Sa maaraw na umaga nang ika-30 ng Setyembre ng 2023, naroon ako sa Istarbak para uminom ng tsaang itim na may yelo at kumain ng sanwits na salsitsas, cheddar, at itlog. Ang mga barista ngayon ay si Taryn, yaong matangkad na Anglo-Sahona, si Karina, yaong matabang Rusa, at si Francis, yaong payatot na mestisong Amerindiyong Cree at Anglo-Sahon. Nakanaranghang tisyort ngayon si Francis. Ako naman ay nakaberdeng madilaw na tisyort at mapulang dyaket. Pagdating ko, nakaupo sa labas ang mga regular sa Sabado: isang Mediteraneo, isang Kantones, at dalawang Anglo-Sahon. Sa loob, sa isang mesa sa sulok ay si Dennis, yaong mestisong Tsino-Aleman. Sa loob din, may kostumer na malaking lalaking motorsiklistong nakaahit ang ulo. Nakaitim at berdeng madilaw na dyaket siya, at nakaasul na pantalon siya. May maputing bigote. Pag-alis ko, dumating naman si Marlin, yaong Pilipina, si Les, yaong Haponesa, at isang kaibigan nilang Tsina. Umupo sila sa labas, at may araw na, kahit malamig-lamig na. Dala ni Les ang aso niyang nakatali. Dumaan ako sa pruteriya. Iniisip kong bumili ng pakwang dilaw ang laman, pero hindi na lamang.
No comments:
Post a Comment