Nang maaraw na ika-11 ng Setyembre ng 2023, nasa Istarbak ako nang umaga, nasa pizzeria nang umaga rin, at nasa pizzeria muli nang hapon. Sa hapon sa pizzeria, natagpo ko si Khathie, yaong Taga-Senegal, nang kasama ang mga mulata niyang anak na si Aïcha at si Amina. Ingles na Kanadyano raw ang asawa niya. Nakabestidong kulay-rosas na narangha si Khathie ngayon. Pinanganak si Khathie sa Senegal, tapos lumipat ang pamilya niya sa Timog Aprika, tapos nasa Isla Lulu na rito. Pinag-usapan namin ang pagkain, katulad ng "fufu," yaong masang kinakain nila nang kasama ang sopas na okra, o "gombo" sa kanila. Marunong si Khathie ng Pranses, Wolof, at Ingles. Sa unibersidad sa Dakar sa Senegal, nag-aral din siya ng iba-ibang lengguwahe tulad ng Kastila, Portuges, Arabe, at iba pa. Muslim ang relihiyon ni Khathie. Nagkombersiyon ang asawa niya sa Islam. "Workaholiko" raw ang asawa niya, at mas matahimik siya tapos naging Muslim siya. Ang kinakain ko sa pizzeria ay mga tsip na inihurnong patatas na may ketsap at salsang Sriracha. May kolang pangdiyeta ako.
No comments:
Post a Comment