Thursday, May 30, 2024

Espanya

Sa umaga sa kapihang Istarbak, kumakain ako ng hopyang ube, yaong markang Maynila's Choice. May binabasa akong libro sa Esperanto sa mesa ko. Mamaya pa, sa pagbalik ko, kumakain ako ng tsokolateng croissant doon. Sa pizzeria naman, kumakain ako ng pizzang pepperoni, at umiinom ako ng kolang pangdiyeta. Dumalaw ako sa halal na tindahan para isang bote ng Mint Ayran, yaong Turkong yogurt na mentang inumin. Yaong tindero ay kamukha ng Tito Bert ko, pero mas maputi siya. Doon pala, pipili ang tao ng karne at lulutuin o ibabarbikyu nila para sa kostumer. Ngayon ay ika-30 ng Mayo ng 2024, sa Isla Lulu rito. Pag-uwi ko, dumaan ako sa maaraw na larang. Nagkataong, nang pumunta ako sa Espanya nang ilang taon na ang nakalipas, may natagpo akong kapwa turistang Tsinay na si Lara. Maganda siya.

No comments:

Post a Comment