Pagdating ko sa kapihang Istarbak, naroon si Greg na nagbabasa sa bar, pero nagmamadali siya. Sa mesa ko, may itim na kapeng may yelo ako. Iniinom ko rin ang katas ng bayabas galing sa kulay-rosas na delatang bigay ng pinsan kong si Eva. Kinausap ko si Nelson M. na nagmilitar daw sa Pilipinas. Binigyan ko siya ng baon kong hopyang ube. Kinausap ko ang mga puting kapitbahay ko sa daan, si Rod at si Joanne. Magkakamping daw sila sa Lawang Rolley. Sabi kong sa IstritByu, binisita ko ang mga pinyahan sa timog ng Taiwan. Ngayon ay ika-14 ng Mayo ng 2024.
No comments:
Post a Comment