Friday, June 30, 2023

Japadog

Nang maaraw na ika-30 ng Hunyo ng 2023, sa umaga, lakad ako at naroon sa tsaahan para isang baso ng mayelong itim na tsaa. Ilang minuto lamang pasado nang alas 6, puno na agad ang mga mesa nang tao. May isang mesang may dalawang Taga-Europa: isang lalaking nakaasul at isang babaeng nakakulay-rosas. Nagsasalita sila sa isang estrangherong wika. Ang barista ko ay si Jessicang Byetnamesa. Pag-uwi ko, nakita ko sa labas ng duplex nila si Al at si Rochelle na naninigarilyo. "Maganda ang langit," 'ika ko. Parang tinintang itim ang buhok ni Rochelle na natural na pula-buhok. Sa huli nang umaga, lakad ako papuntang pizzeria. Sa daan, nakita ko si Joanne at si Rod na nakaupo sa kotse nilang papuntang Costco, yaong malaking tindahan. Di raw sila magha-hotdog doon. Sabi kong di ko pa natitikman ang "Japadog" na sabi ng iba'y masarap daw. Di pa rin natitikman nila. Sa masikip nang mga sombing pizzeria, naghintay ako hanggang 13:30 para pumunta sa tabing pos opis. May tinanggap akong bagong librong Chavacano Reader ng grupo ni Rommel M. Miravite. Pag-uwi ko, nakita ko sa daan ang "espasyong kapatid" kong si Michael na Danes-Pranses. Mahilig siya sa UFO.

20230630 Llama Brekky





 

Thursday, June 29, 2023

20230629 Una taza de llama


 

Walang Konhugasyon II

Isang Araw ng Lojban ang ika-29 ng Hunyo ng 2023 ngayon, dahil may 9 ang 29, at ang 9 at kulay-lila ang mga simbolo nitong wika. Sa maaraw na hapon, nasa harapang mesa ako sa labas ng pizzeria para kumain ng pizza at magkola. May dumalaw na mukhang malusog na Pilipinong nakapantalong militar, at may mga tato siya. Sa kabila ng kalye ay ang sanwits na tindahan at Asyanong panaderiya. Lakad na may hawak na sanwits sa harapan si Chase, yaong payatot na matangkad na mestisong Tsino-Ingles, barista sa tsaahan. Sa tema ng araw, maganda sa mga manunulat tulad ko ang wikang Lojban, dahil opsiyonal lahat ang TMA, ang tense, mode, at aspect na mga partikulo. Walang berbong konhugasyon sa Lojban. Sa Lojban, may omnipredicativity ang mga ugat na salita, parang sa Mehikanong Klasikong Nahuatl o Aztec.

20230629 Marte rojo, verde y azul





 

Walang Konhugasyon

Ngayong maaraw na ika-29 ng Hunyo ng 2023, nasa tsaahan sa Isla Lulu ako para magmalamig na itim na tsaa. Dumalaw yaong mukhang Hapones na ulong Budistang nakasuot ngayon nang puting kamiseta at maitim na kulay-abong track pants. "Steve" ang tinawag sa kanya ng baristang si Gina, yaong Pilipinang manedyer ng tsaahan. May tato si Steve nang mga logograma sa kaliwang braso niya. Sa labas ng bintana naman, nakita ko ang Haponesang si Les na papuntang tabing bangko. Kaibigan siya ni Marlin, yaong Pilipinang kaibigan ko naman. Sa mesa ko, nagbabasa ako ng librong Esperanto. Sa bahay naman, sa naaarawang balkonahe, binabasa ko ang librong Chavacano de Zamboanga: Un Poquito Español ni Gefilloyd Lim de Castro. Interesado ako sa penomeno ng kreyol na Kastila sa Pilipinas. Ang maganda ay di obligatoryo ang berbong tense, at ang focus ay berbong aspekto. Di katulad ng mga Kanluraning wika itong kreyol. Pinag-aaralan ko ang Chabacano mula pa nang ika-14 nitong buwan, at marami na akong alam. Sa manunulat tulad ko, maganda ang lengguwaheng di obligatoryo ang berbong tense. At isa pa, walang konhugasyon ang mga berbo sa Chabacano, di tulad ng ibang wikang masyadong komplikado ang berbo.

20230629 Fantasto kaj Sciencfikcio





 

20230629 Tsampuradong Ube







 

Wednesday, June 28, 2023

20230628 Dàndàn Miàn





 

Kesong Feta

Ngayong maaraw na ika-28 ng Hunyo ng 2023, lakad ako papuntang tsaahan dito sa Isla Lulu. Sa daan, labas ng kondo niya, may malusog na Hudyong itim ang buhok. Sa tsaahan, may dumalaw na ulong Budistang mukhang Hapones na nakasuot nang berdeng kamiseta at itim na shorts. Muskulado siya. Sa mesa ko, umiinom ako ng mayelong itim na tsaa at kumakain ng binalot na kesong feta, espinaka, at puti ng itlog. Doon, binabasa ko ang libro sa Esperanto, Tra lando de indianoj ni Tibor Sekelj, tungkol sa buhay sa gubat ng Brasil. May 28 letra sa alpabeto ng Esperanto, at may 16 basikong regla ang gramatika ng Esperanto.

Tuesday, June 27, 2023

Magandang Araw ng Mestiso

Ika-27 ng Hunyo ng 2023 ngayong magandang Araw ng Mestiso. Kailan lamang, kinakausap ko ang mga Hapones sa Web tungkol sa lengguwahe. Mas interesado ang marami sa kanila nang Latino tulad ng Italyano, Kastila, at Pranses na natural, at Esperanto at Interlingua, yaong artipisyal. Ang Hapones ay isa sa mga pinakakomplikadong lengguwahe sa daigdig na ito. Sa gabi, lakad akong papuntang pizzeria. Sa daan, nakita ko si Kiara, yaong dalagang mulatang may dalang nakataling pusang mukhang mahal na leopardo. Pinanganak si Kiara sa San Francisco at narito na sa Isla Lulu. Nasa militar na Amerikano ang tatay niya. Sa pizzeria, may dumalaw na mestisong binatang Taga-Colombia. Bago pa siya rito, at nagtatanong siya kung may trabaho sa pook. Naroon ang tinderong Taga-Indiyang si Simar. Habang gumagawa ng pizza, kinakausap niya si Siri, ang Artipisyal na Intelihensiya sa kanyang ismartpon, para ilaro ang kanyang mga musika.

20230627 Feliĉan Miksrasan Tagon (Esperanto)







 

20230627 Maligayang Araw ng Mestiso