"Basta may imahinasyon tayo!" ang motto dapat natin. Lakad ako. Sa umagang medyo maaraw na, nasa kapihang Istarbak ako. Mamaya sa huli nang umaga, nasa pizzeriang Yami ako. Sa bahay, may bisita ang Mama: ang Tito Bert at kanyang mga kamag-anak. Pagbalik ko sa bahay, tinanong kung saan ako pumunta. "Sa pizzeria," sabi ko. Sabi ni Tito Bert, "Ayaw ko nang pizza..." Sabi niyang mas gusta niya ang "kape at tost" lamang. Alam kong parang inhinyero ang isip niya, dahil alam niya ang pagkakarpintero at mga ganoon. "Sori at maingay kami nang nagsasalita dahil niya," sabi ng lola roon. Sabi ko nang may ngiti, "Para kayong Italyana!" May ensalada ng prutas. Nagtanghalian ako. May manok, kanin, at pansit. Bumalik akong lakad sa kapihang Istarbak. Nagkapeng itim na may yelo ako. Mamaya pa'y may represyer na prutas ng dragon o pitahayang may limonada at ekstrang espesya. Naroon ang mga baristang si Tanyang Inglesa, si Sarang Inglesa, si Ross na Pilipinong manedyer, si Mariang Pilipina, si Jam na Pilipino, si Chris na mestisong Hapones-Ingles, at si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at puti. "Makulit" daw ako ang sabi nang ibang Pilipino. Ngayon ang ika-6 ng Mayo ng 2024.
No comments:
Post a Comment