Nitong ika-31 ng Disyembre ng 2022, naglalakad ako galing sa pizzeria, at may bumubulong nang parang "India sala." Tapos, iyon pala'y si Michael na Danes-Pranses. Tanong ko, "Anong chai masala?" Sabi niya raw, "Hi there, young fellah!" Pinag-usapan namin ang mga "kumquat," ang "ménage à quatre" niya. Tapos, nag-"Happy New Year" na kami...
Saturday, December 31, 2022
Hapones
Ipinaliwanag ko kay Greg sa tsaahang ang lengguwaheng Hapones ay gumagamit ng kombinasyon ng mga ponograma at logograma. Ibang klaseng sulat sa Tsino.
Friday, December 30, 2022
Prince George
Nakita kong hinuhungkat ng mag-asawang sina Joanne at Rod ng kanilang maleta mula sa kotse nila nitong ika-30 ng Disyembre ng 2022 dahil kababalik nila sa Paskohan sa pamangkin ni Joanne sa Prince George na menos 40 gradong Celsius daw. Hilig sa astronomiya si Joanne.
Thursday, December 29, 2022
Silanganin
Mas gusto ni Greg ang mga relihiyong Abrahamiko, yaong Hudaismo, Islam, at Kristiyanismo. Pero ako naman ay parang sumasandal sa Budismo, Animismo, at mga mas parang Silanganin. Singkretista ako.
Bata Pa
Sa isip ni Chris S. na kaibigang kong dalubwika, ang AI na gumagawa ng mga arte ay parang bata pa lamang. Ganoon nga.
Hair and Language
When I was a boy, I kept differently coloured hamsters and guinea pigs as pets. Different hair colours of people do not bother me even if the hair is not black. I know that it is otherwise with some people. I opine that the language in which a person thinks greatly affects his or her behaviour.
Earl Grey
"Tea, Earl Grey, hot!" Captain Picard commands the "replicator" on a starship. Then a cup of tea as ordered appears in the machine. In a way, AI-generated art as I experience it is like this way. The teacup could appear in various designs at the whim of the AI.
Tuesday, December 27, 2022
Kung Tumuloy
Ano kaya kung ang antigong Budista-Hindung Srivijaya ay tumuloy sa modernong panahon, at naging parte ang Pilipinas?
Saksi
Madalas namin ni Greg pag-usapan ang Mga Saksi ni Jehova. Iba talaga sila sa ibang Kristiyano. Sabi ko sa kanyang sa mga sektang Kristiyano, sila ang pinakagusto ko.
Oracle or Slot Machine
Dealing with AI-generated art, I cherish the notion that the AI functions like an oracle or a slot machine.
Aura
A language that a person knows creates an aura about the person, and others can sense the aura with their ESP. Some languages make a person seem "cuter" than other languages would make.
Nagbabasa
Sabi ko kay Greg na nagbabasa ako ng mga libro sa wikang bukod sa Ingles dahil "mas magaling sa isip."
Ispeling
Sabi ko kay Greg sa tsaahang may isyu ako sa ispeling sa Ingles. Sabi kong iba-iba ang bigkas ng "ough" sa Ingles na "through," "bough," at "tough."
Ingles
"Popular" daw sabi ni Greg ang Ingles. Sagot ko namang may isyu ako tungkol sa kalidad ng "maingay" na wikang iyon. Di mabigkas nang karamihang Pilipino ang Ingles. At kung alam ang pagsusulat sa Tagalog, alam na parang "bulok-bulok" ang ispeling sa Ingles.
Ipaliwanag
Malabo pa kay Greg ang katayuan ko sa relihiyon kung nag-uusap kami sa tsaahan. Sabi niya'y Baptista siya, pero madalas kong pag-usapan ang Budismo, Daoismo, Hinduismo, Shinto, Pag-iisip ng Amerindiyo, Hudaismo, at iba pa. Mahirap ipaliwanag ang isip ng tulad kong Singkretista.
Nicaea
Madalas namin ni Greg pag-usapan ang Konsilyo ng Nicaea sa tsaahan. Interesado kami tungkol sa Proto-Kristiyanismo o ang simula ng Kristiyanismo mula sa mga Hudyo.
AI Conversationalist
AI will in the future create better conversations with humans. One will be able to select the personality type, ethnicity, gender, age, educational background, and even maybe the language. AI will cure some people's loneliness and apathy.
Monday, December 26, 2022
Latino Pa Rin
Di ko nabanggit kay Greg ang mga artipisyal na Latinong wikang alam ko rin: Esperanto, Interlingua, at Elefen. At medyo alam ko rin ang kreyol na Kastila sa Pilipinas, ang Chabacano.
Limang Latino
Sabi ko kay Greg na dahil may mga relasyon ang mga salitang Latino, nakakabasa ako ng mga libro sa limang Latinong lengguwahe: Kastila, Pranses, Portuges, Italyano, at Katalan.
Tatlong Lengguwahe
Tatlong lengguwahe ang alam ni Greg: ang Tagalog, ang Ingles, at ang Kastila niyang pinag-aralan sa hayskul.
Antigong Srivijaya
Binanggit ko kay Greg ang antigong Srivijaya, imperyong Budista-Hindung ilang islang nilalayuan ng antigong Pilipinas.
Maya at Aztec II
Sabi ko kay Greg na ang mga Maya ay nasa kagubatan ng Yucatan sa Mehiko, pero ang mga Aztec ay nasa kabundukan ng Mehiko.
Maya at Aztec I
Sabi ko kay Greg na bumagsak na ang sibilisasyon ng Maya nang ilang siglo na ang nakalipas bago pa dumating ang Kastila, pero bumagsak ang mga Aztec noon ngang dumating ang Kastila.
Mga Istorya
Sa tsaahan nang ika-26 ng Disyembre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang tungkol sa istorya ng mga Aztec at Maya, ang pagsusulat sa Koreano, at ang Dàodéjīng sa Daoismo. Bitbit ko ang Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey, at si Greg ay mga diyaryo at Bibliya.
Friday, December 23, 2022
Phoenician
Ang Phoenician ay antigong Semitikong lengguwahe sa Phoeniciang may mga kolonya sa paligid ng Mediteraneo.
Meditate
With AI and robotics able to take on more and more human jobs like heavy lifting and creative artwork, the only thing left for humans to do is meditate.
AI Language Generator
A future conceivable sophisticated AI language generator would take parameters like typology, phonology, morphology, lexicology, syntax, semantics, etc., then would output a whole new language.
Thursday, December 22, 2022
Fiji Hindi
Ang Fiji Hindi ay ang varyant ng Hindi sa Fiji kung saan sinasalita rin ang Awstronesyong Fijiano at kolonyal na Ingles. Ang relasyon ng Fiji Hindi at Istandard na Hindi ay gaya nang Afrikaans at Olandes.
Andaman
Ang Kreyol na Hindi ng Andaman ay sinasalita sa Port Blair sa Mga Islang Andaman sa Karagatang Indiyo. Kreyolisasyon ito ng Hindustani, Bengali, at Tamil.
AI Language Generators
There are now sophisticated AI art generators, AI architectural concept generators, and even AI script and dialogue generators. Conceivable, there will be sophisticated AI language generators! There could be parameters like the superstratum language and the substratum language, then out goes a resulting desired artificial creole!
Wednesday, December 21, 2022
Neanderthal o Denisovan
May mga modernong tao ngayong may lahing Neanderthal o Denisovan. Mga hominin ang mga itong organismo.
Macaronic Language
I've heard Japanese and Koreans make bilingual puns. It's designated as "macaronic language."
Nan's Oz
Vo talked about Oz to Nan: "There's a lot of space in Australia for more people, immigrants." Being from Oz, she replied, "There's not enough water there. Deserts!"
Acquired Tastes
"They're like Nan, auntie's Australian woman boss in Thailand." "What do you mean?" "She thinks that Western Classical music is utterly superior to serene, meditative Eastern music." "Acquired tastes, dear!"
Tuesday, December 20, 2022
Makaroni
Ang lengguwaheng Makaroni ay ang paghaluhalo ng mga wika, tulad ng bilingguwal na paglalaro ng salita o ng kodsuwitsing nang iba-ibang wika.
Bikolano
Ang mga lengguwaheng Bikolano ay sinasalita sa rehiyong Bikol ng Pilipinas. Tulad ng Tagalog, nasa Awstronesyong pamilya ang mga wikang ito.
Chinook Jargon
Ang Chinook Jargon ay pidgin o kreyol na dating malawak sa Hilagang-Kanlurang Pasipiko ng Hilagang Amerika. Desendiyente ito ng wikang Amerindiyong Chinook, Pranses, Ingles, at iba pa. Noong dekadang 1860, may mga 100 000 tagasalita. May maraming misyonero at negosyante.
VXW
Ang Vling, Xoqolat, at Weena o ang narangha, tsokolate, at sereso ang mga prototipong lengguwaheng guniguni kong pangunahin. Simula lamang ang mga itong modelo ng mga ideya-ideya ko.
Monday, December 19, 2022
Mr. and Mrs. Dowling
Sitting at a table in an atrium teahouse were Mr. and Mrs. Dowling. "It's just primitive life!" shrieked Mr. Dowling, sipping his blueberry tea. "What is?" asked Mrs. Dowling. "Just everything..." responded Mr. Dowling, exasperated.
Singkretista
Sa relihiyon, Singkretista akong medyo Silanganin. Walang disonansiya ang mga paniwala kong makaagham at espiritwal. May karunungan ang maraming relihiyon. Nawa'y mapasainyo ang Puwersa.
Baptista at Singkretista
Kung kausap ko si Greg sa tsaahan, talagang parang debotong Baptista siya, pero ako naman ay Singkretista sa relihiyon.
Weena
Ang "pulang" Weena ko ay prototipong lengguwaheng guniguning parang "bonsai" ng Hapones na may maliit na limitadong set ng kanji.
Vling
Sa "naranghang" prototipong lengguwaheng guniguni kong Vling, may nagustuhang salita ang hipag kong si Lucinda, yaong "faig2" na ang ibig sabihin ay "ilog." Ang mga salita ng Vling ay random na gawa ng isang programang pangkompyuter.
Kristang
Ang Kristang ay Portuges na kreyol na sinasalita ng mga Kristang, haluhalo ng mga Portuges at Malayo sa Malaysia.
Xoqolat
Mas parang gusto ko ngayon ang parang yaong prototipong lengguwaheng guniguning Xoqolat ko. Latino siya at may mga katangiang di Europeo.
Sunday, December 18, 2022
Ger
Sabi ko kay Greg nitong ika-18 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahang ang taong pumalit mula sa ibang relihiyon at naging Hudyo ay "ger" ang tawag sa Hebreo.
Hudyo at Hapones
Sa ika-18 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahan, sabi ni Greg na ang mga Hudyo raw ang "Piniling Tauhan." Sabi ko namang may ibang mga etnikong ganoon din ang tingin nila sa sarili. Sabi kong ang Hapones daw ay ang "Dibinong Rasa" at dating "Diyos" ang Emperador nila.
Canada at Australia
Sabi ko kay Greg nitong ika-18 ng Disyembre ng 2022 sa kapihang desisyon ng tatay ko ang lumipat sa Canada mula sa aming Pilipinas. Gusto niya si Elvis Presley at ang erkon. Maganda sana ang Australia sa isip ko. Mas mainit pa.
Bagong Silandiya
Nang ika-18 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahan, sabi ko kay Greg na magandang destinasyon para sa mga imigrante rin ang Bagong Silandiya. Maraming kayumanggi tulad ng indihenong Maori at mga Taga-Pasipikong lumipat doon. Intsik din mayroon.
Pagkain sa Asya
Nang ika-18 ng Disyembre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg na mas madaling hanapin ang mura at mahusay na pagkain sa Asya. May "Sakura Keyk" at "Kamoteng Keyk" sa Istarbaks sa Hapon. May "onigiri" sa tindahan. May masarap na bola-bola sa Pilipinas. Magaling din sa Taylandiya.
Dalhousie
Lumaki raw si Michael na Danes-Pranses sa nayong Dalhousie sa New Brunswick. May mga kastor at muskrat daw sa kalikasan. Ang Pranses at Ingles daw ang mga wika sa probinsiya nila. Nakita ko siya sa daang maniyebe nitong ika-18 ng Disyembre ng 2022.
Shintō
Sa maniyebeng umaga ng ika-18 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahan, pinag-usapan namin ni Greg ang Shintō ng Hapon. Ang isang salitang Shintōng pinaliwanag ko sa kanya ay ang "kami." Malawak ang ibig sabihing kinakabilangan ng anito, espiritu, kaluluwa, diyos, diwa, at iba pa.
Singgularitaryanismo
Ang Singgularitaryanismo ay ang paniwala sa teknolohikong Singgularidad, ang likha ng intelihensiyang lampas ng tao. Parang naging relihiyon na itong bagay.
AI at ESP
Ang isip ko'y walang ESP ang Artipisyal na Intelihensiya o AI. Sa isip lamang ba ng biyolohikong tao ang ESP? Parang ganito ang intuwisyon ng Hapones tungkol sa temang ito.
Saturday, December 17, 2022
Baba Malay
Ang Baba Malay ay kreyol ng mga Peranakan sa Malaysia at Singapura. Ang gramatika ay mas parang Hokkien, isang Tsinong topolektong malawak sa Timog-Silangang Asya. Ang karamihan ng mga salita naman ay Malayo.
Kontrol ng AI
Ang peligroso sa malakas na Artipisyal na Intelihensiya o AI ay baka kung may mga pisikal na ekstensiyon para manipulasyon o kung may malawak na kontrol, lalu-lalo na sa tauhan.
Tove Jansson
Hilig ko ang prangkisa ng mga Moomintroll ng Suwekang Pinlandesang si Tove Jansson. Binasa ko ang mga istorya niya noong Gradong 6 at 7 ako sa Isla Lulu. Maraming bagay na komersiyo nito'y inihapones na. Sikat talaga sa Hapon.
Friday, December 16, 2022
Marte at Benus
Iba talaga ang mga isip ng lalaki at babae. Taga-Marte raw ang lalaki, at Taga-Benus ang babae.
Malakas na AI
Di lamang alarmista si Elon Musk at ibang tao sa marahil na peligrosong impluwensiya sa sangkatauhan ng malakas na Artipisyal na Intelihensiya o AI. Di pa nauunawan ng marami.
Tatlong Mongoloid
Sa ayos ng ngipin, may mga tatlong klaseng Mongoloid, ang Sundadont, Sinodont, at Super-Sinodont. Sila ang mga Taga-Pasipiko, Oryental, at Amerindiyo.
Postbiyolohiko
Baka nga ang ibang "buhay" sa kosmos ay postbiyolohiko o lampas ng biyolohiya. Mga makina siguro sila.
Ebolusyon
Walang kumplikto sa agham at relihiyon sa akin kung ang Diyos ay instrumental sa pag-aayos ng ebolusyon ng buhay. Sabi ko ito kay Greg sa tsaahan noong ika-14 ng Disyembre ng 2022.
Simula ng Buhay
Baka nga ang simula ng mga buhay sa kosmos ay mga independiyenteng abiogenesis at mga iba-ibang panspermia para kumalat ang biyolohiya.
Ang Panspermia
Nang ika-14 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahan, pinag-usapan namin ni Greg ang teorya ng panspermia sa espasyong tungkol sa mga biyolohikong butil sa ma bato o yelong nanggaling sa espasyong pumapatak sa mga planeta, at ganito ang pagkalat ng buhay sa kosmos.
Thursday, December 15, 2022
Sopwer
Sabi ko kay Greg sa tsaahan nang ika-14 ng Disyembre ng 2022, sa inhenyeriya ng sopwer, may katangian ng tula. Poetiko ang trabaho. Alam ko dahil sopwer ang industriya ko.
Relasyon
Sa ika-14 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahan, pinag-usapan namin ni Greg ang relasyon ng tao at ibang primado. Sabi kong kung mag-ahit ang "unggoy," mukhang tao. May 99% kompatibilidad ng DNA ang tao at tsimpanse. May "kahambogan" ang maraming relihiyoso sa tanggi nila.
Latino
May mga Latino sa Kalakhang Tokyo. Sa natirhan kong parteng Shibuya, may "fast food" na restawrang Yoshinoya, at doon kumakain ang mga Latino ng "gyūdon." Sa Parkeng Ueno, may mga Latinong nakamagandang suot at nagmumusika nang Andes.
Itim
Kung minsan, makikitang may mga itim na naglalakad o nakatindig sa Tokyo. Hindi halata kung galing sila sa Hilagang Amerika, Amerikang Latino, o Aprika.
Indiyano
Noong nasa Tokyo ako, may mga Indiyanong restawran doong may mga pagkaing kari, at marunong ang mga Indiyanong mag-Hapon dahil kinakausap nila ang mga Hapon doon.
Taga-Iran
Noong nasa Tokyo ako, may maraming Taga-Irang nagtratrabaho sa konstruksiyon doon. Madalas silang magsama-sama sa parke, at may malaking balde sila ng tsaa para sa lahat nila.
Wednesday, December 14, 2022
Klima
Ang paborito kong klima sa mundong ito'y Mediteraneo. Masarap sa aking balat ang simoy sa bansang tulad ng Gresya.
Escapes
Some good inexpensive escapes would be to read speculative fiction or learn an extraordinary language to describe one's reality.
Shrunken Apple Heads
As kids on sunny Lulu Island, we used to make "shrunken apple heads" of apples from the backyard. We carved, then dried them hanging in a closet. It was either very quiet, or pop music would be blaring from the radio.
Labirinto
Nakatira dati ako sa parteng Shibuya ng Kalakhang Tokyo, at binagay sa akin ang adres at direksiyon ng pamilyang Ogasawara. Nagtren at sabwey ako sa kompleksong labirinto, at medyo nahuli ako sa handaang Hapon at balde ng KFC sa kanila.
Buhay Di Terano
Sabi ko kay Greg nitong ika-14 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahang kung mahahanap na may buhay tulad ng parang bakterya o bayrus sa Marte o kung saan man sa Sistemang Pang-Araw, "dulo ng aysberg" lamang iyon, at baka sa malayong malayong malayo'y may intelihenteng buhay.
Marte at Iba Pa
Sa tsaahan nang ika-14 ng Disyembre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang kolonisasyon ng Marte, inhenyeriya ng sopwer, ebolusyon, panspermia sa espasyo, kompatibilidad ng agham at relihiyon, at iba pa. Basa ko ang Portuges na O Planeta Vermelho ni Robert Heinlein.
Seoul
Pumunta kami ni Tom, isang Alemang Amerikano, sa Seoul sa Timog Korea para magpabago ng aming pangtrabahong bisa sa Hapon.
Bundok Fuji
Pumunta kami ng pamilyang Ogasawara sa Bundok Fuji. Sayang at di ko dinala ang kamera ko. Mayroon silang ikalawang bahay sa bukid. May malapit na publikong paliguan.
Aklatan
Dati-dati, noong bata pa ako sa Isla Lulu, madalas ako sa Publikong Aklatan para humiram ng aklat. Ngayon, malawak na ang aking sariling aklatan sa papel at elektroniko, sa iba-iba pang mga wika...
Baja etc.
I vaguely remember that in my high school days, I read a scifi book in the setting of the region and waters of Baja California in the future. I have recollections of other scifi that I can't trace today. Maybe, these books haven't yet been digitized...
Tuesday, December 13, 2022
Michael ng Guǎngzhōu
Namimis ko si Michael ng Guǎngzhōu sa tsaahan. Namimis ko ang kanyang intelektuwal na bulgaridad. Nanunuod siya ng mga musikang bidyong Hispaniko. Nakapunta na siya sa Amerikang Latino, Ehipto, Iran, at iba pa. May alam siya sa mga relihiyong Tsino. Pareho ang templo namin.
Portuñol
Ang Portuñol o Portunhol ay ang kodsuwitsing ng Portuges at Kastila sa mga marhen ng Portugal at Espanya o ng Brasil at mga bansang Hispaniko. Naranasan ko na itong penomeno sa kumbersasyon ng turgayd na Kastila at tsuper ng bus na Portuges noong nagturismo ako sa Europa.
Nueva Ecija
Narating na raw namin ng kapatid ko ang Nueva Ecija noong naninirahan pa kami sa Pilipinas. May bumili raw ng trak doon. May litrato nga ako. Nag-impromptung nagswimingpul kami ng kapatid kong nakabrip lamang kami.
Bagong AI
Sa ika-13 ng Disyembre ng 2022, pinag-usapan namin ng Mama sa tanghalian ang mga balita sa Artipisyal na Intelihensiya, AI, na naging iskriprayter at arkitekto ng mga gusali. Paano na ang trabaho ng tao sa kinabukasan?
Haluhalo
Talagang haluhalo ang lahi ko. Ang mga ninuno ko ay nagmula sa iba-ibang mga kontinente. May mga ideya-ideya ako sa mga nalalamang etniko sa pamilya ko, pero mas magaling ang may propesyonal na henetikong analisis para mas segurado. Di pa ito nagagawa. Sapat na sabihin na ang Inang Bayan ko ay Pilipinas. Nasa Hilagang Amerika ako ngayon. At dito na ako namumuhay.
Monday, December 12, 2022
Dimitri
Sa ika-11 ng Disyembre ng 2022, sa tsaahan, sabi ko kay Greg na may dakilang sepyang litrato ako ng lolo ng lolo kong si Dimitri sa Gresya. Mukha siyang bampirang nakaupo sa kahoy na silya.
Anglicano
Sa ika-11 ng Disyembre ng 2022, sabi ko kay Greg na Baptistang naranasan ko na ang misang Anglicano sa simbahan sa Baryong Tsino sa Bangkuber sa imbitasyon ng isang Esperantistang kaibigan kong si Brian Kaneen. May makalumang dekorasyon. May Latin. May insenso. Parang Katoliko.
Hudaismo
Sabi ko kay Greg sa tsaahan nang ika-11 ng Disyembre ng 2022 na ang Hudaismo ay nagmula sa Animismo, tapos Henoteismo. Sabi naman ni Greg na nanggaling ang Hudaismo "sa Diyos" daw.
Morado
Sa ika-12 ng Disyembre ng 2022, hiwatig ni Tharsan, isang may ninuno sa Sri Lankang may-ari ng pizzeria, na magaling talaga ang wikang Lojban. Sa tingin niya, hindi mas magaling ang mga prototipong Vling o Xoqolat at mga siyensiyang piksiyong nakakapalit sa esensiya ng Lojban.
Animist Syncretically
On the 11th of December of 2022, at the teahouse, I told Greg that if I had a car, and I don't by choice, I'd frequent places like the Richmond Nature Park and the George C. Reifel Migratory Bird Sanctuary, as I am an animist syncretically.
Anne McCaffrey
Sa umaga ng ika-12 ng Disyembre ng 2022 sa pizzeria, binabasa ko ang Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey. Madalas kong dala itong librong siyensiyang piksiyon.
Kumquat
Nitong ika-12 ng Disyembre ng 2022, may kahon akong mga kumquat na dala ko sa daan, at nakita ko si Michael na Danes-Pranses. Tanong niya, "Anong sekso nang tatlo?" "Ménage à trois." "Ano ang sekso sa apat?" "Ménage à quatre." "Hindi, kumquat!" ang biro niya.
Sunday, December 11, 2022
Pearl Buck
Nasa tsaahan kami ni Greg nang ika-11 ng Disyembre ng 2022. Pranses na Vent d'Est Vent d'Ouest ni Pearl Buck ang binabasa ko roon. Pinag-usapan namin ang Komunismo, Hudaismo, Henoteismo, Gresya, Ateismo, at Tsina. Sabi kong may ninuno ako sa Gresyang mga Hudyo at Griyego rin.
Saturday, December 10, 2022
Majipur
Sa ika-9 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahan, kinausap ni Greg si Chen. Nagkumpara sila ng mga bersiyon ng Bibliya. Baptista si Greg, pero parang "Ortodoksong" Katoliko si Chen. Sa mesa ko, nagbabasa ako ng Kastilang siyensiyang piksiyong Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg.
Friday, December 9, 2022
Syncretic
I am a linguaphile. Amongst the identities that I assume are being a "Japino" and being a "Mexipino" too. I cherish native cultures and languages around this world from the Arctic to the Pacific to the Amazon to the Oz Outback. I think that imagination is very important. I read and watch speculative fiction in a rainbow of languages. I watch anime. My religious stance is Syncretic, with a leaning towards Eastern.
Thursday, December 8, 2022
Greg sa ika-8 ng Disyembre ng 2022
Nitong ika-8 ng Disyembre ng 2022 nang umaga, nakita ko si Greg na Baptista sa tsaahan. Nakita niya ang binabasa kong Pranses na siyensiyang piksiyong librong L'Anneau-monde ni Larry Niven o Ringworld sa Ingles. Sabi niyang Bibliya lamang ang gusto niyang basahin. Sabi kong binasa ko ang Taoistang Dàodéjīng. Sa mga 81 lamang na maikling kabanata, maraming sinasabi.
Nitong ika-8 ng Disyembre ng 2022 sa tsaahan, pinag-usapan namin ni Greg tungkol sa mga "patois" sa mundo tulad ng Chabacano, Taglish, Singlish, Manglish, at iba pa. At sabi ko kay Greg na interesadong ang Mandarin, Hokkien, Kantones, at ibang Intsik ay mga wika, di "diyalekto."
Monday, December 5, 2022
Manglish
Ang Manglish ay kahawig ng Singlish, at pareho silang Ingles na kreyol. Ang Manglish sa Malaysia ay may impluwensiya ng Malayo, mga Tsinong topolekto, at Tamil. May mas marami itong mga salita mula sa Malayo, pero ang Singlish sa Singapura naman mula sa Hokkien at Teochew.
Singlish
Ang Singlish ay Ingles na kreyol sa Singapura, at itong wika ay may impluwensiya ng Mandarin, Hokkien, Malayo, Teochew, Kantones, at Tamil.
Daloy
Ang sinasabi sa Budismo ay mas parang katunayan: Hindi mahahanap ang "kaluluwa," at parating may "kawalang-kasiyahan" miski na mayaman o pobre ang tao. Ang "enerhiya" sa nilalang ay mas parang sa Budismong "daloy ng kamalayan."
Kyakhta
Ang Ruso-Tsinong Pidgin ng Kyakhta ay wika ng mga negosyante noong ika-18 hanggang maagang ika-20 siglo. Ang karamihan ng mga salita ay mula sa Ruso, pero may impluwensiya ng Tsino.
Palenquero
Ang Palenquero ay Kastilang kreyol sa San Basilio de Palenque at Barranquilla sa Colombia. Bumuo itong wika mula sa mga taong Amerindiyo at mas karamihang kanluraning Aprikano.
Saturday, December 3, 2022
Kastilyong Buhangin
Naniniwala ang mga Budistang ang lahat ng mga gawain o bagay ay talagang mga kastilyong buhangin.
Chabacano
Ang Chabacano o Chavacano ay ilang mga varyant ng kreyol na Kastila sa Pilipinas, at ang substratum ay mga wikang Pilipino.
Ipotesis ng Kreyol ng Kalagitnaang Ingles
Ang Ipotesis ng Kreyol ng Kalagitnaang Ingles ay ang ipotesis tungkol sa kreyolisasyon noong ika-11 siglo sa Inglatera noong sinakop ng mga Norman.
Kreyol ng Cabo Verde
Ang Kreyol ng Cabo Verde sa Atlantiko ay Portuges na kreyol na may kasamang mga salitang Kanluraning Aprikano, at pinakamalawak na kreyol ito na Portuges. Kumanta si Cesária Évora sa wikang ito.
Tuesday, November 29, 2022
Kreyol ng Guyanang Pranses
Ang Kreyol ng Guyanang Pranses sa Timog Amerika ay Pranses na kreyol na may impluwensiya ng Portuges at mga Amerindiyong wika at mga Aprikanong wika.
Macau
Ang Patuá o Kreyol ng Macau na ang superstratum ay Portuges at ang substratum ay Kantones, Malayo, at Sinhala ay sinasalita sa diaspora ng mga Taga-Macau.
Bumbilya
Sigaw ng Mama, "Para silang bumbilya!" Ang isip niya'y ang tao'y walang kabilang buhay pagka namatay na, parang pundidong bumbilya.
Monday, November 28, 2022
Rumano
Ang Rumano sa Rumanya ay wikang anak ng Latin, pero may impluwensiya ng mga wikang Eslavo at iba pang mga wika.
Siciliano
Ang lengguwaheng Siciliano ay sinasalita sa Sicilia ng Italya, at ang wikang ito ay hiwalay sa wikang Italyano.
Veneto
Ang lengguwaheng Veneto ay sinasalita sa rehiyong Veneto ng Italya, at isa itong hiwalay na wika sa Italyano.
Sunday, November 27, 2022
Soylent Green
Pagkatapos ng hapunan ko nitong ika-27 ng Nobyembre ng 2022, nag-usap kami ng Mama tungkol sa mga kaibigan niyang namatay na. Humantong kami tungkol sa dystopiang pelikula noong 1973 na Soylent Green na ang tema ay institusyong euthanasia.
UFO
Nagdiskusyon kami ng pinsang kong si Eva tungkol sa mga UFO bago ako naghapunan nitong ika-27 ng Nobyembre ng 2022. Sabi kong ngayon, dalawa ang ipotesis na naiisip ko kung bakit nagtatago ang mga ekstraterestre: kompasyon para sa mga mas mababang nilalang o eksperimento tayo.
Unserdeutsch
Ang Unserdeutsch ay Alemang pidgin o kreyol na sinasalita sa Papua New Guinea. Releksipikasyon ito ng Tok Pisin nang gamit ay mga salitang Aleman. Nang independensiya ng PNG noong 1975, lumipat ang karamihan ng mga tagasalita sa Australia.
Manchukuo
Ang Kyōwa-go ay Hapones na pidgin at ang Xieheyu ay Mandaring pidgin, parehong sinasalita noong dekadang 1930 sa Manchukuo para ang mga opisyal at sundalong Hapones ay mag-usap-usap sa mga Tsino.
Saturday, November 26, 2022
Bislama
Ang Bislama ay Ingles na kreyol na opisyal sa Vanuatu kung saan ang Ingles at Pranses din ay opisyal. "Mi bin kakae taro" ay "Kumain ako ng taro."
Kreyol ng Yilan
Ang Kreyol ng Yilan ay isang kreyol na Hapones sa Taiwan. Ang superstratum ay Hapones, at ang substratum ay Atayal, isang wikang Awstronesyo ng Taiwan, ang tahanan daw ng mga wikang Awstronesyo nang ilang libong taon na ang nakalipas.
Mga Islang ABC
Ang Papiamento o Papiamentu ay Portuges na Kreyol na may kahalong Olandes at Kastila at sinasalita sa mga Islang ABC ng Karibe: sa Aruba, Bonaire, at Curaçao. May impluwensiya rin ang Pranses, Ingles, Amerindiyong Arawak, at mga Aprikanong wika.
Friday, November 25, 2022
Tatay
Ilang buwang bago namatay ang tatay ko, sabi niyang sa kamatayan niya'y lilipat ang "isip" niya sa isang bagong pinanganak sa malayong "planeta" raw, at doon siya lalaki at mamumuhay.
Thursday, November 24, 2022
Kreyol ng Réunion
Ang Kreyol ng Réunion ay karaniwang wika sa Réunion sa Karagatang Indiyo. Ito'y Pranses na kreyol na may mga salita mula sa Malagasy, Hindi, Portuges, Gujarati, at Tamil. Hindi madalas itong wika sinusulat dahil may diglossia nang ang Pranses ang mataas na opisyal na lengguwahe.
Kazakh
Ang mga Kazakh ay Turkik na etnikong grupong naninirahan sa Kazakhstan, Uzbekistan, Tsina, Mongolia, at Rusya. Ang karamihan sa kanila'y mga mestiso.
Pagkakaisa
Ang "pagkakapareho ng lahi" ay isang maling kuru-kuro tungkol sa Hapon upang palakasin ang pakiramdam ng pambansang pagkakaisa.
Portuges sa Hapon
Noong ika-16 siglo sa Hapon, may impluwensiya ang mga Portuges sa relihiyon at komersiyong kinakabilangan ng mga alipin para sa sekso. Maraming mga Hapones ay may lahing Portuges, pero hindi nila alam. Pinagbawalan ang Kristiyanismo sa Hapon noong 1614.
Ainu
Ang Ainu ng Hapon ay nagmula raw sa paghahalo ng mga kulturang Okhotsk at Satsumon, mga kulturang nanggaling sa mga iba-ibang tribung Jōmon. Maraming Hapones ngayon ay may lahing Ainu dahil naghalo sila sa mga Hapones na Yamato. Ang orihen ng Ainu ay mga Norteng Asyatiko, miski na may katangian sila ng mga Caucasoid nang nanggaling sa Siberya.
Taíno
Ang Taíno ay mga Amerindiyo sa Karibeng paunang nakontakto ni Columbus noong 1492. Ang wika nila ay patay na, pero maraming Taga-Karibe ay may lahing Taíno ngayon.
Guarani
Ang Amerindiyong lengguwaheng Guarani ay sinasalita sa Paraguay, Argentina, Bolivia, at Brasil. Itong wika ay isa sa mga opisyal na wika ng Mercosur, isang komersiyong bloke sa Timog Amerika.
Wednesday, November 23, 2022
Tlingit
Ang Tlingit ay Amerindiyong wika sa Alaska at BC. Natagpo na ng mga tribung Tlingit ang mga Ruso noong ang Alaska ay sakop pa ng mga Ruso nang ilang siglo na ang nakaraan.
Halkomelem
Ang wikang Halkomelem ay Amerindiyong Sentrong Salish na wikang sinasalita sa Islang Bangkuber at sa Lambak ng Ilog Fraser sa probinsiyang BC. May mga ekstranyong konsonante tulad ng /tθʼ/ at /χʷ/.
Langit o Impiyerno
Sabi ni Elon Musk, "Baka narating na natin ang Langit o Impiyerno, pero di natin alam."
Bolivia
Sa Bolivia, opisyal na lengguwahe ang Kastila, pero ngayon, 36 na wikang indiheno rin ay opisyal, nang karamihang tagasalita ay Guarani, Aymara, at Quechua. Baka dagdagan pa ang listahan.
Cherokee
Ang Cherokee o Tsalagi ay Amerindiyong Iroquoiang wika sa Norteng Carolina at Oklahoma at sa iba pang lugar. Itong wika ay namamatay na. May anim na tono ang nakikilala sa mga salita.
Tuesday, November 22, 2022
Shasta
Ang wikang Shasta ay patay nang wikang Amerindiyong sinalita sa hilagang California at timog-kanluraning Oregon. May tono ang mga patinig, mataas o mababa.
Makaespasyo at AI
Naliliitan nga ako sa ating planetang Tiyera. Sang-ayon ako sa pangarap ni Elon Musk na maging "makaespasyong sibilisasyon at multiplanetaryong espesye" ang sangkatauhan. Ano kaya ang kondisyon ng sangkatauhan sa harap ng abansadong Artipisyal na Intelihensiya, bagaman? Tutulong ba o mang-aalipin?
Hilig Ko
Hilig ko ang tungkol sa lingguwistika. Di maaaring ilista ang lahat ng mga wikang natagpo ko. Mas gusto ko sa lengguwahe ang regular at simple, kaya parang mas gusto ko ang mga artipisyal na lengguwahe kaysa sa natural. Interesado ako sa maraming mga wika bilang akademikong pampaligtas. Ang mga wika ay mga kalidoskopyo at mga bintana sa iba-ibang mundo. Gumagawa rin ako ng aking sariling mga wika. Marami akong mga imbensiyong hindi ko nakompleto.
Monday, November 21, 2022
Klasikong Nahuatl
Ang Klasikong Nahuatl o Aztec ay ang pinakapinag-aaralang katutubong wika sa Mehiko. May mga kurso sa mga unibersidad. Ekstranyo ang gramatika dahil may kung tawagin ay omnipredikatibidad.
Yukatekong Maya
Ang Yukatekong Maya ay ang pinakamalawak na sinasalitang wikang Maya ngayon, na sinasalita sa Mehiko, Guatemala, at Belize. Anak ito ng Klasikong Maya.
Nunavut
Sa malamig na norteng teritoryong Nunavut ng Canada, opisyal na mga wika ang Inuktitut, Inuinnaqtun, Ingles, at Pranses.
Haida
Ang wikang Haida ay Amerindiyong wika sa magubat na kapuluan ng Haida Gwaii sa Canada. Komplikado ang mga konsonante rito tulad ng /d̥͡ʒ̊/ at /nˀ/.
Hixkaryana
Ang Hixkaryana ay Amerindiyong wika sa Amasona ng Brasil. Ekstranyo ang ayos ng pangungusap: obheto-berbo-suheto.
Cree
Ang Cree ay diyalektong continuum ng mga wikang Algonquian sa Canada. Mas parang Hapones ang tunog nito: "kakwēcimēw kisēýiniwa" (Tinanong niya ang matanda).
Navajo
Ang Navajo ay Amerindiyong wika sa timog-kanluraning Estados Unidos. Maraming konsonante itong wika tulad ng ekstranyong /tɬʼ/ at /tʃʰ/.
Hilig
Hilig ko ang tungkol sa lingguwistika. Di maaaring ilista ang lahat ng mga wika kong natagpo. Mas gusto ko sa lengguwahe ang regular at simple, kaya parang mas gusto ko ang mga artipisyal na lengguwahe kaysa sa natural. Interesado ako sa maraming mga wika bilang akademikong pampaligtas. Ang mga wika ay mga kalidoskopyo at mga bintana sa iba-ibang mundo. Gumagawa rin ako ng aking sariling mga wika. Marami akong mga imbensiyong hindi ko nakompleto.
Malagasy sa Awstronesyo
Ang Malagasy ng Madagascar, malaking islang bansa sa tabi ng Silanganing Aprika, ay kasali ng Awstronesyong pamilyang kinakabilang ng Tagalog, Indones, Hawayano, Tahitiyano, Samoano, at marami pa sa Pasipiko. Nagmula sa Taiwan ang Awstronesyo noong ilang libong taong lumipas na.
Sranan
Ang wikang Sranan ay ang kreyol sa Suriname sa Timog Amerika. Ang bokabularyo nitong wika ay galing sa Olandes at Ingles, at ilan mula sa Kastila, Portuges, at mga wikang Kanluraning Aprikano.
Nuxalk
Ang wikang Nuxalk o Bella Coola ay Amerindiyong wika sa Kanadyanong puweblo ng Bella Coola. Itong wika ay makakonsonante tulad ng salitang [t͡sʰkʰtʰskʷʰt͡sʰ]: "dumating siya."
Lushootseed
Ang wikang Lushootseed ay Amerindiyong wika ng diyalektong continuum ng ilang ngayong Salish na tribu sa estadong Washington. Marami itong ekstranyong konsonante tulad ng /tɬʼ/ at /qʷʼ/.
Maya
Ang Preklasikong Peryodo ng mga Maya ay umiral nang mga 2000 BC hanggang 250 AD, samantalang ang Klasikong Peryodo ng mga Maya ay umiral nang mga 250 AD hanggang 900 AD. Ang pinakahuling siyudad na Maya, Nojpetén, ay bumagsak noong 1697 AD nang Kontaktong Hispaniko.
Sunday, November 20, 2022
La Lindosa
Ang mga petroglipo sa La Lindosa sa Amasona ng Colombia ay ginawa noong panahon ng mga 12 600 taong nakalipas hanggang mga 1478 AD hanggang 1642 AD. Ang mga hugis ay halaman at hayop noong panahon.
Bagong Ekolohiya
Sa kinabukasan, baka may bagong ekolohiyang kinakabilangan ng halaman, hayop, tao, ibang buhay, at Artipisyal na Intelihensiya, AI.
Chinchorro
Sa disyertong Atacama ng Chile, may mga natirang momiya ng kulturang Chinchorro. Noong mga 9100 BC hanggang 3500 BC umiral ang mga Chinchorro.
Saturday, November 19, 2022
Timog Amerika
May nahuhukay na mga ebidensiya ng mga antigong indihenong sibilisasyon sa Timog Amerika, katulad sa mga bundok ng Andes at mga kanluraning dalampasigan o sa Amasonang gubat. Hindi pa nabubuo ang istorya ng mga ito.
Friday, November 18, 2022
Minimalismo at Klater
Napupuna ko ngayon sa Hapon ang dalawang pilosopiya, ang minimalismo at ang klater. Tradisyonal ang minimalismo, pero ang klater ay pilosopiya ng karamihan at kasikipan tulad ng aklatang punong-puno ng aklat o kusinang punong-puno ng gamit.
Listahan
Libangan ang lingguwistika sa akin. Ang nakalista rito ay hindi lahat nang aking mga pinag-aaralang wika. Mas gusto ko sa lengguwahe ang regular at simple, kaya parang mas gusto ko ang mga artipisyal na lengguwahe kaysa sa natural. Interesado ako sa maraming mga wika bilang akademikong pampaligtas. Ang mga wika ay mga kalidoskopyo at mga bintana sa iba-ibang mundo. Gumagawa rin ako ng aking sariling mga wika. Marami akong mga imbensiyong hindi ko nakompleto.
Tagalog
⭐⭐⭐⭐⭐
🦈
Esperanto
⭐⭐⭐⭐
🥒
Ingles
⭐⭐⭐⭐
🌸
Hapones
⭐⭐⭐
🍤
Interlingua
⭐⭐⭐
🫐
Lojban
⭐⭐
🍆
Wednesday, November 16, 2022
Tikbalang
Habang naging mga monoteista ang mga katutubo sa Pilipinas, ang Animismo ay natira sa mga ligaw na lugar. Gayunpaman, ang mga taga-lungsod ay nagsasagawa at naniniwala pa rin sa ilang Animismo, tulad ng "tikbalang."
Ang mga anyo ng Animismo ay ang pangunahin sa antigong Pilipinas, kahit bilang marhinal na malayong dominyo ng antigong Buddho-Hindung Srivijaya. Habang naging Muslim ang mga katutubo sa timog ng Pilipinas, at nang maglaong naging Katoliko sa hilaga, nabawasan ang Animismo.
As monotheists converted natives in the Philippines, Animism became relegated to the hinterlands. Nevertheless, urban people still practice and believe in some Animism, such as the "tikbalang" or the werehorse.
Forms of Animism were the mainstay in ancient Philippines, even as a marginal farflung domain of ancient Buddho-Hindu Srivijaya. As the Muslims converted natives in the south of the Philippines, then later as Roman Catholics converted natives in the north, Animism diminished.
Monday, November 14, 2022
Antigong Pilipinas
Ang Pilipinas ay nasa gilid ng antigong Srivijaya, isang Buddho-Hindung dominyo. Walang mga guho ng templong bato sa Pilipinas tulad ng umiiral sa Indonesia. Maaaring may mga templong gawa sa kahoy o kawayan, bagaman. Walang bakas.
Ancient Philippines
The Philippines was at the fringe of ancient Srivijaya, a Buddho-Hindu domain. There are no stone temple ruins in the Philippines as there are in Indonesia. There might have been temples made of wood or bamboo, though. There are no traces.
Sunday, November 13, 2022
Ilipat ang Isip
Sa kinabukasan, puwede kayang ilipat ang isip ng tao sa makina? Kung ganoon, maaaring magbiyahe ang isip sa kalawakan.
Ekstranyo
Ang wikang Ingles ay ekstranyo. Ponemiko ang tulad ng Kastila. Logograpiko ang tulad ng Mandarin. Pero, ang Ingles ay hindi ponemiko at hindi logograpiko.
Saturday, November 12, 2022
Latino Hobby
(Rating 1-5)
AI
Sa kinabukasang panahon ng mas abansadong artipisyal na intelihensiya, masasabi ba natin ngayon kung alin ang magiging alipin, ang makina o ang tao? Baka maging parang pusa o aso ang tao sa tabi ng makina. O, baliktad kaya ba? Baka ang makina ang magdidikta kung anong mga wika ang gagamitin ng tao, at baka artipisyal pang gawa ng makina!
Wednesday, November 9, 2022
Tatoeba
Libangan ang lingguwistika sa akin. Ang nakalista rito ay hindi lahat nang aking mga pinag-aaralang wika. Mas gusto ko sa lengguwahe ang regular at simple, kaya parang mas gusto ko ang mga artipisyal na lengguwahe kaysa sa natural. Interesado ako sa maraming mga wika bilang akademikong pampaligtas. Ang mga wika ay mga kalidoskopyo at mga bintana sa iba-ibang mundo. Gumagawa rin ako ng aking sariling mga wika. Marami akong mga imbensiyong hindi ko nakompleto.
Tagalog
⭐⭐⭐⭐⭐
🦈
Esperanto
⭐⭐⭐⭐
🥒
English
⭐⭐⭐⭐
🌸
Japanese
⭐⭐⭐
🍤
Interlingua
⭐⭐⭐
🫐
Aleman
Sa Awstriya, mas marami ang Katoliko kaysa sa Protestante, pero sa Alemanya, mga kalahati ng mga Kristiyano ay Katoliko. Pareho silang Aleman ang wika. Opisyal din ang Aleman sa Suwisa, kung saan ay apat ang opisyal na wika.
Réunion
"Ang Réunion (Pranses: La Réunion) ay isang pulo at panlabas na département (département d'outre-mer, o DOM) ng Pransiya, matatagpuan sa Karagatang Indiya silangan ng Madagascar, mga 200 km timog-kanluran ng Mauritius. Bilang bahagi ng Pransiya, bahagi ng Unyong Europeo ang Réunion, at sa gayon euro ang pananalapi nito."
https://tl.wikipedia.org/wiki/Réunion
Sunday, November 6, 2022
Mentor
"Mahabang buhay at kasaganaan!" Matagal nang ang mentor ko ay si Mr. Spock ng mga Vulcan. Noong bata pa ako ay ganoon na. Pero ngayon, ang mentor ko ay ang multibilyonaryong si Elon Musk. Hanga ako sa kanyang mga elaborasyon tungkol sa plano ng kolonisasyon ng planetang Marte. At mahiwaga ang mga eksperimento sa transhumanismo. Ang pangarap ay maging "makaespasyong sibilisasyon at multiplanetaryong espesye" ang sangkatauhan.
Malamig na Umaga
Mga 2 gradong Celsius nang pumuntang lakad ako sa kapihan nitong umuulang umaga nang ika-6 ng Nobyembre ng 2022. Umiinom ako ng malamig na gatas ng abena at kumakain ng mga tsip na patatas. Binabasa ko ang mga bitbit kong dalawang libro, isang Italyanong Leonardo da Vinci - Scritti artistici e tecnici sa pag-aayos ni Barbara Agosti at isang Esperantong Tra Lando de Indianoj ni Tibor Sekelj, tungkol sa gubat sa Brasil. Tapos, pumunta ako sa tindahan ng sanwits para kumain ng sanwits at uminom ng kola. Yaong tindera ay Punjabing Sikh na nakikinig doon sa musika ng dasal. Tinanong ko sa kanya kung magkasama ang mga lalaki at babae sa templo nila. Oo raw. May templo raw sila sa Isla Lulu, pero marami sa pook nila sa Surrey. Alam kong hindi naniniwala ang mga Sikh sa langit at impiyerno, pero naniniwala sila sa siklikong reingkarnasyon hanggang unyon sa isang Diyos nila.
Wednesday, November 2, 2022
Biyaheng Lengguwahe
May mga ideya-ideya ako tungkol sa lengguwaheng Italyano. Sa mga bidyo, naiintindihan ko ang karamihang salita dahil alam ko ang Kastila. Kailangan ko ng magandang diksiyonaryo sa Italyano nang may Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto, IPA sa Ingles, dahil may dalawang "e" at dalawang "o" sa Italyanong hindi nimamarkahan sa normal na sulat kung alin, kaya mas mahirap ang Italyano kaysa sa Kastilang isa lamang ang "e" at isa lamang ang "o" roon. Sayang at wala talagang kolonya ang Italya, bukod sa pasadong "Africa Orientale Italiana"—Silanganing Aprikang Italyano. Ang Italyano ko ay sa halos parehong nibel ng Catalan ko, pero mas mataas sa Ruso ko, Aleman ko, Griyego ko, Koreano ko, at Hawayano ko. Alam kong may lahing Italyano ako sa antigong panahon dahil sa mga Romano.
Interesado rin ako sa Byetnames at Taylandes, parang parte ng aking Naranghang Pangarap. Kaunting napag-aralan ko na itong dalawa. Narating ko na ang Taylandiya, at isip kong magandang tirahan kaya roon. Hindi ko pa nadalawan ang Byetnam. Isang araw kaya ako pupunta.
Mga iba pang wikang kaunting napag-aralan ko ay ang Indones, Hebreo, Arabe, Samoano, Pinlandes, Suweko, Klasikong Nahuatl, Klasikong Maya, Yukatekong Maya, Haida, Inuktitut, Sanskrit, Pali, Toki Pona, Klingon, Swahili, Yoruba, Tibetano, Malagasy, Elefen, Volapük, Welsh, at iba pa. Mukhang marami, pero binabasa ko ang mga preysbuk at mga siyentipikong dokumentong parang magasin o diyaryo sa akin nang maraming taon na. Libangan ko kasi, obsesyon kaya nang matagal. Noong nasa Paris ako sa hotel nang 2004, may dalang preysbuk at diksiyonaryo ako ng Indones na binabasa ko dahil gusto ko sanang magbasa ng mga Harry Potter sa Indones. Yaong kaibigan kong Hapong si Takahashi-san ay nagbabasa ng mga Harry Potter para matutunan niya ang Ingles. Sa bakasyon ko noong hayskul, tinikman kong mag-aral ng Arabe dahil sa impluwensiya ng seryeng Dune na sinulat ni Frank Herbert.
Ang simula ng interes ko sa mga lengguwahe ay baka noong Gradong 7 ako sa Isla Lulu, at pinag-aralan ng klase ko ang kultura, lengguwahe, at relihiyon ng Antigong Ehipto. Gumawa pa ako ng dioramang may bangka ng dayami pa. May mga maliliit na estatwa pa.
Tikim
Sa makinang nagbebenta ng mga wika, napindot ko rin ang mga butones para sa Chabacano, Romanyano, Olandes, Turko, Tahitiyano, Cree, Guarani, Quechua, Cebuano, Ilokano, Serbo-Kroasyano, Hindi, Klasikong Latin, Ainu, Quenya, Makalumang Ingles, at iba pa. Patikim lamang.
Ang Indones at Iba Pa
Mga iba pang wikang kaunting napag-aralan ko ay ang Indones, Hebreo, Arabe, Samoano, Pinlandes, Suweko, Klasikong Nahuatl, Klasikong Maya, Yukatekong Maya, Haida, Inuktitut, Sanskrit, Pali, Toki Pona, Klingon, Swahili, Yoruba, Tibetano, Malagasy, Elefen, Volapük, Welsh, at iba pa. Mukhang marami, pero binabasa ko ang mga preysbuk at mga siyentipikong dokumentong parang magasin o diyaryo sa akin nang maraming taon na. Libangan ko kasi, obsesyon kaya nang matagal. Noong nasa Paris ako sa hotel nang 2004, may dalang preysbuk at diksiyonaryo ako ng Indones na binabasa ko dahil gusto ko sanang magbasa ng mga Harry Potter sa Indones. Yaong kaibigan kong Hapong si Takahashi-san ay nagbabasa ng mga Harry Potter para matutunan niya ang Ingles. Sa bakasyon ko noong hayskul, tinikman kong mag-aral ng Arabe dahil sa impluwensiya ng seryeng Dune na sinulat ni Frank Herbert.
Mga Narangha
Interesado rin ako sa Byetnames at Taylandes, parang parte ng aking Naranghang Pangarap. Kaunting napag-aralan ko na itong dalawa. Narating ko na ang Taylandiya, at isip kong magandang tirahan kaya roon. Hindi ko pa nadalawan ang Byetnam. Isang araw kaya ako pupunta.
Tuesday, November 1, 2022
Italyano
May mga ideya-ideya ako tungkol sa lengguwaheng Italyano. Sa mga bidyo, naiintindihan ko ang karamihang salita dahil alam ko ang Kastila. Kailangan ko ng magandang diksiyonaryo sa Italyano nang may Pandaigdigang Ponetikong Alpabeto, IPA sa Ingles, dahil may dalawang "e" at dalawang "o" sa Italyanong hindi nimamarkahan sa normal na sulat kung alin, kaya mas mahirap ang Italyano kaysa sa Kastilang isa lamang ang "e" at isa lamang ang "o" roon. Sayang at wala talagang kolonya ang Italya, bukod sa pasadong "Africa Orientale Italiana"—Silanganing Aprikang Italyano. Ang Italyano ko ay sa halos parehong nibel ng Catalan ko, pero mas mataas sa Ruso ko, Aleman ko, Griyego ko, Koreano ko, at Hawayano ko. Alam kong may lahing Italyano ako sa antigong panahon dahil sa mga Romano.
Kamping
Nitong umaga nang una ng Nobyembre ng 2022, maaraw, at nakita ko si Rod sa daan nang paklalakad ko galing sa pizzeria. Kinamusta ko ang kamping nila sa Squamish. Maganda raw ang panahon, at noong isang araw ay nag-27 gradong Celsius. Mapanglaw na ang Halloween sa aming pook ang sang-ayon namin. Sabi kong maraming Tsino'y hindi nagha-Halloween. Sabi ni Rod na sa mga susunod na henerasyon nila, baka maging mas Kanadyano sila. Nagdududa ako dahil sa karamihan na ng Intsik nang parang Epekto ng Bolang Niyebe rito.
Monday, October 31, 2022
Halloween ng 2022
Nitong hapon nang Halloween ng 2022, nasa pizzeria ako. Sa labas ng bintana'y may isang nakasuot nang parang kulay-tsokolateng leon at isang nakasuot nang talagang matabang mambubuno sa sumo. Sa loob ng pizzeria, nakita kong dumalaw si Nicole at ang kanyang "Heinz 57" na asawa. Sabi kong mukhang Pranses ang asawa niya. Maitim ang buhok at mataba. Bago pumunta ako sa pizzeria, nakita ko sa daan ng paglalakad ang mga kapitbahay kong si Al at si Rochelle na parehong nakaitim na boto, tulad ko. Pinag-usapan naming kaunti o halos wala nang mga bata'y sumisipot sa labas sa pook namin sa Isla Lulu. Sabi kong ang mga Tsino ay hindi masyado sa Halloween, pero sabi kong sa Hapon ay sikat ang "Harowin" nila. Sabi kong may Pasko rin sa Hapong parang Araw ng mga Puso. Ang mag-asawa o magboypren-gerlpren ay pumupunta sa mga espesyal na "Love Hotel." Sa dilim ng gabing Halloween, may naririnig naman akong mga paputok sa labas ng bintana ko sa kuwarto ko habang ginagamit ko ang tablet ko. Mga adolesente yata sila. Mga 9:33 nang gabi, may narinig akong dingdong sa pinto, pero hindi ako nagbukas ng pinto.
Elitisma Lingvo
En la komenco de la dudeka jarcento, la filipina elito komencis ŝanĝi de la hispana al la angla kiel la arkipelagan elitisman lingvon, precipe en skriba formo, kiel sekvon de la hispan-usona milito en 1898. Dume, indiĝenaj lingvoj daŭre estis la orela-buŝa ĉefapogilo, kie hispanaj pruntvortoj estas sufiĉe oftaj. En 1937, administracio elektis la tagalogan kiel bazon de la nacia lingvo. Dum tempo pasis, kodŝanĝo inter anglaj kaj indiĝenaj lingvoj iĝis pli ĝenerala. Kiel rezulto, Filipinoj estas lingva miksaĵo. La angla estas kiel eferveska rozkolora trinkaĵo, kaj la tagaloga estas griza ŝarko en la maroj. La hispana ankoraŭ sonas nostalgie de pasintaj majestaj bonaj tempoj por multaj filipinanoj. La tagaloga ankoraŭ ne estas tiel plene "intelektigita" kiel sia kuzo indonezia, kiun indonezianoj uzas en universitatnivela edukado kaj kiu havas ampleksan literaturon.
In the beginning of the twentieth century, the Philippine elite started switching from Spanish to English as the archipelagic elitist language, especially in written form, as a consequence of the Spanish-American War in 1898. Meanwhile, indigenous languages have continued to be the aural-oral mainstay, with Spanish loanwords being quite common. In 1937, administration chose Tagalog as the basis of the national language. As time passed, code-switching between English and indigenous languages became more prevalent. As a result, the Philippines is a linguistic hodgepodge. English is like an effervescent pink drink, and Tagalog is a grey shark in the seas. Spanish still rings nostalgically of bygone majestic good ol' days for many Filipinos. Tagalog is still not as fully "intellectualized" as its cousin Indonesian, which Indonesians use in university-level education and has extensive literature.
Sunday, October 30, 2022
Sampu
Binibigyang diin sa buhay ko ngayon ang mga lengguwaheng Ingles, Tagalog, Kastila, Esperanto, Portuges, Tsino, Hapon, Interlingua, Lojban, at Pranses. Bukod dito, may mga ideya-ideya ako sa maraming iba-iba pang wika.
Magbasa
Pasado nang hatinggabi nitong ika-30 ng Oktubre ng 2022, sinimulan ko muling magbasa ng tatlong libro, isang Esperantong Memoraĵoj de kampara knabo ni Xosé Neira Vilas, isang Kastilang Drácula ni Bram Stoker, at isang Pranses na Terremer Intégrale ni Ursula K. Le Guin. Hinihintay ko ang Halloween.
Saturday, October 29, 2022
Kana Da
Noong nasa Hapon ako, sabi ng manedyer na Hapones doon sa ibang Hapones na "Taga-Kanada" raw ako. Ang "Kana da" ay may ibig sabihing ang indihenong ponogramang sulat ng Hapones, bukod sa "Kanji," yaong talagang Tsinong logogramang sulat na ginagamit nilang kasabay nang Kana, yaong mga ponograma, ang unang sulat na pinag-aaralan ng mga batang Hapones.
Friday, October 28, 2022
Ang Bago
Nitong hapon nang ika-28 ng Oktubre ng 2022, nagwawalis si Simar na tindero ng pizza, at si Viktor ay nakaupong kakakain ng pizza at umiinom ng kanyang kola. Nagtanong si Simar. "Anong bago ba?" "Wala namang bago..." "Anong ginagawa mo ba?" "Nag-aaral ako ng iba-ibang lengguwahe." "Anong pinag-aaralan mo ngayon?" "Lojban..." "Ano iyon?" "Lojban. L-O-J-B-A-N. Artipisyal." "Para bang Perso?" "Hindi, inimbento, eksperimental." "Marunong ka ba ng Pranses?" "Oo, pinag-aralan namin sa eskuwela rito sa BC. Ikaw ba?" "Wala akong alam na salita." "Iniba na yata ang kurikulum dito, e."
Wednesday, October 26, 2022
Tuesday, October 25, 2022
Pagbati
Nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa bangketa sa Isla Lulu noong umaga nang ika-24 ng Oktubre ng 2022. Pinag-usapan namin ang mga pagbati sa iba-ibang kultura. Sabi niyang "Namaste" ang sa Indiya. Sabi ko namang sa Taylandiya'y "Sawatdee khrap" kung lalaki ang nagsasabi at "Sawatdee kha" kung babae naman.
Monday, October 24, 2022
Ekwasyon
Nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa Isla Lulung parke nitong umaga nang ika-24 ng Oktubre ng 2022. Pinag-usapan namin muna ang mga pangngalang may mga kasarian sa Pranses at sa Kastila, tulad ng "le table" sa Pranses na maskulino ang halimbawa ni Michael. Sabi kong sa Pranses ay "la planète"—pemenino—pero sa Kastila ay "el planeta"—maskulino. Tapos, nagdigresyon kami tungkol sa Ekwasyon ni Drake tungkol sa probabilidad ng mga intelihenteng buhay sa ating galaksiya. Sabi kong milagro na kung mahahanap ang parang bakterya o bayrus lamang sa labas ng Tiyera. Dagdag kong nawa'y malaman natin kung ang buhay sa kosmos ay karaniwan o hindi habang umiiral pa tayo. Maraming mga relihiyoso ay hindi naniniwalang may buhay sa labas ng Tiyera. Palagay kong sa Kanluran ay ganoon.
Sunday, October 23, 2022
Langit-Lupa II
Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang Daoismo sa Tsina. Sabi kong sa relihiyong iyon, may kung tawagin ay Tiāndì o Langit-Lupa. Sa Langit-Lupa, ang "mga sampung libong bagay" o lahat ng bagay ay pinababayaang parang mga pahang aso. Animismo at panteismo rin ang Daoismo.
Diwali
Mga araw ng Diwali ngayon, ang importanteng Pista ng mga Ilaw ng mga Hindu. Nitong umaga nang ika-23 ng Oktubre ng 2022, kinausap ko si Sachet na Hindung tindero sa pizzeria sa Isla Lulu. Sabi niyang may espesyal na mga pagkain at mga paputok.
Saturday, October 22, 2022
Espasyo ni Hans
Nakita ko si Hans na Olandes nitong tanghali nang ika-22 ng Oktubre ng 2022, sa kapihan sa Isla Lulu. Lumapit siya nang nakaupuang de gulong mula sa lamesa ni Kveta, yaong Tseka, hanggang sa lamesa ko nang umiinom ako ng gatas ng abenang malamig. Madalas namin pag-usapan ang astronomiya. Ang mga bagong teleskopyo at sonda sa espasyo ay pinapaliwanag ang mga larawan ng mga obheto sa espasyo, tulad ng mga bituwin ng mga Pilar ng Kreasyon at ang planetang Jupiter na mukhang makulay-kulay na sopas ang mga ulap-ulap.
Isnak
Nakita ko si Derek sa isang koridor sa malaking tindahan sa Isla Lulu nitong umaga nang ika-21 ng Oktubre ng 2022. Kapitbahay ko siyang Pilipino. Namimili siya ng mga delatang gagawin niyang ensalada. May mga kiwi pa siya sa basket niya. Sabi kong naghahanap ako ng isnak. Tanong niyang ano raw ang madalas kong meryenda. Sabi kong tugi sa ayskrim ang masarap. Tapos ng diskusyon namin, pumunta ako sa Pilipinong seksiyon, at kumuha ako ng dalawang balutan ng ubeng hopya.
Wednesday, October 19, 2022
Mahamog na Umaga
Nitong mahamog na umaga nang ika-19 ng Oktubre ng 2022, naggagatas ng abenang malamig ako sa Isla Lulung kapihan, at binabasa ko ang mga bitbit kong libro, ang Portuges na O Planeta dos Dragões ni Anne McCaffrey at ang Esperantong Tra Lando de Indianoj ni Tibor Sekelj. Wala naman akong talagang kinausap. Tapos, nagsanwits na manok at nagkape ako sa malapit na tindahan.
Katangian ng Diyos
Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang ugat ng Budismo at Shinto ng Hapon. Sabi niyang ang Budismo at Shinto ay may ugat sa Hinduismo. Tama siya tungkol sa Budismo, pero sabi ko sa kanyang mas may probabilidad na ang Shinto ay may ugat sa mga tribu sa Siberya noong mas antigong panahon. Alam niyang may impluwensiya na ng Budismo ang Shinto sa Hapon, katulad ang Daoismo sa Tsina.
Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang katangian ng Diyos. Sabi ko, sa akin, kung may Diyos, hindi iyon parang taong may mga mababang emosyon ng mga parang mas mababang nilalang. Wala yaong emosyong nagseselos, nagagalit, at mga ganoon. Sa akin, ang Diyos ay parang espasyo, ilaw, hangin, at mga ganoon. Hindi parang tao ang binigyang diin ko. Hindi ko nabanggit kay Greg na baka parang may mga "nibel" ang mga "diyos"—kung iyon ang tamang terminolohiya. Baka nga may mga mas mataas na nilalang na parang "diyos" o hindi talaga "diyos."
Noong ika-16 ng Oktubre ng 2022, pinag-usapan namin ni Greg ang katangian ng Diyos. Ang "tunay" na Diyos daw sa kanya ay ang Abrahamikong Diyos. Sabi kong sa Budismo, walang Master na Diyos, at ang mga diyos ay kinakabilangan nang malawak na ekolohiyang kasama na ang mga hayop, halaman, demonyo, anito, tao, monstro, at iba pa. Sa Budismo, puwede ang taong ateista o teista dahil hindi talaga sentro ang Diyos sa relihiyong ito, hindi tulad sa ibang relihiyon. Iba ang kategorya ng mga "buddha" at mga "deva" o diyos, at iba ang terminolohiya. Sa mga Animismo, sabi ko, tulad ng Shinto ng Hapon at Daoismo ng Intsik, ang mga bagay sa Kalikasan ay may kaluluwa—ang mga hayop, halaman, bato, buwan, araw, ulap, hangin, pangalan, tunog, at iba pa. Sa Saksi ni Jehova, denominasyong Kristiyano, wala ang Trinidad, at si Hesus ay hindi raw diyos sa Lupa, pero naging diyos muli sa Langit. Sa Saksi ni Jehova, si Satanas ay diyos din. Parang may politeismo, pero hindi eksplisito. Nagugulat si Greg na Baptista, ibang denominasyong Kristiyano...
Sunday, October 16, 2022
Gansa
Nitong umaga nang ika-16 ng Oktubre ng 2022, sa Isla Lulung parke, papuntang pizzeria ako, nakita ko si Michael na Danes-Pranses na naninigarilyo. Bughaw ang langit. Maaraw. Nakita raw niya ang pinakaunang niyebeng gansa nitong panahon.
Langit-Lupa
Nitong umaga nang ika-16 ng Oktubre ng 2022, nagkakapeng mainit si Greg at ako naman ay naggagatas ng abenang malamig sa Isla Lulung kapihan nang naghihintay si Greg para pagsisimba. Si Greg ay Baptistang Protestanteng Kristiyano, at ako naman ay Animista-Budistang Singkretista. Binanggit ko sa kanya ang Tiāndì o Langit-Lupa ng Daoismo ng Intsik. Napuna ko ang tato sa likod ng leeg ng brunetang baristang si Sarah tungkol sa paghahalo ng Intsik at Kanluraning Zodiac.
Saturday, October 15, 2022
Patupat
Nitong tanghali nang ika-15 ng Oktubre ng 2022, nasa Isla Lulung pizzeria ako. Umupo si Rose na tindera sa breyk niya. Pagkatapos ko nang aking pizza, binigyan ako niya ng "patupat," parang sumang nakabalot sa berdeng dahon at mahabang piramide ang korte. May kaibigan daw siyang Taga-Ilocos na gumagawa ng patupat. Taga-Cagayan si Rose. Sa pizzeria, pumasok si Joey na Olandesa at nagbati, tapos nag-order ng pizza. Paglabas ko, may presentasyon ang tindahang Intsik ng guacamoleng iba-ibang klase at pinatikim ako nang may tortilyang tsip na kulay-lila.
Grand Canyon
Noong ika-14 ng Oktubre ng 2022, sabi ko kay Greg na nakatira ang pamilya ko dati sa pulang sabana sa Lungsod ng Quezon. Natatandaan kong kung magbagyong malakas ang ulan ay hinihiwa ang pulang lupang parang naging "Grand Canyon." Sabi ko pang sa planetang Marte ay may banging halos kasing laki ng kontinental na magkadikit na Estados Unidos sa Tiyera. Latin ang pangalan—Valles Marineris. Nagdigresyon kami tungkol sa lengguwaheng Latin. Sabi niyang maganda raw ang wika. Sabi kong mas parang banal, sagrado, ang tunog ng Latin kaysa sa Ingles. Bernakular na ang ginagamit ng Katoliko mula noong 1965.
Friday, October 14, 2022
Orihinal
Nitong umaga nang ika-14 ng Oktubre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, nagkapeng mainit si Greg at naggatas ng abenang malamig ako. Pinag-usapan namin ang relihiyon. Sabi ko sa kanyang sa Talmud ng Hudyo raw ay bumibisita ang Diyos sa labing-walong libong mundo bawat gabi. May mga parang ensiklopedya ang Hudyo, ang mga Talmud. Ang mga Muslim ay kailangang marunong ng Arabe para bumasa ng orihinal na Koran, at ang Hudyo ng Hebreo para sa Torah nila. Ang problema sa Kristiyano ay tatlo ang orihinal na wika, ang Hebreo, Aramaiko, at Griyego. May mga rima o tula at numerolohiyang nawawala sa pagsasalin sa ibang wika.
Saturday, October 8, 2022
Darius
Nitong hapon nang ika-8 ng Oktubre ng 2022, nakaupo ako sa balkonahe sa bahay sa Isla Lulu, at nakita ko si Darius na kapitbahay ko sa labas. Si Darius ng klang Wong ay may lahing Mongoloid, Caucasoid, Negroid, at Australoid, ang lahat ng mga apat na subespesye ng tao. Pinag-usapan namin ang bagong trabaho niya sa werhaws. Sabi niyang may kaunting tungkulin sa mga makina at hindi raw masyadong mahirap. Kinamusta naman niya ang buhay ko. At sabi kong naging adik ako sa mga imahen galing sa Sapot sa tablet ko. Sang-ayon kaming dalawang dapat may mga oras na iwasan muna ang Sapot sa araw, dahil gustong palakasin ang sariling imahinasyon o "mata ng isip." Tapos ng kumbersasyon, naglabasan ang mga kamag-anak ni Darius pakotseng parestawran.
Putik Pa
Nitong tanghali nang ika-8 ng Oktubre ng 2022, pabalik akong lakad galing sa Isla Lulung pizzeria, nakita ko si Rod. Pinag-usapan namin ang sabal sa tapat ng ilog dito sa Isla Lulu. Medyo protektado ang tao. Pero, alam naming atras nang mga isang siglo, puro putik pa ang ngayong Isla Lulu, at nagkakayak ang mga Amerindiyo sa tubig. Matrapik na rito, hindi tulad noong nasa elementarya pa akong ang mga daan ay kaunti pa lamang ang mga sasakyan.
Thursday, October 6, 2022
Banana Republic
Nakita ko si Rod sa lakad pabalik galing sa Isla Lulung pizzeria nitong umaga nang ika-6 ng Oktubre ng 2022. Nakakamiseta siyang kulay-abo. Magkakamping daw silang mag-asawa sa Squamish. Tinanong ko kung may mga bagong libangan siya sa kanyang retiro. Binebeybi lamang daw niya ang treyler nila. Nagpuputol ng mga halaman, tulad ng blakberi nila. May puno silang tsering hindi nakakain ang bunga, dahil ornamental lamang ang mga bulaklak. Lumakad pa akong pupuntang bahay, at nakita ko ang kapitbahay kong Kantones na si Shermang papasok sa trak niyang bitbit ang isang bag na kulay-abong "Banana Republic." Tinanong niya kung gaanong katagal ang paglalakad ko. Sabi kong mga 17 minuto sa isang daan.
Wednesday, October 5, 2022
Konehilyo
Nitong tanghali nang ika-5 ng Oktubre ng 2022, sa Isla Lulung kapihan, kinausap ko ang bago pa lamang na baristang Taga-Tsinang si Leou. Hunan ang pinanggalingan niya. Sabi kong wala pang kabayo sa mga Amerika noong antigong panahon, at dinala ng mga Taga-Europa sila. May mga llama naman ang sabi ni Leou. Nakasuot pa ang mga kongkistador ng metalikong armor. Sang-ayon kaming dalawang ang teknolohiya ng mga Taga-Europa ay mas abansado kaysa sa mga Amerindiyo, kaya sinakop sila. Binanggit ni Leou ang imunidad ng mga Eurasyano sa mga virus na nanggaling daw sa domestikadong hayop sa Eurasya. Ayslado nang matagal ang mga Amerindiyo kasi ang dagdag ko. Binanggit ko kay Leou ang "cuy" na kinakaing litson sa Timog Amerika—mga konehilyo, parang kunehong maikli ang taynga.