Saturday, September 23, 2023

Musika Ngayon

Ubos na ang sanwits ni Greg, yaong Pilipino, nang dumating ako sa Isla Lulung Istarbak nang kaunting maambon na umaga nang ika-23 ng Setyembre ng 2023, ang unang araw ng panahon ng otonyo. Nagkakape pa si Greg sa seramikang tasa. Binili niya ako ng mansanas na tsip habang may tsaang itim na may yelo ako. Ang mga barista ngayon ay si Chelsea, yaong Mandaring Tsina, si Jessica, yaong Byetnamesa, si Nabhi, yaong Taga-Indiya, at si Anna, yaong Pilipina. May Hispaniko sa isang mesa. Muskulado siya. Sa mesa sa labas sa harap ng bintana ay si Marlin, yaong Pilipina, at si Les, yaong Haponesa. Sa loob, may matabang lalaking maputi ang bigote at buhok na pinaaandar ang kanyang bagong ispiker na JBL na mas malaki sa isang lukban. Nagpatunog siya ng isang Klassikal, yaong alam kong "Pachelbel Canon sa D Major." Tapos, may isang Rock. Tapos, may isang Country. Malakas ang tunog nga talaga, at pinigil siya ni Jessica. Sabi ko kay Greg na ang mga paborito kong musika ay Klassikal, Techno, at World Music naman.

No comments:

Post a Comment