Friday, September 22, 2023

Mistiko

Nang ika-22 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria ako sa umaga at nasa Istarbak at pizzeria sa hapon dito sa Isla Lulu. Sa Istarbak, ang barista ko ay si Denise na bagong Pilipina roon. Maraming bata sa hapon. Sa pizzeriang Yummy Slice, nagpizza at nagkola ako, sa umaga at sa hapon din. Sa birtuwal na biyahe ko sa Istritbyu, sa tablet ko, naroon pa ako sa Creta sa Mediteraneo. Sa tema ng araw, ang numerong 22 ay naging simbolo ng Koreano. Iniisip kong ang Koreano ay mas mabisang akses sa Oryente para sa mga Tagakanluran. Hindi madalas ang paggamit ng sinograma sa Koreanong mas madalas ang ponograma nilang Hangeul. Ang Koreano ay malimit na minamaliit sa Kanluran kung ikumpara sa Hapones at Tsino. Ang mga sinograma ay resulta lamang nang matagal na matagal na kaos na ebolusyon. Minamalaki itong sistema sa Kanluran dahil sa mistiko.

No comments:

Post a Comment