Thursday, May 30, 2024

Conlanger

Hiwatig ng ibang ang optimal na kaibigan para sa akin ay isang interesadong mag-aral o gumawa ng mga wikang guni-guni. May nakilala akong lalaking ang mga magulang ay Taga-Polonya. Mahilig siya sa mga conlang katulad ng Esperanto, Interlingua, Ido, at iba pa. At conlanger din siyang gumagawa ng sarili niyang wika, katulad ko. Damien P. ang pangalan niya. Tinuruan niya ako nang kaunting Pranses nang gamit ang Web, bago pa siya lumipat parito sa Kanlurang Baybayin mula sa Silangan ng bansa. Nitong umaga, nasa kapihang Istarbak ako, at naisip ko siya. May itim na kapeng may yelo ako, at may sanwits na salsitsas, tsedar, at itlog ako. Naroon ang baristang Byetnamitang si Jessicang kinakausap ang Haponesang kostumer na si Les. Nanonood ako ng mga dilaw na puno sa labas ng bintana ng kapihan. Nakaupo sa labas yaong regular na Kolombiyano. Maaraw na medyo maulap. Ika-30 ng Mayo ng 2024 ngayon, sa Isla Lulu rito. Gusto ni Damien ang conlang kong Kwaadakw na tungkol sa mga Amerindiyo.

No comments:

Post a Comment