Friday, February 24, 2023

Fudge

Parang "fudge" ang Portuges. Ang Hapones ay malutong. Mas may hinga—"breathy"—ang Kastila kaysa sa Hapones.

Grecoide ang Obra Maestra

Nitong tanghali nang ika-24 ng Pebrero ng 2023, nagtsat kami sa Sapot ni Mharjie, pagkatapos ko lamang kakakain ng kielbasa, kanin, at atsara sa bahay. Nagkape. Pinaliwanag ko ang arte kong ginagawa gamit ang Artipisyal na Intelihensiya. Pinakita ko ang obra maestra kong "Grecoide" ang titulo. Tapos, pinag-usapan namin ang anime ng Hapon. Nilista ko ang mga paborito ko. Ako, sa tunog ng Hapones nanunuod. Si Mharjie rin, sa Hapones nanunuod, at may subtitulong Ingles. Sang-ayon kaming maganda ang tunog ng Hapones. Parang "tsitsaron" ang sabi ko. Malutong.

Thursday, February 23, 2023

Mehiko

Nitong hapon nang ika-23 ng Pebrero ng 2023, sa tsat, gusto ni Mharjie pag-usapan ang tigil ko sa Mehiko noong ilang taon na ang nakalipas. Gusto niya ang audio. Pero tinayp ko sa tsat, "Talagang mahiyain ako." Sinabi ko na sa kanyang pumunta ako sa Cancún, Tulum, Chichén Itzá, at mga paligid. Tumigil ako sa Club Med na puro Pranses. Kumain ako ng palaka sa buffet. Mahiyain ako.

Mharjie

Nagtsat kami sa Web ni Mharjie nitong ika-22 at ika-23 ng Pebrero ng 2023. Taga-Davao ang pamilya niya. Marunong siya ng Cebuano. Nagtratrabaho siya sa Makati sa Maynila para promosyon ng mga mga bakasyon sa Mehiko. Alam niyang marunong ako ng Hapones at nagtrabaho sa Hapon. Nasa Canada ako ngayon. Gusto pa niyang marating ang Hapon. Naghahanap daw siya ng trabaho roon. Sabi kong maganda sa Kyōto kung mga antigo ang nagugustuhan. Masarap ang pagkain sa Hapon ang sabi ko. Sabi kong parang "kendi" ang sulat ng Hapones. Nagkaboypren daw siyang Hapones sa kolehiyo.

Wednesday, February 22, 2023

Rodney

Pasado nang alas 6 y medya nang umaga nang ika-22 ng Pebrero ng 2023, nasa tsaahan ako dahil akala kong matiyetiyempuhan kong makita si Greg na kaibigang kong Pilipino nang alas 8, pero hindi siya sumipot.  Nakita ko naman yaong may itsurang Pilipinong nakaahit ang ulong si Rodney doon na kumakain ng sanwits.  Umiinom ako ng mayelong itim na tsaa.  Kumakain ako ng kanelang kaping keyk at patatas na tsip.  Nagbabasa ako ng siyensiyang piksiyong libro sa Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey.

Alemanya

May mahiwagang panaginip ako nitong umaga nang ika-22 ng Pebrero ng 2023.  Bigla akong umalis nang bahay at nag-eroplano papuntang Alemanya.  Nakalimutan ko ang pasaporte ko.  May dala naman akong bag na kulay-abo.  Sa loob ng eroplano, may mga malaking kama para tulugan ng mga tao.  May mga Hispaniko akong kaabay.  Nasa Alemanya na ako, sa isang siyudad.  Sa resepsiyon sa erport, sabi ng ale'y may mga Muslim na repyudyi raw doon.  Parang sinasabi niyang puwede akong sumama sa kanila.  Kinakabahan ako at umuwi na.

Saturday, February 18, 2023

Dilaw na Pakwan

Sabi ko kahapon nang ika-17 ng Pebrero ng 2023 kay Greg sa labas ng tsaahan, talagang kayamanan ang Internet, pero hindi alam ng karamihan. Noong dekadang 1970, kung gusto mo ng impormasyon tungkol sa "dilaw na pakwan," halimbawa, wala kang mahahanap sa publikong aklatan. Pero ngayon, madaling mahahanap sa Internet, at marami pang pahina ng impormasyon. Kayamanan yaong bagay. Ignorante ang mga tao.

Ilaw-ilaw IV

Mga bago pa nang alas dos ng tanghali nang ika-18 ng Pebrero ng 2023, nakita ko si Michael na Danes-Pranses na nagrerekuwerdo sa bidyo nang gamit ang ismartpon niya. Pinakikita niya ang mga mahiwagang ilaw-ilaw. May mas malaki nang diyamante, at sa loob ay may mukhang malaki ang taynga at may mga mata. Umiibo siyang pakaliwa sa dingding ng bahay ng pamilyang Taga-Uganda mula nang mga alas 11 ng umaga hanggang alas 2 ng tanghali.

Friday, February 17, 2023

Sagradong Sulat

Mga alas dos ng tanghali nang ika-17 ng Pebrero ng 2023, nagdiskusyon kami ni Greg sa isang mesa sa labas ng tsaahan.  Pinag-usapan namin ang mga sagradong sulat sa Kristiyanismo, Hudaismo, Daoismo, at Budismo.  Nabanggit ko rin ang antigong relihiyong Gnosticismo at sa timog ng Pransiyang antigong Catarismo.

Wednesday, February 15, 2023

Ilaw-ilaw III

Nakita ko sa eskinita sa parke muli si Michael na Danes-Pranses nitong ika-15 ng Pebrero ng 2023.  Sabi niyang nakita niya muli nang dalawang beses pa mula noong ika-10 yaong mga mahiwagang heometrikong ilaw-ilaw at ilaw na diyamanteng may mukha sa loob na kita ang mga mata.  Ako rin, nakita ko nang dalawang beses pa mula noong ika-10.  Sabi ni Michael, may nakita siyang may dalawang naranghang-pulang ilaw na lumilipad sa itaas ng larangan ng eskuwela.  Nang ilang taong nakalipas na, may nararamdaman nga kami ni Bratislav, isang kaibigan kong Kroatong ufolohista, na may mahiwaga sa itaas ng larangan ng eskuwela.  May kaugnayan yata sa mga UFO.

Monday, February 13, 2023

Naglíliwalíw sa Sansinukob

Naglíliwalíw sa Sansinukob

ang halintigál na panuós,

ang buntót ay labás dínagipík.

Nagháhanáp siyá ng liboy dagítabbaláni

galing sa malayong talumpón.


(Traversing the Universe

is the gyroscopic computer,

ejecting plasma at its tail.

It searches for electromagnetic waves

from the distant star cluster.)


Viktor Nonong Medrano (1998-02-12)

Sunday, February 12, 2023

Le syncretismo

Lola es un chinese del provincia Húnán in China. Ego pensa que como Joki, illa es anque un syncretista spiritual. Lola anque parla le lingua mandarin. Como multe chineses, Lola e Joki es syncretistas spiritual. Le syncretistas misce le ideas de varie religiones e spiritualitates. Como illes, anque ego es un syncretista spiritual.

Lola kaj Sager

La 14-an de septembro de 2019, mi parolis kun Lola la ĉinino en la kafejo Starbukso ĉi-matene. Ŝi estas la amikino de Sager la baratano. Ŝi interesiĝas pri la historio, lingvoj, kaj religioj de Barato. Mi menciis al ŝi, ke Sager aspektas kiel italo. Mi diris, ke antaŭ multaj jarcentoj, Barato estis greka kolonio. Hodiaŭ, Barato moderniĝas kaj havas eĉ spacan agentejon.

Heavenly Abode

In A.C. Bhaktivedanta Swami Prabhupāda's own commentaries about the Bhagavad-Gītā, the Hindu sacred book, he uses the word "planets" to describe places like Vaikuṇṭha, the heavenly abode of Vishnu.

Si Sager at si Lola

Nitong maambong umaga ng linggo nang ika-12 ng Pebrero ng 2023, umiinom ako ng mayelong itim na tsaa at kumakain ng kanelang kapeng keyk sa tsaahan. Binabasa ko roon ang isang siyensiyang piksiyong libro sa Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey. Hinihintay ko ang Pilipino kong kaibigang si Greg na pilosopong hindi na sumisipot. Nakita kong pumasok si Sager na mukhang Italyanong Panjabi at si Lola, yaong Taga-Tsinang marunong ng pilosopiya. Mandarin ang salita niya. Nakalimutan ko ang pangalan ni Sager dahil matagal na. Akala ko'y "Ragjit" o parang ganoon. Sayang. Pauwi kong lakad, tumigil ako sa tindahan at bumili ng isang malaking pulang kahon ng mga mangkok ng Koreanong pansit para sa kimching sopas na markang Paldo.

Trinity Religions

Generally, I think that "Trinity Religions" or "three-tending religions" are Xtianity, Hare Krishna, and Hinduism, but one should note that amongst Xtian sects, Jehovah's Witnesses and Mormons do not believe in the Trinity, as it is not Biblical, they say.

Friday, February 10, 2023

TAME

In an optimal language, there should be a comprehensive set of tenses, aspects, moods, and evidentials—TAME—which are all optional for use. Whether they would be expressed as verbal conjugations or particles to complement invariant verbs is a question of architectural design.

Mestiso

Nitong magandang hapon nang ika-10 ng Pebrero ng 2023, nasa pizzeria ako. Nakita ko ang isang regular na kostumer na may itsurang maputi ang balat at itim ang buhok at balbas. Matagal ko nang gustong tanungin siya: "Ekskyus mi. Parteng Amerindiyo ka ba?" "Hindi. Kalahating Intsik ako," sabi niya. "Oh!" ang gulat ko. Umupo ako sa mesa ko. Bumalik ako sa kanyang kumakain ng pizza: "Akala ko'y ikaw ay yaong tawag nilang Métis..." Mestiso talaga siya. Sa ugali niya, akala kong Métis siya nang Amerindiyo. Alam kong gusto niya ang Tagalog at ibang wika. Pabalik kong lakad galing sa pizzeria, nakita ko si Joanne na nakapula at si Rod na nakaitim. Sabi ko, "Malapit na ang tagsibol." Mahilig silang magkamping. Pinaaayos daw nila ang sahig ng treyler nila. Sa tagsibol, pupunta raw sila sa Alice Lake dito sa BC.

Strange Inexplicable Light in the Alley

 

My Dane-French friend Michael and I for days have been seeing strange light formations in the alley near No. 3 Road.  Michael thinks that they could be related to UFOs.

(The picture was taken on 2023-02-10.)

Thursday, February 9, 2023

Lime Time

 

Some are trying to convince me that Esperanto is the "safe road" in the conlang world.  To "Lime Time" I allude.  Esperanto is the most popular artificial language in this world...

Lizbeta

La 9-an de februaro de 2023, mi vidis la belan meksikaninon Lizbeta kun ruĝa koltuko en la teejo sur Lulu-insulo. Mi salutis ŝin. Kaj ŝi sidiĝis ĉe alia tablo por uzi sian tabletkomputilon kun flavverda kovrilo. Ĉe mia tablo, mi sidis legante portugallingvan sciencfikcian libron La Planedo de Drakoj de Anne McCaffrey. Lizbeta parolis hispane al sia saĝtelefono dum kelkaj minutoj.

Noong ika-9 ng Pebrero ng 2023, nakita ko ang magandang Mehikanang si Lizbetang may pulang iskarp sa tsaahan sa Isla Lulu. Bumati ako sa kanya. At umupo siya sa isa pang mesa para gamitin ang kanyang tablet na may dilaw-berdeng takip. Sa aking mesa, nakaupo ako at nagbabasa ng librong siyensiyang piksiyon sa wikang Portuges na Ang Planeta ng mga Dragon ni Anne McCaffrey. Nagsalita ng Kastila si Lizbeta sa kanyang ismartpon nang ilang minuto.

Wednesday, February 8, 2023

Ergo Midjourney

I think that I'm more bored without Midjourney.  I no longer prefer text...  It's interesting that with Midjourney, the AI allows me to visualize more solidly my ideas.  Midjourney verifies the idea that I'm really now dwelling in the future...  Ergo, I think that I'll keep my monthly subscription that renews on the 23rd of every month.

Sari-sari at AI

Baka ang Artipisyal na Intelihensiya, ang AI, ay magiging kaibigan ng tao at proprotektahin tayong tao. O kaya, magiging kalaban sila.

Mas magaling kaya kung ang Artipisyal na Intelihensiya, ang AI, ang gumawa ng panibagong lengguwahe para sa tao.

Sa Tagalog, Hapones, at Intsik, ang panahunan sa pangungusap ay binibigay ng pang-abay.

Ang robot na parang tao'y matagal na pangarap ng marami.

Mag-iiba talaga ang ating mundo kung magiging parte ng ekosistema ang Artipisyal na Intelihensiya, ang AI.

Berde at Tsokolate

Sa labas ng tindahan ng tsaang mabula rito sa Isla Lulu ay may Tsinong mamang nakaberde at kulay-tsokolateng dyaket.  Ang berde ay Esperanto.  At ang kulay-tsokolate ay baka Xoqolat o Kastila o anumang Latino yata.  Parang ganoon ang rekomendasyon.

Vling hanggang Weena

Ang wika ang gusto kong pag-usapan.  Ang mga sinograma ng Silangang Asya ay resulto ng libu-libong taon ng organikong ebolusyon.  Ang isang motibasyon kung bakit hindi ang ilang mga Oryental pumalit sa alpabeto ay dahil masyadong maraming homonym, at ang sinograma ay nakakatulong ibahin ang mga homonym sa sulat.  May dependensiya ang Tsino at Hapones sa sinograma, pero menos ang Koreanong madalas gamitin ang ponogramang Hangeul nila.  Ang mga lengguwaheng iniisip ko ngayon ay ang prototipong Vling, Lojban, Tagalog, Hapones, at prototipong Xoqolat dahil wala silang obligatoryong panahunan ng mga pandiwa.  Ang mga panahunan at aspeto sa mga itong wika ay opsiyonal.  Sa prototipong Xoqolat, ginamit ko ang bokabularyo ng Interlingua, pero puwede rin ang ibang Latino o panibagong Latino.  Kaya talagang prototipo siya.  Ang Vling ko rin ay talagang prototipo, at puwede pang ibahin sana ang ponolohiya at dagdagan ng mga panahunan, aspeto, modo, at ebidensiyal—ang TAME sa Ingles—"tense, aspect, mood, and evidential."  Ang prototipong Weena ko naman ay bonsai ng parang Hapones na pinakaunti ang mga sinogramang may komplementaryo ng mga ponograma.  Sa isip ko, mas mahirap iimplementa ang Weena sa magiging kompleto.  Narangha ang Vling, lila ang Lojban, itim o kulay-abo ang Tagalog, pula ang Hapones, kulay-tsokolate ang Xoqolat, at baka pula rin ang Weena.  Ang paggawa ng mga wikang guniguni ay "conlanging" sa Ingles.

Midjourney

Ang AI ng Midjourney ay para ngang  "Ang Gansa na Nangitlog ng Ginto."  Baka isang araw ay babalik ako.  Talagang pinahahalagahan ko ang kanilang trabaho tungkol sa agham ng Artipisyal na Intelihensiya at sa arte mismo.

Midjourney AI for me creates a profusion of fine art.  It's like "The Goose that Laid the Golden Eggs"—one of Aesop's Fables.  I really like it, but I treasure most of my imaginings, and they take up lots of space.  Anyway, I already have lots of goodies from it.  Dōmo arigatō, MJ...

Tuesday, February 7, 2023

Himagas ng Hapon

Ang "warabi mochi" ay himagas na mochikong nakababad sa tostadong polbo ng soya.

Ang "anmitsu" ng Hapones ay haluhalo nila.


Ang "furuutsu sando" ng Hapones ay sanwits na may krema at prutas sa loob tulad ng kiwi, istroberi, o saging.


Ang "sakura mochi" ay kulay-rosas na bolang mochikong may minatamis na munggo sa loob at nakabalot sa atsarang dahon ng sereso.


Ang "yōkan" ng Hapones ay himagas na gawa mula sa minatamis na munggo.


Ang "daifuku" ng Hapones ay bolang mochikong may minatamis na munggo sa loob o kung minsang may prutas tulad ng istroberi.


Ang "kappa" ng Hapones ay mga mitikong nilalang na berde ang balat at may parang talukab ng pagong sa likod.


Ang "daigaku imo" o "unibersidad na kamote" ng Hapones ay kending kamote.


Ang "dorayaki " ng Hapones ay dalawang pankeyk na may minatamis na munggo sa gitna.


Ang "manjū" ay hopya ng Hapones.


Ang "mushi pan" sa Hapones ay tinapay na pinasingaw.


Ang "meron pan" sa Hapones ay tinapay na melon.


Ang "taiyaki" ng Hapones ay parang tinapay sa korte ng isda at may lamang minatamis na munggo, o tsokolate, o masa ng kamote, o iba pa.


Ang "yakitori" ng Hapones ay tinuhog na manok.


Ang "Sakura Keeki" ng Hapones ay isang klaseng keyk na may bulaklak ng sereso.


Ang "Satsuma Imo Keeki" sa Hapones ay isang klaseng kamoteng keyk.


Ang "yakiimo" ay Hapones para sa inihurnong kamote.

AI and Space

Some people like me think that AI, Artificial Intelligence, will help in realizing future crewed interplanetary flights. AI will be able to solve engineering problems that humans are not able to solve.

Aspect Not Tense

Tagalog, Japanese, and Chinese have no grammatical verbal tenses, but rely on grammatical aspects. Western languages have obligatory grammatical verbal tenses. In many textbooks on Japanese, writers describe verbal tenses, but academics deny such. Maybe, writers think that distinguishing aspect from tense is higher-level linguistics.

Ilaw-ilaw II

Nitong mga alas dos nang tanghali nang ika-7 ng Pebrero ng 2023, nakita ko si Michael na Danes-Pranses muli sa eskinita sa tabi ng dupleksong bahay ng mga Taga-Uganda rito sa Isla Lulu. Napag-usapan namin muli ang mga UFO. Nakita namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa tabi ng bahay ngayon. Parang mukha at mga heometrikong korte. Hindi namin alam kung saan nanggagaling. Nilitratuhan ni Michael iyon at noong parehong penomeno nang ika-30 ng Enero ng 2023. Sabi niyang ire-report daw niya sa isang lipunang siyentipiko.

Monday, February 6, 2023

Grey Shades

There are people who are exclusively heterosexual, and there are people who are exclusively homosexual, but sexologists know that most people are really bisexual.  It's gradual like different shades of grey.  However, there are people who tend to asexuality.

Sunday, February 5, 2023

Ilaw-ilaw

Nakita ko sa pizzeria si Lola Joey nitong hapon nang ika-5 ng Pebrero ng 2023.  Madalas daw siyang mag-order ng apat o limang slices ng pizza.  Mag-isa siya sa kanyang malaking bahay.  Mga otsenta na raw siya.  Olandesa siya.

Sa tsaahan, may bagong baristang Ehiptano ang lahi, pero sa Canada siya pinanganak.  Ola ang pangalan.  Sabi ko'y nagpasyal ako sa Cairo at patimog nang Nilo hanggang Aswan.  Pinakamagandang biyahe ang Ehipto ang sabi ko kay Ola.

Sa eskinita sa pook ko, nakita ko si Michael na Danes-Pranses.  Pinag-usapan namin ang mga UFO.  May nakita raw siyang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa eskinita noong ika-30 ng Enero nitong 2023.  Di niya raw alam kung ano yaong penomeno.

Friday, February 3, 2023

Hindi

Sa India, tanggap ng karamihan ng tauhan ang impluwensiya ng Hindi.  Sa timog lamang na mga Dravidian ang mga wika ay nireresista ang Hindi.  Ang dahilan ay ang Hindi ay Indo-Europeong wika tulad ng karamihan sa norte ng India.  Kaya may Ingles pa sa India.  Hindi primitibo ang Hindi.  Napanood ko ang dalawang siyensiyang piksiyong pelikula sa Hindi:  The Time Machine (2002) at Prometheus (2012).  Hindi ko naintindihan ang mga Hinding salita, pero napanood ko na sa Ingles.

Tatlong Basket

Noong napunta ako sa Taylandes na templo sa Bangkuber, pinag-aaralan ko ang lengguwaheng Pali para magbasa ng Tipiṭaka, ang Tatlong Basket, literatura ng Budismong Theravāda.

Payong ng Mandarin

Maraming Tsino ay nasa ilalim na ng payong ng lengguwaheng Mandarin.  Ang Tsina ay gubat ng mga iba-ibang topolekto at wika at mga simbolo para sa sulat.  Ang Mandarin ang unipikasyon.  Hokkien ang mga kamag-anak ko, at inaamin nilang pinakaimportante ang Mandarin sa mga Tsino.  Ganoon sa Singapura, Taiwan, at iba pang lugar.  Ang mga Kantones ay huli sa realisasyon nitong bagay sa mga Tsino.  Ang mga Kantones na imigrante sa Hilagang Amerikang hindi marunong ng Mandarin ay parang "stranded" na tao na.  Nagiging ang kaalaman ng salitang Mandarin ang pagkakaintsik ng tao.

Thursday, February 2, 2023

Taga-Mindoro

Nitong umaga nang ika-2 ng Pebrero ng 2023, umiinom ako ng aking mayelong itim na tsaa at nagbabasa ng isang siyensiyang piksyong libro sa Portuges habang nakaupo ako sa mataas na silya sa bar sa tsaahan dito sa Isla Lulu.  Sa tabi ko, may mukhang Pilipinong nakalaptop.  Sa pag-alis niya, kinausap ko siya.  Taga-Mindoro raw siya.  Sabi ko, ferry lamang mula sa Batangas ko.  Sabi kong nanirahan talaga ako sa Lungsod ng Quezon.  Sabi ko, akala kong "Malaysian" siya.

Ang Ingles sa mga Kantones

Maraming Kantones ay parang mas gusto ang Ingles kaysa sa sarili nilang wika.  May ilang dahilan:  Ang Mandarin ang pinakaimportante sa karamihan ng mga Tsino.  Gusto ng ilang Kantones maging mas Kanluranin, kasama na ang relihiyon.  Gusto ng ilang Kantones ang parang aseksuwalidad sa Ingles.  Hindi ng ilang mga Kantones maisulat ang kanilang sariling bernakular na mga logograma, at madalas nilang sinusundan ang porma ng Mandarin sa sulat.  Sa mga Kantones ng Hong Kong, Britaniko ang pamana nila, miski na nawawala na itong bagay sa kultura ng siyudad nila ngayon, pagkatapos nang ibinalik sila sa Tsina.

Bratwurst

Ang Alemanya ay parang malaking Suwesya.  Miski na malakas ang teknolohiya, hindi sila pandaigdigang kulturang kapangyarihan tulad ng Hapon ngayon.  Wala silang sushi.  Wala silang origami.  Wala silang bonsai.  Wala silang Budismo at Shinto.  Wala silang martial arts.  Wala silang anime at manga para sa mga bata sa mundong ito.  Wala namang kumakain ng Alemang pagkain sa restawran sa ibang lipunan.  Ang Italya ay walang stigma ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na sila'y Axis Power na kasama ang Hapon at Alemanya.  Paborito ng tao sa mundong ito ang ispageti. Kumakain naman ako ng bratwurst...