Sa madaling araw nang ika-9 ng Setyembre ng 2023, kumakain ako ng Hapones na takoyaki at Srilangkanong deyt na keyk na may kasamang tsaang Pu-Erh. Mamaya pa, lakad ako papuntang Istarbak. Nakita ko si Michael na Danes-Pranses sa daan, at pinakita niya ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa tabi ng mga tawnhaws at gasolinahan. Sa kanya, ebidensiya raw ng mga ekstraterestre. Malapit sa Istarbak, may isang lalaking may itsurang may mga tatong nilalakad ang malaking aso niya. Sa Istarbak, habang umiinom ako ng puting gatas na abenang may yelo, nagbabasa ako ng siyensiyang piksiyong librong Kastilang Crónicas de Majipur ni Robert Silverberg. Dinala ko ang libro sa loob ng berdeng kambas na sako ko. Nakanaranghang tisyort, maitim na asul na korto, berde at itim na tsaleko, at kulay-abong touque ako. Pag-uwi ko, nakita ko si Al na puting kapitbahay kong naninigarilyo. Sabi niyang nasa 100 Mile House daw si Mark, yaong puting tabatsoy na kamukha ni Maitreya Buddha, para tulungan ang kaibigan niyang ipagbili ang bahay niya. Tapos, lilipat daw si Mark sa isang nayon ng pangingisda sa Isla Bangkuber.
No comments:
Post a Comment