Monday, October 31, 2022

Halloween ng 2022

Nitong hapon nang Halloween ng 2022, nasa pizzeria ako. Sa labas ng bintana'y may isang nakasuot nang parang kulay-tsokolateng leon at isang nakasuot nang talagang matabang mambubuno sa sumo. Sa loob ng pizzeria, nakita kong dumalaw si Nicole at ang kanyang "Heinz 57" na asawa. Sabi kong mukhang Pranses ang asawa niya. Maitim ang buhok at mataba. Bago pumunta ako sa pizzeria, nakita ko sa daan ng paglalakad ang mga kapitbahay kong si Al at si Rochelle na parehong nakaitim na boto, tulad ko. Pinag-usapan naming kaunti o halos wala nang mga bata'y sumisipot sa labas sa pook namin sa Isla Lulu. Sabi kong ang mga Tsino ay hindi masyado sa Halloween, pero sabi kong sa Hapon ay sikat ang "Harowin" nila. Sabi kong may Pasko rin sa Hapong parang Araw ng mga Puso. Ang mag-asawa o magboypren-gerlpren ay pumupunta sa mga espesyal na "Love Hotel." Sa dilim ng gabing Halloween, may naririnig naman akong mga paputok sa labas ng bintana ko sa kuwarto ko habang ginagamit ko ang tablet ko. Mga adolesente yata sila. Mga 9:33 nang gabi, may narinig akong dingdong sa pinto, pero hindi ako nagbukas ng pinto.

Elitisma Lingvo

En la komenco de la dudeka jarcento, la filipina elito komencis ŝanĝi de la hispana al la angla kiel la arkipelagan elitisman lingvon, precipe en skriba formo, kiel sekvon de la hispan-usona milito en 1898. Dume, indiĝenaj lingvoj daŭre estis la orela-buŝa ĉefapogilo, kie hispanaj pruntvortoj estas sufiĉe oftaj. En 1937, administracio elektis la tagalogan kiel bazon de la nacia lingvo. Dum tempo pasis, kodŝanĝo inter anglaj kaj indiĝenaj lingvoj iĝis pli ĝenerala. Kiel rezulto, Filipinoj estas lingva miksaĵo. La angla estas kiel eferveska rozkolora trinkaĵo, kaj la tagaloga estas griza ŝarko en la maroj. La hispana ankoraŭ sonas nostalgie de pasintaj majestaj bonaj tempoj por multaj filipinanoj. La tagaloga ankoraŭ ne estas tiel plene "intelektigita" kiel sia kuzo indonezia, kiun indonezianoj uzas en universitatnivela edukado kaj kiu havas ampleksan literaturon.

In the beginning of the twentieth century, the Philippine elite started switching from Spanish to English as the archipelagic elitist language, especially in written form, as a consequence of the Spanish-American War in 1898. Meanwhile, indigenous languages have continued to be the aural-oral mainstay, with Spanish loanwords being quite common. In 1937, administration chose Tagalog as the basis of the national language. As time passed, code-switching between English and indigenous languages became more prevalent. As a result, the Philippines is a linguistic hodgepodge. English is like an effervescent pink drink, and Tagalog is a grey shark in the seas. Spanish still rings nostalgically of bygone majestic good ol' days for many Filipinos. Tagalog is still not as fully "intellectualized" as its cousin Indonesian, which Indonesians use in university-level education and has extensive literature.

Sunday, October 30, 2022

Sampu

Binibigyang diin sa buhay ko ngayon ang mga lengguwaheng Ingles, Tagalog, Kastila, Esperanto, Portuges, Tsino, Hapon, Interlingua, Lojban, at Pranses. Bukod dito, may mga ideya-ideya ako sa maraming iba-iba pang wika.

Magbasa

Pasado nang hatinggabi nitong ika-30 ng Oktubre ng 2022, sinimulan ko muling magbasa ng tatlong libro, isang Esperantong Memoraĵoj de kampara knabo ni Xosé Neira Vilas, isang Kastilang Drácula ni Bram Stoker, at isang Pranses na Terremer Intégrale ni Ursula K. Le Guin. Hinihintay ko ang Halloween.

Saturday, October 29, 2022

Kana Da

Noong nasa Hapon ako, sabi ng manedyer na Hapones doon sa ibang Hapones na "Taga-Kanada" raw ako. Ang "Kana da" ay may ibig sabihing ang indihenong ponogramang sulat ng Hapones, bukod sa "Kanji," yaong talagang Tsinong logogramang sulat na ginagamit nilang kasabay nang Kana, yaong mga ponograma, ang unang sulat na pinag-aaralan ng mga batang Hapones.

Friday, October 28, 2022

Ang Bago

Nitong hapon nang ika-28 ng Oktubre ng 2022, nagwawalis si Simar na tindero ng pizza, at si Viktor ay nakaupong kakakain ng pizza at umiinom ng kanyang kola. Nagtanong si Simar. "Anong bago ba?" "Wala namang bago..." "Anong ginagawa mo ba?" "Nag-aaral ako ng iba-ibang lengguwahe." "Anong pinag-aaralan mo ngayon?" "Lojban..." "Ano iyon?" "Lojban. L-O-J-B-A-N. Artipisyal." "Para bang Perso?" "Hindi, inimbento, eksperimental." "Marunong ka ba ng Pranses?" "Oo, pinag-aralan namin sa eskuwela rito sa BC. Ikaw ba?" "Wala akong alam na salita." "Iniba na yata ang kurikulum dito, e."

Tuesday, October 25, 2022

Pagbati

Nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa bangketa sa Isla Lulu noong umaga nang ika-24 ng Oktubre ng 2022. Pinag-usapan namin ang mga pagbati sa iba-ibang kultura. Sabi niyang "Namaste" ang sa Indiya. Sabi ko namang sa Taylandiya'y "Sawatdee khrap" kung lalaki ang nagsasabi at "Sawatdee kha" kung babae naman.

Monday, October 24, 2022

Ekwasyon

Nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa Isla Lulung parke nitong umaga nang ika-24 ng Oktubre ng 2022. Pinag-usapan namin muna ang mga pangngalang may mga kasarian sa Pranses at sa Kastila, tulad ng "le table" sa Pranses na maskulino ang halimbawa ni Michael. Sabi kong sa Pranses ay "la planète"—pemenino—pero sa Kastila ay "el planeta"—maskulino. Tapos, nagdigresyon kami tungkol sa Ekwasyon ni Drake tungkol sa probabilidad ng mga intelihenteng buhay sa ating galaksiya. Sabi kong milagro na kung mahahanap ang parang bakterya o bayrus lamang sa labas ng Tiyera. Dagdag kong nawa'y malaman natin kung ang buhay sa kosmos ay karaniwan o hindi habang umiiral pa tayo. Maraming mga relihiyoso ay hindi naniniwalang may buhay sa labas ng Tiyera. Palagay kong sa Kanluran ay ganoon.

Haiku sa Tagalog V

sa balkonahe

may bangang baliktad pa

ulan nang ulan

Haiku sa Tagalog IV

mayroong mga

kabute sa damo na

puno ng pino

Sunday, October 23, 2022

Langit-Lupa II

Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang Daoismo sa Tsina.  Sabi kong sa relihiyong iyon, may kung tawagin ay Tiāndì o Langit-Lupa.  Sa Langit-Lupa, ang "mga sampung libong bagay" o lahat ng bagay ay pinababayaang parang mga pahang aso.  Animismo at panteismo rin ang Daoismo.

Haiku sa Tagalog III

ilaw sa araw
na takip pa ng ulap
isda sa lawa

Diwali

Mga araw ng Diwali ngayon, ang importanteng Pista ng mga Ilaw ng mga Hindu. Nitong umaga nang ika-23 ng Oktubre ng 2022, kinausap ko si Sachet na Hindung tindero sa pizzeria sa Isla Lulu. Sabi niyang may espesyal na mga pagkain at mga paputok.

Haiku sa Tagalog II

tigreng sorbetes
at tugi sa mangkok ko
gabi'y madilim

Saturday, October 22, 2022

Espasyo ni Hans

Nakita ko si Hans na Olandes nitong tanghali nang ika-22 ng Oktubre ng 2022, sa kapihan sa Isla Lulu. Lumapit siya nang nakaupuang de gulong mula sa lamesa ni Kveta, yaong Tseka, hanggang sa lamesa ko nang umiinom ako ng gatas ng abenang malamig. Madalas namin pag-usapan ang astronomiya. Ang mga bagong teleskopyo at sonda sa espasyo ay pinapaliwanag ang mga larawan ng mga obheto sa espasyo, tulad ng mga bituwin ng mga Pilar ng Kreasyon at ang planetang Jupiter na mukhang makulay-kulay na sopas ang mga ulap-ulap.

Haiku sa Tagalog

tingnan ang langit

na kulay-abo pa rin

uwak-uwak na

Isnak

Nakita ko si Derek sa isang koridor sa malaking tindahan sa Isla Lulu nitong umaga nang ika-21 ng Oktubre ng 2022. Kapitbahay ko siyang Pilipino. Namimili siya ng mga delatang gagawin niyang ensalada. May mga kiwi pa siya sa basket niya. Sabi kong naghahanap ako ng isnak. Tanong niyang ano raw ang madalas kong meryenda. Sabi kong tugi sa ayskrim ang masarap. Tapos ng diskusyon namin, pumunta ako sa Pilipinong seksiyon, at kumuha ako ng dalawang balutan ng ubeng hopya.

Wednesday, October 19, 2022

Mahamog na Umaga

Nitong mahamog na umaga nang ika-19 ng Oktubre ng 2022, naggagatas ng abenang malamig ako sa Isla Lulung kapihan, at binabasa ko ang mga bitbit kong libro, ang Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey at ang Esperantong Tra Lando de Indianoj ni Tibor Sekelj. Wala naman akong talagang kinausap. Tapos, nagsanwits na manok at nagkape ako sa malapit na tindahan.

Katangian ng Diyos

Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang ugat ng Budismo at Shinto ng Hapon. Sabi niyang ang Budismo at Shinto ay may ugat sa Hinduismo. Tama siya tungkol sa Budismo, pero sabi ko sa kanyang mas may probabilidad na ang Shinto ay may ugat sa mga tribu sa Siberya noong mas antigong panahon. Alam niyang may impluwensiya na ng Budismo ang Shinto sa Hapon, katulad ang Daoismo sa Tsina.

Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang katangian ng Diyos. Sabi ko, sa akin, kung may Diyos, hindi iyon parang taong may mga mababang emosyon ng mga parang mas mababang nilalang. Wala yaong emosyong nagseselos, nagagalit, at mga ganoon. Sa akin, ang Diyos ay parang espasyo, ilaw, hangin, at mga ganoon. Hindi parang tao ang binigyang diin ko. Hindi ko nabanggit kay Greg na baka parang may mga "nibel" ang mga "diyos"—kung iyon ang tamang terminolohiya. Baka nga may mga mas mataas na nilalang na parang "diyos" o hindi talaga "diyos."


Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang katangian ng Diyos. Ang "tunay" na Diyos daw sa kanya ay ang Abrahamikong Diyos. Sabi kong sa Budismo, walang Master na Diyos, at ang mga diyos ay kinakabilangan nang malawak na ekolohiyang kasama na ang mga hayop, halaman, demonyo, anito, tao, monstro, at iba pa. Sa Budismo, puwede ang taong ateista o teista dahil hindi talaga sentro ang Diyos sa relihiyong ito, hindi tulad sa ibang relihiyon. Iba ang kategorya ng mga "buddha" at mga "deva" o diyos, at iba ang terminolohiya. Sa mga Animismo, sabi ko, tulad ng Shinto ng Hapon at Daoismo ng Intsik, ang mga bagay sa Kalikasan ay may kaluluwa—ang mga hayop, halaman, bato, buwan, araw, ulap, hangin, pangalan, tunog, at iba pa. Sa Saksi ni Jehova, denominasyong Kristiyano, wala ang Trinidad, at si Hesus ay hindi raw diyos sa Lupa, pero naging diyos muli sa Langit. Sa Saksi ni Jehova, si Satanas ay diyos din. Parang may politeismo, pero hindi eksplisito. Nagugulat si Greg na Baptista, ibang denominasyong Kristiyano...

Sunday, October 16, 2022

Gansa

Nitong umaga nang ika-16 ng Oktubre ng 2022, sa Isla Lulung parke, papuntang pizzeria ako, nakita ko si Michael na Danes-Pranses na naninigarilyo. Bughaw ang langit. Maaraw. Nakita raw niya ang pinakaunang niyebeng gansa nitong panahon.

Langit-Lupa

Nitong umaga nang ika-16 ng Oktubre ng 2022, nagkakapeng mainit si Greg at ako naman ay naggagatas ng abenang malamig sa Isla Lulung kapihan nang naghihintay si Greg para pagsisimba. Si Greg ay Baptistang Protestanteng Kristiyano, at ako naman ay Animista-Budistang Singkretista. Binanggit ko sa kanya ang Tiāndì o Langit-Lupa ng Daoismo ng Intsik. Napuna ko ang tato sa likod ng leeg ng brunetang baristang si Sarah tungkol sa paghahalo ng Intsik at Kanluraning Zodiac.

Saturday, October 15, 2022

Patupat

Nitong tanghali nang ika-15 ng Oktubre ng 2022, nasa Isla Lulung pizzeria ako. Umupo si Rose na tindera sa breyk niya. Pagkatapos ko nang aking pizza, binigyan ako niya ng "patupat," parang sumang nakabalot sa berdeng dahon at mahabang piramide ang korte. May kaibigan daw siyang Taga-Ilocos na gumagawa ng patupat. Taga-Cagayan si Rose. Sa pizzeria, pumasok si Joey na Olandesa at nagbati, tapos nag-order ng pizza. Paglabas ko, may presentasyon ang tindahang Intsik ng guacamoleng iba-ibang klase at pinatikim ako nang may tortilyang tsip na kulay-lila.

Grand Canyon

Noong ika-14 ng Oktubre ng 2022, sabi ko kay Greg na nakatira ang pamilya ko dati sa pulang sabana sa Lungsod ng Quezon. Natatandaan kong kung magbagyong malakas ang ulan ay hinihiwa ang pulang lupang parang naging "Grand Canyon." Sabi ko pang sa planetang Marte ay may banging halos kasing laki ng kontinental na magkadikit na Estados Unidos sa Tiyera. Latin ang pangalan—Valles Marineris. Nagdigresyon kami tungkol sa lengguwaheng Latin. Sabi niyang maganda raw ang wika. Sabi kong mas parang banal, sagrado, ang tunog ng Latin kaysa sa Ingles. Bernakular na ang ginagamit ng Katoliko mula noong 1965.

Friday, October 14, 2022

Orihinal

Nitong umaga nang ika-14 ng Oktubre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, nagkapeng mainit si Greg at naggatas ng abenang malamig ako. Pinag-usapan namin ang relihiyon. Sabi ko sa kanyang sa Talmud ng Hudyo raw ay bumibisita ang Diyos sa labing-walong libong mundo bawat gabi. May mga parang ensiklopedya ang Hudyo, ang mga Talmud. Ang mga Muslim ay kailangang marunong ng Arabe para bumasa ng orihinal na Koran, at ang Hudyo ng Hebreo para sa Torah nila. Ang problema sa Kristiyano ay tatlo ang orihinal na wika, ang Hebreo, Aramaiko, at Griyego. May mga rima o tula at numerolohiyang nawawala sa pagsasalin sa ibang wika.

Saturday, October 8, 2022

Darius

Nitong hapon nang ika-8 ng Oktubre ng 2022, nakaupo ako sa balkonahe sa bahay sa Isla Lulu, at nakita ko si Darius na kapitbahay ko sa labas. Si Darius ng klang Wong ay may lahing Mongoloid, Caucasoid, Negroid, at Australoid, ang lahat ng mga apat na subespesye ng tao. Pinag-usapan namin ang bagong trabaho niya sa werhaws. Sabi niyang may kaunting tungkulin sa mga makina at hindi raw masyadong mahirap. Kinamusta naman niya ang buhay ko. At sabi kong naging adik ako sa mga imahen galing sa Sapot sa tablet ko. Sang-ayon kaming dalawang dapat may mga oras na iwasan muna ang Sapot sa araw, dahil gustong palakasin ang sariling imahinasyon o "mata ng isip." Tapos ng kumbersasyon, naglabasan ang mga kamag-anak ni Darius pakotseng parestawran.

Putik Pa

Nitong tanghali nang ika-8 ng Oktubre ng 2022, pabalik akong lakad galing sa Isla Lulung pizzeria, nakita ko si Rod. Pinag-usapan namin ang sabal sa tapat ng ilog dito sa Isla Lulu. Medyo protektado ang tao. Pero, alam naming atras nang mga isang siglo, puro putik pa ang ngayong Isla Lulu, at nagkakayak ang mga Amerindiyo sa tubig. Matrapik na rito, hindi tulad noong nasa elementarya pa akong ang mga daan ay kaunti pa lamang ang mga sasakyan.

Thursday, October 6, 2022

Banana Republic

Nakita ko si Rod sa lakad pabalik galing sa Isla Lulung pizzeria nitong umaga nang ika-6 ng Oktubre ng 2022. Nakakamiseta siyang kulay-abo. Magkakamping daw silang mag-asawa sa Squamish. Tinanong ko kung may mga bagong libangan siya sa kanyang retiro. Binebeybi lamang daw niya ang treyler nila. Nagpuputol ng mga halaman, tulad ng blakberi nila. May puno silang tsering hindi nakakain ang bunga, dahil ornamental lamang ang mga bulaklak. Lumakad pa akong pupuntang bahay, at nakita ko ang kapitbahay kong Kantones na si Shermang papasok sa trak niyang bitbit ang isang bag na kulay-abong "Banana Republic." Tinanong niya kung gaanong katagal ang paglalakad ko. Sabi kong mga 17 minuto sa isang daan.

Wednesday, October 5, 2022

Konehilyo

Nitong tanghali nang ika-5 ng Oktubre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, kinausap ko ang bago pa lamang na baristang Taga-Tsinang si Leou.  Hunan ang pinanggalingan niya.  Sabi kong wala pang kabayo sa mga Amerika noong antigong panahon, at dinala ng mga Taga-Europa sila.  May mga llama naman ang sabi ni Leou.  Nakasuot pa ang mga kongkistador ng metalikong armor.  Sang-ayon kaming dalawang ang teknolohiya ng mga Taga-Europa ay mas abansado kaysa sa mga Amerindiyo, kaya sinakop sila.  Binanggit ni Leou ang imunidad ng mga Eurasyano sa mga virus na nanggaling daw sa domestikadong hayop sa Eurasya.  Ayslado nang matagal ang mga Amerindiyo kasi ang dagdag ko.  Binanggit ko kay Leou ang "cuy" na kinakaing litson sa Timog Amerika—mga konehilyo, parang kunehong maikli ang taynga.

Saturday, October 1, 2022

Kalabasa

Nitong umaga nang papuntang lakad ako sa pizzeria nang unang araw ng Oktubre ng 2022, nakita ko si Michael na Danes-Pranses.  Pinakita ko muna ang kamiseta kong naranghang may larawan ng taong kartung apat ang mata.  Tapos, sabi niyang pumunta raw siya sa Bangkuber na Internasyonal na Pista ng Gitara, malapit daw sa Siyensiyang Mundo.  Sabi ko namang noong dati akong nagtratrabaho sa lugar doon, kumakain ako sa restawrang Bumbay na Nirvana ang tawag at sa mga ilang restawrang Kantones at ibang Intsik.  Tapos ng kumbersasyon ko kay Michael, kumain na ako sa pizzeria.  Tapos, bumili ako sa tindahan sa tabi ng maliit na naranghang kalabasa.

Tiyo

Ang etimolohiya ng Hawayanong "Pākē" at ng Tagalog na "Intsik" ay sa Tsinong "tiyo" sa iba-ibang topolekto. Ang ibig sabihin ng dalawang salita ay "Tsino."