Sa mainit pang gabi nang ika-10 ng Setyembre ng 2023, naroon ako sa pizzeria sa Isla Lulu para magkola, at naroon si Agaccha, yaong Taga-Indiyang tindera. Naghihintay si Ka Chris ng pizza niya. Malimit siya sa serbeseriya. Dumalaw si Derek na Pilipinong kapitbahay ko sa pizzeria. Nakasuot siya nang beysbol kap na may bandera ng Mehiko. Kinamusta niya ang pamilya ko. Sabi kong nag-aaral kami ng kuya ko nang Kastila. Nagustuhan ng kuya ang Siyudad ng Mehiko, lalu-lalo na ang lugar ng La Condesa roon. Nagkuwento naman si Derek sa akin tungkol sa ilang buwan siyang nasa Tsipreng kasama si George, yaong Tsipreng Griyegong kapitbahay namin pareho sa Isla Lulu. Malapit daw sila sa aplaya noong nasa Tsipre. Tapos, pumunta sila sa Ehipto. Nagkamel sila sa mga Piramide. Umakyat daw sila nang pitong antas sa Piramide bago sila pinigil ng guwardiyang may riple. Sa pizzeria, may dumalaw na Taywanes na may itsura at kinausap din ako. Sa bahay, naroon na ang bisita naming si Tita Sony at ang anak niyang si Janette. Taga-Ibaan sila sa Pilipinas. Maganda ang bahay nila roong may daan sa gitna ng malaking hardin. Madalas sila sa Timog Korea, Hawaii, at iba pang lugar. Ang pasalubong sa akin ay isang malaking kahon ng makulay-kulay na Jeju Choco Crunch mula sa Timog Korea. Sabi ng Tita, "Maganda ang Isla Jeju!"
No comments:
Post a Comment