Friday, May 24, 2024

Sandali

"Pagbibigay ng pansin sa kasalukuyang sandali" ang isang motto ng Budismo. Sa umaga, pasado nang alas-sais, kaunting umaambon sa lakad na daang papuntang kapihang Istarbak. Kulay-abo ang langit. May itim na kapeng may yelo ako sa kapihan. Sa madalas kong mesa, naroon naman ang regular na Kolombiyanong nag-aayos ng mga papeles niya. Pag-uwi ko, dumaan ako sa may mga puno ng pino at magnolya. Sa bahay, ni-luk-ap ko ang mga salita sa Esperanto para sa "kabute." Ika-24 ng Mayo ng 2024 ngayon.

No comments:

Post a Comment