Nasa Isla Lulung Istarbak ako sa maaraw na umaga nang ika-10 ng Setyembre ng 2023. Dinala ko ang tablet ko sa loob ng malaking berdeng kambas na sako ko. Habang kumakain ng ubeng hopya at umiinom ng itim na tsaang may yelo ako, binabasa ko sa tablet ko ang librong Kastilang El eterno regreso a casa ni Ursula Le Guin, tungkol sa kinabukasang libu-libong taon pa sa norte ng California, kung saan ang tao ay naninirahang parang mga Amerindiyo. Habang kadadating lamang ni Greg na Pilipino sa Istarbak, kumakain ako ng sanwits na salsitsas, kesong cheddar, at itlog. Binili pa ako ni Greg ng mga mansanas na tsip. Kumakain siya ng sanwits na beykon, kesong Gouda, at itlog. At may tasa ng mocha siya. Marami kaming pinag-usapan: Ang mga Ruso at mga Pinlandes ay paminsan-minsang may lahing Mongoloid. Ang arte ng Eskimo at Pinlandes ay magkahawig sa Hapones. Pinag-usapan din namin ni Greg ang pagkain ng Aprika: ang "injera," yaong parang malaking pankeyk, at ang "fufu," yaong masa na kasaba, saba, yam, cocoyam, o kamote. Pag-uwi kong lakad, nakita ko muli sa daan si Michael na Danes-Pranses. Pinakita niya sa akin ang mga mahiwagang ilaw-ilaw sa pook na sa kanya ay ebidensiya ng ekstraterestre. Tanong niya, "Isip mo bang may tsansang ekstraterestre?" Sabi ko, "Sa akin, ang ekstraterestre at animismo ay may pagsasama."
No comments:
Post a Comment