Sunday, September 10, 2023

Budoanimista II

Madalas namin ni Greg na Pilipinong pag-usapan ang relihiyon sa Istarbak. Binibigyang diin ko ang Daoismo, isang klaseng Animismo at Panteismo. Sabi kong ang bibliya ng Daoismo, ang Dàodéjīng, ay mga 81 maikli ngunit masaklaw na kabanata. Ang paborito kong translasyon ay ni Ursula Le Guin, pero marami pang ibang mahusay din. Ang bibliya ng Timog na Budismo ay ang Tipiṭaka sa liturhikong wikang Pali. Ang Tipiṭaka ay ang "Tatlong Basket." Mas parang Budoanimista ako. Malimit kong sabihin sa ibang taong mas gusto kong tumira sa antigong bansang may mga lumang gusaling may kasaysayan. Sabi ko kay Greg na sa Europa, gusto roong i-blend ang bago sa luma, pero sa Hapon, gusto roong may istark na kontrasto ang bago at luma.

No comments:

Post a Comment