. Nagkaimpeksiyon daw sa tiyan si Greg. Kinukuwento ko kay Greg na noong bata ako sa Pilipinas, may pigsa ako sa likod ng isang tuhod, pero pumunta at nagbakasyon ang pamilya ko sa isang bahay na kawayan sa gitna ng isang lawa. Sinusuporta ng mga poste sa tubig. Nagbangka pa kami. May mga liryo sa lawa. Sa ibang tema, gusto namin ng kuya kong mag-aral at pabutihin ang pagsasalita namin ng Kastila. Ang binabasa ko sa bahay ngayon ay ang Kastilang nobelang Azteca ni Gary Jennings.
Wednesday, August 30, 2023
Mais at Kalabasa
Nang mamayang hapon nang ika-30 ng Agosto ng 2023, balak kong pumuntang pizzeria rito sa Isla Lulu nang ikalawang beses. Sa bahay, may mga bisita ang nanay kong si Perla at ang anak niyang si Perlita, mga Pilipina. Nagkakape at naghuhuntahan sila. Sa labas ng bahay, nakita ko ang Tsipreng Griyegang kapitbahay kong si Nikki sa balkonahe niya, ang paborito niyang lugar. Nagtanong ako kung naroon pa si Bobby, yaong anak niyang nagbabakasyon mula sa Inglaterang tahanan niya. Nasa loob ng bahay daw. Sa eskinita, nakita ko si Kiara, yaong magandang mulatang dalagang may-ari ng mahal na pusang mukhang leopardo. Mamaya, nasa mesa ako sa harapan ng bintana sa labas ng pizzeriang nagkokola. May dumaang binatang itim ang buhok na kamukha ni Rex na pinsan ng pinsan ko. Sa kabila ng kalye ay dalawang Tsinong trabahador sa Asyanong panaderiya. Ang isa sa kanila ay malimit manigarilyo sa labas. Nakita ko si Tanya, yaong kayumangging buhok na barista ng Istarbak, na namimili ng mais sa tabing pruteriya. Kasama niya ang anak niyang si Nigel. Tinanong ko kay Tanya ang pagluluto niya ng mais. Sabi raw niyang nilalaga niya, o binabarbikyu, ang mas gusto niya. Nakita ko rin sa kalye ang isang lalaking pula ang buhok. Naglalakwatsa siya sa tabi ng serbeseriya. Pagbalik ko sa bahay, may handang mga chile relleno at binarbikyung kalabasa ang bunsong kapatid ko.
Kaarawan
Kaarawan ngayon ng tatay kong si Frank M. nitong ika-30 ng Agosto ng 2023. Namatay siya noon pang ika-28 ng Nobyembre ng 2013. Pinanganak siya noong 1937. Ilang buwan pa bago namatay ang tatay ko, sabi niya'y sa kamatayan niya'y lilipat ang "isip" niya sa isang bagong pinanganak sa malayong "planeta" raw, at doon siya lalaki at mamumuhay. Noong dekadang 1970, nagbabasa ang tatay ko ng mga paranormal na libro ni Erich von Däniken at ni Lobsang Rampa. Sa umaga nitong araw, nasa Istarbak ako. Kumakain ako roon ng croissant na sanwits na may hamon at itlog. May tsaang itim na mayelo ako. Nakita ko muli ang muskuladong lalaking mukhang militar na nakakulay-abo sa tabi ng puting kamyon niya. "Ekselente" ang bulong ko sa sarili ko. Talagang may taong nagiging eskultura ang katawan. Pumuntang lakad ako nang hapon sa pizzeria rito sa Isla Lulu para maglakwatsa at magkola sa mesa sa harapan ng bintana sa labas. May nakita akong malaking binatang nakakulay-abong nakaiskeytbord. Sa daan, nakita ko ang isang mesomorpikong binata ring mukhang Hudyong kulay kayumanggi ang buhok at mabalahibo ang binti. Malaki at kulot ang buhok niya. Nagpapaalala siya sa akin ng Hudyong kaibigan kong si Gary K. sa hayskul. Sa labas, naaamoy ko ang mga pagkain mula sa prituhan ng manok at mula sa Byetnames na restawran.
Tuesday, August 29, 2023
Kulay-abo at Narangha
Sa tanghalian, nasa pizzeria sa Isla Lulu ako nang ika-29 ng Agosto ng 2023. Kidlat at kulog nang kaunting ulan sa labas, pero naglakad pa akong nakapayong na itim. Sa pizzeria, naroon ang mga Taga-Indiyang tinderong si Bal, si Sachet, at si Jitender. Sikh si Bal at si Jitender, pero Hindu naman si Sachet. Ako naman ay Singkretista, yaong mas parang Animista-Budista. Sa akin, kulay-abo ang Animismo, habang narangha naman ang Budismo. Sa ibang tao, iba ang mga kulay yata. Sa pizzeria, kumakain ako ng inihurnong patatas at nagkokola.
Ang Talong at Espinaka
Malamang na patapos na ang tag-init dahil umuulan na nitong umaga nang ika-29 ng Agosto ng 2023. Lakad ako papuntang Istarbak para magtsaang itim na mayelo. Naroon sa isang mesa si Marlin na Pilipinang nagbabasa ng libro. May mga Hispaniko sa ibang mesa. Isa sa kanila ay nakatisyort na Superman. Nagkakastila sila. Sa tema ng araw, ngayon ay isang araw ng Lojban dahil ang numerong 9 at kulay-lila o morado ay mga simbolo ng Lojban. Malamang na ang mga paborito kong lengguwahe ay ang Lojban at Esperanto nga, ang talong at espinaka. Sa akin, ang Lojban ko ay parang yaong matematikong larong Sudoku ni Dennis na Tsino-Alemang mestiso o yaong krosword pasel ni Michael na Danes-Pranses. Sa platapormang X, kinakausap ko ang mga Hapones. Marami silang masasabi. Dumalaw sa Istarbak yaong lalaking muskuladong mukhang militar na nakasuot nang kulay-abo. Nakaputing kamyon siya sa labas.
Monday, August 28, 2023
Kesong Feta II
Sa umaga nang ika-28 ng Agosto ng 2023, nasa Istarbak kami ni Greg na Pilipinong naghuhuntahan. May mocha at croissant si Greg. Ako naman ay kumain na ng binalot na kesong feta, espinaka, at itlog. Binili ni Greg ako ng mga mansanas na tsip. May mayelong itim na tsaa ako. Naroon sa ibang mesa si Marlin, yaong Pilipina. Sa bar, may tatlong Pilipinang trabahadora sa ospital nang nakaasul ang uniporme. Ang musika sa likuran ay mga kantang Amerikang Latino. Pinakita ko kay Greg ang libro kong dalang nasa ibabaw ng berdeng kambas na sakong maliit: "Ito ang binabasa ko, Tra lando de Indianoj." "Ano iyan? Kastila?" "Hindi, Esperanto..." "Saan iyon?" "Inimbento sa Polonya ng isang Hudyo noong 1887." "Marami ngang Hudyo sa Polonya." "Tungkol sa mga Amerindiyo sa gubat ng Brasil ang libro."
Sunday, August 27, 2023
Aking VXW
Dalawang beses ako pumunta sa pizzeria rito sa Isla Lulu nitong ika-27 ng Agosto ng 2023, sa umaga at sa hapon. Nang punta ko sa hapon, nakita ko sa daan ang mga kapitbahay kong si Derek na Pilipino at si George na Tsipreng Griyego. Nakabalik na raw ang Haponesang asawa ni George na si Chika at ang bunso nilang si Anna nang bakasyon sa Tokyo. Sabi ko kina George at Derek na "malaking makulay-kulay na siyudad" ang Tokyo, kung saan ay nanirahan ko na nang ilang taong nakalipas. Nabisita na ni George din nang mga dalawang dekada ang nakalipas na. Yaong panganay nilang si Chloe ay nagtratrabaho nitong taon kaya hindi nakapunta. Sabi ko kina Derek at George na "Taylandes at Hapones na pagkain" ang sa mga "paborito" ko. Sa daang lakad ko palapit na sa pizzeria, may Pilipinong hubad at nakakortong itim na nagdya-jogging. Muskulado siya. Sa ibang tema, ang grupong VXW ay ang mga hepeng wikang guni-guni ko, mga prototipong ang Vling, Xoqolat, at Weena. Ang Vling, yaong Narangha, ay may katangian nang Oryental na may tono. Ang Xoqolat, yaong Tsokolate, ay may katangian nang Greko-Latino. Ang Weena, yaong Mapulang Bonsai, ay ang nagprepreserba ng mana ng Oryental na kaligrapiyang may reduksiyon ng mga sinograma.
Gouda III
Saturday, August 26, 2023
Thursday, August 24, 2023
Bob II
Sa maulap na umaga nang ika-24 ng Agosto ng 2023, naghuhuntahan kami ni Greg na Pilipino sa Istarbak. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip habang nagtsatsaang itim na mayelo ako. Nagkakape si Greg na may kasamang sanwits na beykon, Gouda, at itlog, ang paborito niya roon. Sabi raw niyang kabibili niya ng luhong Ray-Ban na sunglasses nang mahigit na dalawang daang dolyar. Gawa raw sa Taylandiya. Sabi kong yaong magaling na kamera kong Nikon na DSLR ay gawa rin sa Taylandiya. Sabi ko kay Greg na parang Hapones ang Taylandes. Sa umaga, lakad ako hanggang pizzeria para magpizza at kola. Pagpunta ko sa pizzeria sa hapon naman, natagpo ko sa kalye si Bob na Tsipreng Griyegong kapatid ni George na kapitbahay ko. Nagbabakasyon siya rito sa Isla Lulu. Lumipat daw ang pamilya niya sa isang luhong antigong apartment sa Harrogate, isang bayang ispa, sa Inglatera. Pinakita niya ang mga litrato ng kanyang kapitbahayan sa kanyang ismartpon. May maraming magandang antigong gusali at arkitekturang may kasaysayan. Sabi ko kay Bob na "disoryentasyon" sa aking hindi ako nasa lumang bansa. May kaya si Bob dahil nasa IT siya. Nakakulay-rosas na kamisetang de-butones at khaking korto siya. (Kung ikuwekuwenta ang antigong indihenong kultura rito sa Hilagang Amerika, may kasaysayan, pero hindi sila masyadong bisible nga.) May mga Kurdong restawran daw sa Harrogate, imbis na mga Bumbay na restawrang popular sa karamihan ng Britanya.
Wednesday, August 23, 2023
Libanes-Pilipino II
Nagtagpo kami ni Joey B. sa harapang mesa sa tabi ng bintana sa labas ng pizzeria sa Isla Lulu nitong hapon nang ika-23 ng Agosto ng 2023. Mestisong Libanes-Pilipino siya. Kulay-abo ang suot niya. Ang asawa niyang Pilipina ay nasa tahanan nilang inaalagaan ang dalawa nilang anak na lalaki. Buntis ang asawa niya nang babae. Pinanganak at lumaki sa Dubai ang asawa niya, pero mananagalog siya. Si Joey ay lumaki nang ang mga magulang ay nag-uusapan sa Bikolano at Tagalog. Ang komersiyo ng mag-asawa ay pagtulong sa ibang magkomersiyo sa Web. Noong pasadong Marso, nagbakasyon ang pamilya niya sa ilang isla sa Pilipinas. Pinakita niya ang ilang litrato sa ismartpon niya. Mukhang "Byetnam" ang sabi ko. Sabi kong nagtagal ako sa Hapon. Nakakabukas ng isip ang naranasan ko. Marami akong biyahe noong mas bata ako ang sabi ko sa kanya: Nalibot ko na ang Tiyera. Halimbawa ko sa kanya ang Ehipto at Maruekos. Nagtren ang grupo mula sa Cairo patimog hanggang Aswan, yaong malapit sa Sudan. Isa pa, sabi kong masyadong sosyal ang tao sa Asyang parang "insekto" sila, pero rito ay puwedeng buhay ng "oso" ang tao.
Xoqolat Nga
Hanggang mga alas 8 nang umaga nang ika-23 ng Agosto ng 2023 ako sa Istarbak, pero hindi sumipot si Greg. Nalamig na sa umaga nitong mga araw. Ngayon ay maulap. Sa bahay, sa balkonahe, nagbabasa ako ng librong Chavacano Reader ng grupo ni Rommel M. Miravite. Sa balkonahe rin, kumain na ako ng isang rolyong tokwang may isda at isang lutong saba. Iniisip ko ngayon ang modelo ng super-duper na wikang guni-guning gusto ko. Ang prototipo kong Xoqolat ay ang nagpapakita ng paraan. Dapat, sa akin, na opsiyonal ang mga partikulo para sa TAME, sa Ingles, "tense, aspect, mood, evidential." Mas nagagandahan ngayon ako sa ideyang ang karamihan ng bokabularyo ay dapat Greko-Latino. (Sa tema ng araw, 23 anyos ako noong nagtapos ng unibersidad.)
Tuesday, August 22, 2023
Guru
Dumalaw sa Istarbak sa Isla Lulu nitong maaraw na umaga nang ika-22 ng Agosto yaong eks-baristang Mehikanang si Lizbeth. May mayelong tsaang itim ako. Nag-order siya ng kape sa kahera. Ang trabaho niya ay ang pagtuturo ng sayaw sa mga klase. Pero, bakasyon siya ngayon. Noong Hulyo, pumunta siya sa guru niyang si Sadhu sa Atlanta. Noong isang taon, nakapunta siya sa Tamil Nadu sa Indiyang palipad galing Sri Lanka. Hindi si Lizbeth hardkor na Hindu; nagugustuhan niya lamang pag-aralan ang yoga at meditasyon. Sabi ko sa kanyang noong naninirahan ako sa Bangkuber, pumupunta ako sa Taylandes na templo. Ang mga Budistang monghe roon ay nagbibigay-diing talagang importante sa lahat ang meditasyon. Isa pa, pinag-aralan ng klase ko ang resitasyon sa antigong lengguwaheng Pali. Ngayon, nakaitim na sweter na dyaket at kulay-rosas na tayts si Lizbeth. Sa harapang malapit sa bintana ay isang lalaking itim ang buhok at nakaasul na maong na pantalon. Naka-laptop siya sa mesa. (Sa tema ng araw, sa marami ngayon, ang numerong 22 ay simbolo ng Koreano.)




















































