Papuntang pizzeria, binati ako ni Greg na Pilipino sa gasolinahan. Sa pizzeria, iniinom ko unti-unti ang nakareserbang bote ng kolang pangdiyetang dalawang litro. Pag-uwi ko, dumalaw ako sa bagong tindahan ng halal na karne at barbikyu. Parang minibakasyon ko. Sa itaas ng edipisyo, nakasulat na lila ang "Baka Kordero Kambing" na may mga Tsinong logograma sa ilalim ng mga salita. Sa loob, may mga sari-saring pagkaing Arabe, Sentral Asyano, Mehikano, at mga ganoon. May dumalaw na pamilyang nag-aarabe. Nagtanong ang nanay kung may preskong salsitsas daw doon. At sumagot ang mga guwapong lalaki sa Arabe. "Dalawang oras" daw ang paggawa. Pero, may ibang salsitsas daw sila sa syelp. Pag-uwi ko, binati ako ni Michael na Danes-Pranses na ufolohista at ni Nikki, yaong Griyegang Tsipriyotang kapitbahay ko. Ika-20 ng Mayo ng 2024, sa Isla Lulu rito.
No comments:
Post a Comment