Sunday, May 19, 2024

Naglilinis

Naglilinis si Rod na puting kapitbahay ko nang kanyang kamper na gagamitin ng mag-asawa sa Lawang Rolley. Mamayang hapon, pumunta ako sa kapihang Istarbak. Sa daan, kitang bukas ang pinto ng Byetnamitang restawrang Pho Khang ni Layla. Sa kapihan, may guwapong parang Italyanong nakaahit ang ulo, nakapulang tisyert, at nakabeyds na syorts. Sa aking mesa, may itim na kapeng may yelo ako. Sa kapihang labas, kumakain si Hans na Olandes sa silyang de-gulong ng pritong manok sa kahon. Sabi kong nagkakaroon ako ng taghiyawat kung kumakain ako noon. Sang-ayon kaming dapat palitan ang mantika. Naroong nakatindig si Isabel, ang asawang Hunggara ni Hans. Nakaupo ang iba pang tao. Pag-uwi, daan ako sa larang. Kita ang asul na kabundukan sa norte. May kaunti pang niyebe sa itaas. Ika-19 ng Mayo ng 2024 ngayon. Maaraw.

No comments:

Post a Comment