Wednesday, September 20, 2023

Ini-enjoy

Apat na beses akong naglakad nitong ika-20 ng Setyembre ng 2023. Pasado nang 17:00, sa ika-4 kong lakad, pumunta ako sa Istarbak. May tsaang itim na may yelo ako. May sanwits na salsitsas, kesong cheddar, at itlog ako. Naroon ang mga baristang si William na Tsinong mukhang guwapong Pilipino dahil parang may lahing Portuges, si Chris na mestisong Hapones-Ingles, at si Francis na mestisong Amerindiyong Cree at Ingles. May mga kostumer na kinulayan ang buhok nilang morado, asul, at narangha. Mamaya pa, nasa pizzeriang Yummy Slice ako. Naroon ang mga tinderong si Bal at si Simar na parehong Taga-Indiya at saka si Rose na Pilipina. Maraming dumalaw na mga bata ngayong gabi. May isang batang lalaking nakaberdeng tisyort na may rocket sa harapan. Ini-enjoy ko lamang ang pagtatapos ng tag-init.

No comments:

Post a Comment