Saturday, September 16, 2023

16 na Regla

Masyado palang mainit ngayon para sa aking nakadyaket na berdeng mukhang militar na may pantakip sa ulo. Ngayon ay ika-16 ng Setyembre ng 2023 na rito sa Isla Lulu. Suot ko ang aking tisyort na asul na may imahen ni Chewbacca. May kulay-abong touque ako at maitim na kulay-abong korto. Sa umaga at tanghali ako nasa pizzeria. Naroon si Simar at si Bal, parehong Taga-Indiyang tindero. Sa tanghali, may malaking lalaking muskuladong nakaputing tisyort at berdeng kamuplaheng militar na korto. Nagpizza siya sa regular na puwesto ko sa mesa sa labas sa harap ng bintana. Mukha siyang Italyano. Sa bahay, nagbabasa ako ng Kastilang nobelang El eterno regreso a casa ni Ursula Le Guin, tungkol sa libu-libong taon pang kinabukasan sa Norteng California, kung saan ang tao ay naninirahang parang mga Amerindiyo. Sa tema ng araw, may 16 na regla ang basikong gramatika ng Esperanto.

No comments:

Post a Comment