Thursday, May 30, 2024

Limonada at Tsokolate

Bago pa mag-alas-sais nang hapon, nasa kapihang Istarbak ako muli. Umiinom ako roon ng mayelong Limonadang Istroberi at Açaí. Tapos, iniinom ko ang mainit na Tsokolateng May Abenang Gatas. Kinausap ako ni Hans na Olandes at ni Peter na Ingles. Mga regular sila. Naroon ang mga baristang si Ross, yaong manedyer na Pilipino; si Francis, yaong mestisong Amerindiyong Cree at puti; at si Sohana, yaong Panjabi. May mga lalaking kostumer na may mga tato roon. Mukha silang sundalo. Maaraw sa labas. Ika-30 ng Mayo ng 2024 ngayon.

No comments:

Post a Comment