Sa huli nang umaga nang ika-18 ng Setyembre ng 2023, naroon ako sa pizzeria rito sa Isla Lulu para magkolang pangdiyeta. Naroon ang mga tinderong Taga-Indiyang si Sachet at si Bal. "Awt op order" ang banyo roon ngayon. Pag-uwi ko, humingi ng tulong sa akin ang mga kapitbahay kong si Lola Moli at si Lolo Leong para ayusin ang kanilang tablet na "awt op order" din. Hindi ko maayos. Sa tablet nila nakikita ang mga biyahe ng kanilang mga anak na si Sandra at si Isaac na nasa Europang nagbabakasyon ngayon. Ang pamilya nilang Wong galing Fiji ay haluhalo nang mga Tsino, Bumbay, at Karibeng Itim. Alam na hindi perpekto ang teknolohiya, pero may progreso man din...
No comments:
Post a Comment