May bibilhin sana ako sa Intsik na tindahan ng gulay at prutas sa Isla Lulu nitong umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2022. Naubos na yata ang mais na pulang lila ang kulay. Sana'y lilitratuhin ko sa bahay para sa alaala ng lengguwaheng Lojban.
Thursday, September 29, 2022
Kamiseta
Nakita ko sa kalye sa paglalakad si Michael na Danes-Pranses nitong umaga nang ika-29 ng Setyembre ng 2022, nang papunta ako sa kapihan at pizzeria. Napuna ko ang kamisetang kulay-abo niyang may larawan ng Amerindiyo sa harapan. Sabi niyang kumupas na raw ang kulay. Sabi kong nag-order ako sa Sapot ng isang kamisetang kulay-dayap na may hepeng Amerindiyo sa harapan. "Neon!" ang sabi ni Michael.
Monday, September 26, 2022
Ang Pulang Planeta
Bago pa mag-alas otso nang umaga ng ika-26 ng Setyembre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, nagbabasa ako ng Portuges na siyensiyang piksiyong librong O Planeta Vermelho ni Robert Heinlein. Tinanong ako ng isang puting lalaking nag-ahit ng ulo at nakaasul na panglamig kung ano ang binabasa ko. Yaong libro nga ay Red Planet sa Ingles na binasa ko na noong bata pa ako, sabi ko sa kanya, at ngayon ay sa Portuges ko binabasa. Binabasa ko nang malakas sa punto kong Carioca, ang diyalekto ng Rio de Janeiro.
Friday, September 23, 2022
Mga Panahon
Sa pagbabasa ko ng mga libro, sa palagay ko, mas bagay sa tagsibol at tag-init ang Kastila, pero mas bagay sa taglagas at taglamig ang Pranses naman. Alam ko ang pareho.
Pranses Ala-suwerte
Nitong gabi nang ika-23 ng Setyembre ng 2022, pinagmulan kong basahin ang tatlong libro sa lengguwaheng Pranses: Terremer Intégrale ni Ursula K. Le Guin, Dracula ni Bram Stoker, at Le Petit Prince ni Antoine de Saint-Exupéry. Ala-suwerte o paliban-liban ang mga pangungusap kong binabasa.
Sunday, September 18, 2022
Kasi Halloween
Saturday, September 17, 2022
Blakberi
Wednesday, September 14, 2022
VIC-20
Nitong umaga nang ika-14 ng Setyembre ng 2022, nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa eskinita sa parke, at binati niya ako nang "VIC-20!" na pahiwatig sa mga pinakaunang kompyuter. Binati ko siyang biro naman nang "Miguel!" Sabi niyang namatay na raw si Mikhail Gorbachev, yaong Ruso. Alam kong parang iniisip niyang parang artipisyal ang buhay natin.
Tuesday, September 13, 2022
Ekstraterestre
Nitong umaga nang ika-13 ng Setyembre ng 2022, nakita ko sa daan nang lakad si Michael na Danes-Pranses. Pinag-usapan namin tungkol sa mga UFO. Sabi kong iisa lamang ang dahilang naiisip ko kung bakit magtatago ang mga ekstraterestre sa tao, at iyon ay dahil eksperimento tayo nila, at ayaw nilang istorbohin. Bukod doon, nagtanong ako kay Michael: Bakit ang mga ekstraterestre magiging responsable sa mga Terano, samantalang noong sinakop ng mga Taga-Europa ang lupa ng mga Indiyo, mapanira at mabisyo sila? Sa Star Trek, may kung tawagin ay Prima Directiva para bawal ang interperensiya sa mga mas mababang sibilisasyon. Baka nga, masyadong mataas na buhay ang mga ekstraterestre, at tayong Terano ay magmumukhang "slug" sa kanila. Sa daan nang lakad, nakita ko rin si Rod, at sabi niyang magkakamping daw sila sa Lawang Alice.
Anito
Sa umaga nang ika-13 ng Setyembre ng 2022, dumating sa pinto si Nida, si Myra, at si Mark, at sa mga plastik na bag, may mga pasalubong sila galing Pilipinas. Maraming pagkain, tulad ng ube. Binigay sa akin ni Myra, pinsan ko, ang apat na itim na maliliit na estatwang anitong maganda. Umalis na sila papuntang Interyor ng BC, ang lugar ng unibersidad ni Mark.
Hamon, Salmon, at Spanakopita
Dumating dito sa Isla Lulu ang pamilya ng pinsan kong si Myra galing Pilipinas nang hapon ng ika-12 ng Setyembre ng 2022, dahil mag-uunibersidad sa Interyor ng BC ang malaki niyang anak na si Mark. Marami kaming handa, tulad ng hamon, salmon, at spanakopita. May dala raw si Myra ng estatwang anito para sa akin. Pagkatapos ng kainan, kinausap ko sa sala si Dindo, ang kaibigan ng pamilya ko. Dalawa ang trabaho niya. Nagpapanatili siya ng bahay na malaki ng pamilyang mayamang Indonesyong Intsik sa Bangkuber. At tagapintura siya ng mga barko sa piyer sa Norteng Bangkuber. May altapresyon daw si Dindo. Pinag-usapan namin ang Ateismo, Budismo, at Singkretismo sa mga Intsik. Hinihintay ko pa ang estatwang anito kay Myra.
Saturday, September 10, 2022
Kain nang Kain
Sabi ko kay Greg nitong umaga nang ika-10 ng Setyembre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, komplikado sa akin ang pagluluto ng pagkaing Pilipino. Magastos na raw ang groseri ni Greg para sa kanyang pamilya. Sabi ko pang ang paborito kong pagkaing Pilipino ay ang laing at Bicol Express, pero gusto ko rin ang maanghang na kalderetang kambing. Pinag-usapan din namin ang pagkain sa Taylandiya at Tsina. Sabi nga niyang mamantika ang pagkaing Kantones, pero sabi kong sa norte ng Tsina, mas matabang ang luto at mayroon silang tinapay na parang siyopaw na walang laman. Sa pizzeria naman, kumain ako ng pizzang may oliba, at sabi ko sa tinderang si Rose na masarap sa kaldereta ang may oliba.
Transportasyon
Sabi ko kay Greg nitong umaga nang ika-10 ng Setyembre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, nasanay akong lakad nang lakad at tren nang tren sa Kalakhang Tokyo noong nanirahan ako roon. Kaya rito sa Metro Bangkuber, ginagaya ko ang buhay ko noon. Tungkol sa transportasyon, pinag-usapan ang mga raket at espasyong syatel. Sabi kong hindi imposible ang kinabukasang teleportasyon. Atras nang isang daang taon ay wala pa ang maykroweyb oben.
Ang Pamilya at ang Buwan
Nitong umaga nang ika-10 ng Setyembre ng 2022, nagkape si Greg, at nagtsaang itim na mayelo at nagtsips na mansanas ako, sa kapihan sa Isla Lulu. Pinag-usapan namin ang pamilya. May sariling pamilya si Greg. Sabi ko sa kanyang nasanay na akong magsariling parang monghe sa buhay. Sabi kong hindi ko gustong mag-ingles sa aking sariling pamilya kung magkaroon. Binanggit ko ang Esperanto, wikang inimbento ng isang Hudyo noong ika-19 na siglo. At ginagamit ngayon ito ng ilan para maghanap ng asawa nilang internasyonal. Sabi kong marunong ako ng Hapon, at nag-aral ako sa kursong gabi ng Mandarin at Kantones nang ilang linggo. Tapos, pinag-usapan namin ni Greg ang mataas na ambisyon ni multibilyonaryong Elon Musk para maging kolonya ang planetang Marte. Kami ni Greg ay sang-ayong ang priyoridad dapat ay maging kolonya ng tao ang Buwan muna dahil mas malapit talaga kaysa sa Marte. Alam ni Greg na hanga nga ako kay Elon Musk. Tapos, nag-pizza ako sa pizzeria. Malimit doon si Rose na tindera. Sa pauwi kong lakad, nakita ko si Michael na Danes-Pranses, at pinag-usapan namin ang kulay ng langit na sabi kong mas madilim na asul sa disyerto ng Ehiptong binisita ko.
Friday, September 9, 2022
Si Hans at ang Imigrasyón
Natagpo ko si Hans na Olandes sa kapihan sa Isla Lulu nitong tanghali nang ika-9 ng Setyembre ng 2022. Nagkakape siya at ako ay nagtsatsaang itim na mayelo. Imigrante siya dati mula sa Olanda nang matagal na. Sabi ko sa kanyang imigrante dati ang pamilya ko sa Canada galing Pilipinas mula noong 1976. Ang mga unang atraksiyong pinuntahan namin sa Bangkuber ay ang malaking Parke ni Stanley at ang Parke ni Reyna Isabel na may transparenteng simboryo ng mga tropikal na halaman. Marami nang mga imigrante sa BC mula sa Hong Kong ngayon. Sabi ko kay Hans na hindi sila sanay sa Kalikasan dahil nakaapartment sila sa Hong Kong nang ilang henerasyon. Sa Pilipinas, noong pinag-aaralan ng tatay ko ang impormasyon sa imigrasyon, kinuha ko sa kanya ang maliit na librong maputlang lilang may mapa ng Awstralya sa harapan. Napuna kong mukhang jelly bean ang korte ng bansang iyon ang sabi ko kay Hans.
Thursday, September 8, 2022
Frankenstein
Mula nang ika-7 ng Setyembre ng 2022, binabasa ko ang Kastilang bersiyon ng librong Frankenstein ni Mary Shelley at ang Esperantong librong Cent jaroj de soleco ni Gabriel García Márquez.
Monday, September 5, 2022
Si Greg at ang Hapones
Nitong umaga ng ika-5 ng Setyembre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, pinag-usapan namin ni Greg ang Taghapon sa Pilipinas. Sabi kong iba ang resepsiyon ng mga Hapones sa Pilipinas kaysa sa Taylandiya at Indonesia, mga bansang mas makahapon. Sabi kong Heneral ang lolo ko sa tatay noon. Sabi ng lola ko sa tatay, pinakain daw sila ng gumamela ng Hapones. Ang lolo ko sa nanay ay natatandaang tinuturo na ang hiragana at katakana sa sulat ng Hapon noong panahong iyon.
Greg and the Natives
Saturday, September 3, 2022
Si Greg at ang Singkretismo
Nitong umaga ng ika-3 ng Setyembre ng 2022, kinausap ko muli si Greg sa Isla Lulung kapihan. At doon siya nagkape at nagbagel na may keso, habang ako ay nagtsaang itim na malamig at nagpatatas na tsips. Sa umpisa, sinabi niyang ang kanyang mga "paboritong tao" ay ang mga Abrahamiko: Hudyo, Muslim, at Kristiyano. Sabi ko sa kanyang dapat ang ugali ng Kristiyano sa taong may ibang relihiyon ay ang pagmamahal, at hindi poot na naranasan ko sa iba sa kanila sa kalye. Sabi ni Greg, lumayo raw ako sa mga galit na nakikipagtalong taong ganoon. Tapos, pinag-usapan namin ang naranasan naming taong singkretistang Budista-Katoliko sa Binondo sa kanya at sa Cebu sa akin naman. Sabi kong sa Korea ay may mga singkretistang Protestante-Budista-Animista at iba-iba. Sa Asya, Amerikang Latino, at Aprika, malimit ang singkretismong Katoliko-Animista. Pinag-usapan namin ang mga templo sa Isla Lulu. Sabi ko kay Greg na malimit ako dati sa Internasyonal na Budistang Lipunan, at nagbabasa dati ako roon ng mga esoterikong libro sa aklatan nila. Tungkol sa dupleksong relihiyon sa Hapon, sabi ko nga ay ang Budismo ay may ugat sa Hinduismo, at ang Shinto ay may ugat naman sa mga Siberyano. Narinig ko ang boses ng isang Byetnamesang baristang si Jessica. Sabi niyang kung lilipat daw ako, hindi sa Canada muli, dahil mas gusto ko raw sa Taylandiya.
Thursday, September 1, 2022
Si Greg at ang mga Hudyo
Noong umaga nang ika-29 ng Agosto ng 2022 sa Isla Lulung kapihan, pinag-usapan namin ni Greg tungkol sa relihiyon. Interesado siya sa mga Hudyo. Sabi kong marami silang literatura, katulad ng Torah, Babilonyang Talmud, at Herusalem na Talmud. Ang Talmud ay sagradong komentarya. Sabi ko kay Greg na maraming Pilipino ay may lahing Hudyo dahil maraming Kastilang kolonista ay mga "converso" o kaya Kripto-Hudyo o mga anak o apo ng mga ito. Ang mga Kripto-Hudyo ay tinatago ang relihiyon nila, at Romano Katoliko sila sa labas. Sabi ni Greg na ang pinakaunang relihiyon ay Hudaismo, pero sabi ko naman ay Animismo iyon, ang ugat ng Hudaismong dumaan pa sa Henoteismo, yaong paniwalang may diyos na sarili ang tribu ng tao, pero may ibang diyos ang iba-ibang tribu. Sabi ni Greg na katulad sa Islam, ang Diyos sa Hudaismo ay hindi bumaba sa Lupa at naging tao. Iba ang Kristiyanismo.