Thursday, September 21, 2023

Kamatis

Sa huli nang maaraw na umaga nang ika-21 ng Setyembre ng 2023, nasa pizzeria ako. Naroon ang mga tinderong si Bal at si Sachet na parehong Taga-Indiya at si Tharsan, yaong may-aring may lahing Taga-Sri Lanka. Naroon din ang puting deliberi man nilang nakaahit ang ulo. May bagong klaseng pizza; tanong ko kay Sachet: "Ano itong may mapula? Hindi ko pa nakita." "Para sa mga bata. Kesong may salsang kamatis," 'ika ni Sachet; may malaking order sa eskuwela. "Tikman mo," inulok niya. "Okey. Sige!" sagot ko. Masarap nga naman. Nasa labas na mesa ako sa arawan. Sa kabila ng kalye ay dalawang trabahador na Tsino sa harap ng Asyanong panaderiyang tsaahan: isang nakaputi at isang nakakulay-abo ang suot.

No comments:

Post a Comment