Saturday, May 4, 2024

Makulimlim

Inuwi ko sa dalawang lakad galing sa kapihang Istarbak ang kapeng itim na may yelo at represyer na prutas ng dragon o pitahayang may limonada at espesya. Ininom ko sila sa bahay sa silid-kainan at sa balkonahe. Makulimlim pa sa hapong naglakad ako hanggang pizzeriang Yami. Uminom ako ng kolang pangdiyeta. Kumain ako ng isang piraso ng pizzang may karne at kabute. Naroon ang tinderang Indiyanang si Navjot at ang tinderang Pilipinang si Rose. Tuloy ako sa kapihang Istarbak para kumain ng isang croissant na tsokolate at isang kesong deynis. Ang tindera ay si Nabhing Indiyanang mukhang Latina. Nasa lupa ng kapitbahayan na ang karamihan ng mga petalo ng mga bulaklak ng mga sereso at magnolya. Ngayon ay ang ika-4 ng Mayo ng 2024.

No comments:

Post a Comment