Maulap sa umaga nang ika-13 ng Setyembre ng 2023. Sa aking tablet, binabasa ko ang Kastilang El eterno regreso a casa ni Ursula Le Guin, sa Istarbak dito sa Isla Lulu. Napupuna kong magaling ang isip ni Greg na Pilipino tungkol sa espasyo para sa isang relihiyoso. Pinag-usapan namin sa Istarbak ang mga kinabukasang misyong may tao papuntang planetang Marte. Sabi niyang mga "pitong buwan" ang papuntang Marte. Kung may tao, dapat talagang "malusog sa sikolohiya" ang dagdag ko. May mga planong magkakolonya ng tao sa Marte. Sang-ayon kami ni Greg na masyado yatang ambisyoso ang Marte para ngayon; sang-ayon kami ni Greg na dapat may kolonya muna sa Luna para masanay ang mga astronawta at mga dalubhasa. Nakita ni Greg ang aking asul na tisyort na may imahen ni Chewbacca sa harapan. Pareho kaming nakasuot nang dyaket na berdeng may pantakip sa ulo. Sang-ayon kaming ang mga prangkisang Star Wars at Star Trek ay talagang sikat pa ngayon. Sa ibang tema, binabasa na ni Greg daw ang binigay ko sa kanyang Koran, yaong kayumangging bilingguwal na Arabe-Ingles. Sang-ayon kaming parang pareho ang tono sa Bibliya. Sa Istarbak, dumalaw yaong muskuladong lalaking mukhang militar na nakakulay-abo. Regular na kostumer siya. May dumalaw ring magkapatid na lalaking binatang may itsurang kayumanggi ang balat. Di ko maunawaan kung anong lengguwahe ang ginagamit nila.
No comments:
Post a Comment