Mainit at maaraw ngayong ika-15 ng Setyembre ng 2023, at nasa pizzeria ako sa umaga at sa hapon. Sa umaga, nakita ko muli si Michael na Danes-Pranses. Pinag-uusapan namin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. May mga bagong litrato siya sa kanyang ismartpon. Tanong niya sa akin, "Iniisip mo bang ekstraterestre?" Sagot ko, "Animista ako. Mapapaliwanag ng Animismo ang mga ekstraterestre." Di masyadong alam ni Michael na parang Hapones ang pag-iisip ko. Tagakanluran siya. Sa hapon, nakita ko si Tharsan, yaong may-ari ng pizzeria at may lahing Taga-Sri Lanka. Kababakasyon sa Bahamas lamang daw niyang kasama ang gerlpren niyang may lahi ring Taga-Sri Lanka. Pumunta sila sa Bimini sa Bahamas at sa Miami. Puti raw ang buhangin sa aplaya. Sa ibang tema, iniisip ko ang lengguwaheng Koreano. Iniisip kong mas madali pang maakses ng Tagakanluran ang Oryente kung ginagamit ang Koreano, imbis na mas mahirap na Hapones o Tsinong parehong malimit ang sinograma. Madalas ang ponograma ng Koreano sa sariling sulat nila. Mas maigi pa. Ang mga sinograma ay resulta nang matagal na matagal na kaos na ebolusyon. Sa labas ng pizzeria, nakita kong nagbating tumawid si Chen, yaong tabatsoy na Tsinong mukhang sundalo.
No comments:
Post a Comment