Nang maaraw na umaga nang ika-17 ng Setyembre ng 2023, nasa Istarbak akong kumakain ng sanwits na salsitsas, kesong cheddar, at itlog nang may kasamang puting abenang gatas na may yelo. Sa mesa sa labas ng bintana ay si Marlin, yaong Pilipina, at si Les, yaong Haponesa, parehong naghahamburger sa umaga. Nasa loob naman si Dennis, yaong Tsino-Alemang mestisong naglalaro ng kanyang Sudoku, o kaya KenKen. Dumating si Greg na Pilipino. Binili niya ako ng mga mansanas na tsip. May kape siya at sanwits na beykon, Gouda, at itlog. Pinag-usapan namin ang wikang Ingles. Sang-ayon kaming hindi mabisang internasyonal na wika ang Ingles dahil hindi talagang mabigkas ng ibang etniko. Sabi kong mas marami ang mga basikong tunog o ponema sa Ingles na talagang hindi magkasiya sa 26 na letra lamang. Ang mga barista ngayon ay si Chelsea, yaong Mandaring Tsina, si Sarah, yaong Anglo-Sahona, at si Nabhi, yaong Taga-Indiyang mukhang Latina. Sa tema ng araw, ang numerong 17 at ang kulay-abo o itim ay naging mga simbolo ng Tagalog.
No comments:
Post a Comment