Maaraw na naman. Ngayon ay una ng Setyembre ng 2023. Pagpunta ko sa Isla Lulung Istarbak sa umaga, natagpo ko si Michael na Danes-Pranses. Pinakita niya sa akin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa paligid ng gasolinahan. Sa kanya, ebidensiya raw ng ekstraterestre. Binobloke raw niya nang braso ang ilaw sa pader ng gusali, pero wala raw anino. Pagkatapos, naroon ako sa Istarbak. Nakaupo sa isang mesa nang sandali si Chen, yaong tabatsoy na Tsinong mukhang sundalo. Mamaya pa, naroon kami ni Greg na Pilipino para maghuntahan. May croissant at kape, o mocha yata, si Greg. May tsaang itim na mayelo ako. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip. Siyempre, marami kaming pinag-uusapan. Sabi kong parang "unipolar" na ang mundong ang sentro ay Estados Unidos. Nagiging Amerikano ang Rusya at Tsina rin. Maraming nag-aaral na ng Ingles sa Silangang Europa, imbis ng Ruso. Sa ibang tema, maganda ang Tsina para sa mga turista nang sang-ayon kami ni Greg. Nakapunta na ako sa Hong Kong. Maganda rin sa mga estatwang terracotta sa Xī'ān, sa mga eskulturang bundok at ilog sa Guìlín, at sa mga monasteryong palasyo sa Tibet. Sa ibang tema, preparado ko nang muling basahin ang mga elektronikong libro ko sa Kastila: Azteca ni Gary Jennings, El eterno regreso a casa ni Ursula Le Guin, at La mano izquierda de la oscuridad ni Ursula Le Guin din. Unti-unti akong magbasa, pero nabasa ko na sila. Kung magbasa nang malakas ako, parang nagdadasal.
No comments:
Post a Comment